Sa mga sumunod na araw ay hindi pa rin nagigising si Tito Ramon pero halos araw araw andoon si Gino at bumibisita rin ako paminsan pagkatapos ng trabaho ko. Mas lalo rin naging busy si Gino sa trabaho dahil tinutulungan niya na yung kuya niya magmanage dahil hindi pa nagigising si Tito Ramon kaya halos hindi na rin siya nakakauwi.


"Bibisitahin mo nanaman yung father-in-law mo?" Pang-aasar na tanong ni Kim nung pumunta dumaan muna kaming hospital.


Tinawanan ko nalang siya at nagtuloy tuloy sa paglalakad, nung malapit na kami sa kwarto ay exaktong lumabas doon yung isang nurse na may dala dalang chart at tray ng injection.


Binati niya ako at binati ko rin siya nung nagkasalubong kami kasi medyo kilala ko na rin yun dahil madalas ko siyang nadadatnan na nagrorounds kay Tito Ramon, mukhang siya nga lang ata yung pinapapasok na nurse dun eh.


May security code pa yung kwarto at kailangan ng ID para makapasok, pinahiram saakin ni Gino yung kanya kaya nakapasok kami. Pumasok na kami sa kwarto at ganun pa rin yung kalagayan ni tito, hindi pa rin nagigising. May tama siya ng baril sa tagiliran at sabi nila inatake rin daw siya nung naganap yung atake.


Bigla naman nagvibrate yung phone ko kaya binitawan ko muna yung mga dala ko sa side table at tinignan text sa pag-aakalang si Gino yun, pero hindi.


From: +639*********

Last warning, stay away from that family and I'll spare your life.


Kumunot yung noo ko dahil andito nanaman yung spam message na naka-ilang beses ng nagmemessage saakin. Hindi naman nagmamake sense yung mga pinagsasabi niya.


"Hindi ka pa rin tinitigilan?" Tanong ni Kim na mukhang nakita yung text, "Tss, akin na, iblock na natin. Hindi nakakatuwang biro yung mga pinagsasabi niya eh."


Binlock na namin yung number pero kahit mukhang hindi naman totoo yun, kinikilabutan at natatakot pa rin ako na baka totoo yun. Kaya nga simula nung sinabi ko yun kay Gino, hindi na talaga niya ako pinauwi o pinaalis sa bahay na ako lang mag-isa eh.


Saglit lang kami doon, inayos ko lang yung mga gamit at iniwan na yung mga pagkain na dala dala ko bago kami umalis.


Nung lumabas na kami ng kwarto ay may nakasalubong nanaman kami na bagong nurse na may dala dalang chart, sinundan ko siya nang tingin dahil parang may kakaiba sakanya. Nagtaka ako kung bakit siya pumasok doon sa kwarto ni Tito Ramon, eh kakatapos lang siyang icheck kanina, pero winalambahala ko yun at dumeretso nalang sa elevator, nung nagbukas yung elevator ay bumungad saamin yung nurse na alam kong nagchecheck kay Tito Ramon.


"Uhm, hello po. Tanong ko lang po kung nakita niyo dun sa kwarto yung ID ko? Nawawala po kasi eh." Pagkasabi na pagkasabi nung nurse nun ay agad kaming napatakbo pabalik ni Kim sa kwarto, mukhang kinutuban na rin siya sa nangyayari.


Nadatnan naman namin doon yung nurse na nakasalubong namin kanina nung papaalis na kami at may ituturok na siya ngayon kay Tito Ramon. Nagkatinginan pa kami sa gulat hanggang sa nagsalita yung nurse na nakassigned talaga dito.

A Hidden Gem (Fate Series#3)Where stories live. Discover now