CHAPTER 19

3.2K 91 30
                                    

Yennie POV

NAGISING naman ako banda alas singko ng madaling araw para ako na ang gumawa ng almusal at makapag pahinga naman din si nanay sita.

Pagka tapos maligo at mag bihis ay agad na akong lumabas ng kwarto at agad ng dumeretyo papuntang kusina.

Nang makarating ay agad naman na ako nag simulang mag luto ng almusal.. Natigilan naman ako sa pag luluto ng nakaramdam ako ng uhaw, kaya naman ay lumapit muna ako sa freezer at agad kumuha ng mineral water. Pagka tapos uminom ay agad ko nang sinerado ang freezer at agad ng humarap, pero agad rin natigilan ng mabunggo ako sa matigas na dibdib.

Napaangad naman ang tingin ko sa nag mamay- ari ng dibdib na ito, at dun naman sumalubong sakin ang seryosong mukha ni señorito at ang magulo nitong buhok na mukhang kagigising niya lang.

"Magandang umaga señorito" saad ko sa kanya at umatras ng konti kahit alam ko naman wala nang maatrasan.

Hindi naman ito nag salita at nakatingin lang sakin. Nakaramdam naman ako ng ilang dahil sa tingin niya kaya dadaan na sana ako sa gilit niya ng tumagilit din siya. Napatingin naman ako sa kanya at dun na lang sana dadaan sa kaliwa niya nang kumaliwa din siya, na kinataka ko na?

"Señorito dadaan po ako, baka po kasi masunog na yung itlog" nakangiwi kong saad sa kanya at tinuro sa likot niya ang kawali.

Hindi naman siya nag salita at nakatingin lang sakin na parang may gustong sabihin at hindi masab- sabi. Rinig ko naman ang pag buntong hininga niya bago nag bigay daan sakin, kaya naman ay agad na akong lumapit sa kawali dahil naaamoy ko na ang sunog na itlog.

"Ahmm can I ask?" Napatingin naman ako kay señorito ng bigla na lang ito nag salita sa likot ko. Kahit na nag tataka ay tumango na lang ako sa kanya.

"Ano po iyun?" nahihiya at masinsinan kong pag tatanong sa kanya at pinatay na muna ang gasul.

"May gagawin kaba bukas?" Tanong niya sakin bago sumandal sa gilit ng lababo at uminom ng tubig sa hawak niyang mineral water.

"Ahmm bukas po?" Nag iisip ko pang isagod sa kanya dahil iniisip ko kung may gagawin ba ako.

"Wala naman po" napapailing kong sagod sa kanya ng maisip na wala naman at nandito lang ako sa mansiyon niya at mag lilinis buong araw.

Nakita ko naman ang pag kagad nito sa labi niya bago hinilot ang nuo na parang may gustong sabihin pero nahihiya siya. kahit nag tataka sa kilos niya ngayon ay hinintay ko na lang kung ano pang sasabihin niya.

"Puwede ba tayong lumabas bukas?" Seryoso nitong tanong sakin pero ramdam kong nahihiya siya sa sinabi niya na parang nag dalawang isip pa. Kahit na may gulat sa mukha ko dahil sa sinabi niya at nag tataka kung bakit niya ako inaaya lumabas?

"Po?.. Saan po señorito?" Gulat at nahihiya kong tanong sa kanya at sinalubong ang seryoso niyang tingin sakin na parang hindi niya inaasahan na mag tatanong ako sa kanya pabalik. Parang hindi iyun ang hinihintay niyang lumabas sa bibig ko.

"D*mn.. basta bukas sumama ka sakin" salubong ang kilay nitong saad sakin at agad akong iniwang tulalang nakatingin sa papalayo niyang bulto?

'Anong nangyari sa kanya? Moody nanaman siya? Ano bang gusto niyang isagod ko? Na sasama agad ako sa kanya? Ganun ba iyun?... Baka ganun nga, baka yun nga ang hinihintay niyang sagod at hindi ang pag tatanong sa kanya pabalik? baka gusto niya ang isagod ko agad sa kanya ay ' Oo'? nalilito kong tanong sa sarili.

NAPA BALIKWAS naman ako ng bangon ng may marinig akong ingay sa labas, Kaya naman ay dali-dali na akong lumabas sa kwarto na hindi nag suklay O nag ayos.

"Nanay sita ano pong nangyayar--" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil sa gulat nang makita ko ang kapatid ko na kalaro si spencer, at si ell na nakaupo katabi ni sethrix na naka simangod.

I'm The Maid Of Cassanova RuthlessWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu