CHAPTER 40

1.8K 48 8
                                    

         [DITO MALALAMAN LAHAT NA NANGYARI]
                                " ERRORS AHEAD"

MATAPOS Sabihin sa kanya ni veronica ang lahat, agad- agad niya naman dinampot ang kanyang cellphone bago nag mamadaling lumabas sa opisina.

Gusto na niyang umuwi, para makita ang dalaga na kanina pang hinahanap ng kanyang mata at maramdaman ang yakap nito. Gusto niya na makita ang ngiti nito sa labi, na palaging nagpapa tambol sa kanyang puso. gusto niya maramdaman ang malambot at mainit nitong labi..

Agad niya naman binuksan ang pinto ng kanyang sasakyan, ng makarating ito sa parking lot. at handa na sanang pumasok sa loob ng sasakyan ng may kamay ang humawak sa kanyang braso.

"Who are you?" Nag tataka niyang tanong sa ginang, nakabalot ng balabal ang mukha nito. Habang hawak parin siya nito sa kanyang braso.

"M-om" Gulat niyang bulalas ng makita ang mukha ng ginang. Matapos nitong tanggalin ang nakabalot sa mukha nito. emosiyonal ang mga mata at mukha nitong nakatingin sa kanya.

Naguguluhan siya sa nakaharap sa kanya ngayon. naguguluhan siya kung bakit parang isang pulubi ang suot ng kanyang ina ngayon. Ibang- iba sa suot nito, na nag bibigay irita sa kanya pag pumupunta ito sa mansiyon. At ang pinaka naguguluhan siyang makita kung bakit ito nagkaroon ng peklat sa gilit ng mukta nito.

"Anak" umiiyak na saad ng kanyang ina at agad itong niyakap ng napaka higpit. Rinig niya ang pag hikbi nito, ramdam niya ang napaka higpit ng yakap sa kanya na parang mahabang panahon silang hindi nagkita.

"Wait" Naguguluhan at naiirita niya itong nilayo sa pagkaka yakap sa kanya. Hindi niya alam kung anong nangyari dito, at kung meron man ayaw niya nang malaman pa.

Iniisip niya na baka dahil sa pag susugal nito at pagiging malandi may ginawa na sa kanyang masama. Ilang buwan din itong hindi nagpa Kita sa kanya, kaya wala siyang pakealam.

"What do you need?. pera nanaman ba huh?. and what happened to you, you're look like a mess.. may kinalaban kaba? dahil ba sa sugal kaya nangyari sa mukha mo yan huh?" Hindi niya na napigilan ang itanong dito. At naiirita din siya dahil nagpapa- awa nanaman sa kanya.

"Anak ako to.. Ang mama mo" umiiyak nitong saad, at hindi nagawang sagutin ang tanong niya. Lalo pa siya naguguluhan bago umatras ng konti dito.

Naiintidihan ng ginang kung bakit ito ang sinasabi ngayon ng kanyang anak, dahil alam niya ang nangyari dito. At yun ang pinaka masakit, dahil wala siyang nagagawa.

"Are you out of your mind.. yes I know you're my mother. a gold digger mother, nothing else" Naiiritang saad ni maximo at handa na sanang pumasok sa sasakyan ng mag salita ulit ang ginang. Naiirita siya dahil mag gagabi na at nasasayangan ang oras niya. gusto niya na talagang makita ang dalaga.

"Yung dalaga.. naibigay niya ba sayo yung kwintas?. ako Ang nagpa bigay sayo nun, kung makikinig ka ngayon sakin.. malilinawagan ka" Umiiyak na saad ng ginang. Humarap naman siya dito na naguguluhan at hindi maintindihan ang sinasabi ng kanyang ina.

"Yung tinuring mong ina. hindi ako yun, hindi mo siya ina.. ako ang totoo mong ina anak.. patawarin mo ako, wala akong nagawa anak" Umiiyak na saad ng ginang at masuyo siya nitong tinitigan.

"What do you mean?. Nasisiraan kana ba ng ulo, O ginag*go mo nanaman ako.. anong ka- dramahan nanaman ba to, you wasting my time." Naiirita niyang saad dito. Naguguluhan siya sa pinag sasabi ngayon ng magaling niyang ina, hindi nanaman niya alam kung anong plina- plano nito. Basta ang alam niya, may kailangan nanaman ito sa kanya.

"Makinig ka! ako ang totoong ina mo. yung tinuring mong ina nitong nakakalipas na panahon, kakambal ko yun... Patawarin mo ako anak, wala man lang ako nagawa. Pinahirapan niya ako, maraming panahon ako nag tiis at nag dusa!" Umiiyak na pag saad ng ginang na nasa harap niya ngayon. Habang siya gulat at hindi alam ang sasabihin dahil sa narinig.

I'm The Maid Of Cassanova RuthlessWhere stories live. Discover now