CHAPTER 13

3.9K 115 5
                                    

Yennie: POV

PAGKA TAPOS kumakain ni señorito ay bigla naman kaming napatingin sa pinto ng bumukas ito.

"Hii cutie yen" nakangiting pag bati sakin ni spencer ng maka pasok at ang sunod ay si sethrix. ngumiti naman ako pabalik sa kanya at bigla na lang nawala ang ngiti ko nang maalala kong nandito pala si señorito.

Napatingin naman ako sa kanya na ngayon ay mariin na nakatingin samin ni spencer dahil sa lumapit ito sakin. hindi ko alam kung galit ba siya na ewan hindi ko alam.

"What are you doing here spencer?" Seryosong tanong ni señorito kay Spencer na ngayon ay natatawa. 'parang baliw lang'

"Bakit hindi rin ba puwedeng bisitahin ang kapatid ni yen?" Natatawang pag tatanong pabalik ni spencer kay señorito na kinasama ng mukha nito.

"Ahmm kumain naba kayo?" Pag tatanong ko para maiwasan ang mainit na bangayan nilang dalawa.

Napatingin naman ako kay sethrix na ngayon ay nakaupo sa bandang paanan ni ell na hangang ngayon ay mahimbing natutulog. nakita ko na nakatitig lang dito si sethrix na parang sinusuri ang mukha nito.

"Ako yen gutom na, ewan lang sa isa jan. mukhang busog naman na sa kakatitig sa pinupusuan niya" makahulugang saad ni spencer. pero pinag sawalang bahala ko na lang iyun dahil sa narinig ko na gutom na siya.

"Oh sige bibili lang ako sa labas" nakangiti kong saad. wala narin naman kasing natirang kamote dahil sa naubos ni señorito . 'Hindi naman halatang gutom siya'

"Kung gutom ka pala umuwi kana" may inis sa boses na saad ni señorito. napatingin naman ako sa kanya at nakita ko ang inis sa mukha niya.

"Ayiee may nag seselos" nakangising saad ni spencer at sumipol pa ito habang umiiwas sa masamang tingin ni señorito.

"Hayyyy sa wakas nakatulog din" napatingin naman kami kay ell ng nagising na ito habang humihikab pa at buhak- hak ang buhok niya. mukhang hindi niya napansin na nandito si señorito at ang mga kaibigan nito dahil nakapikit parin ito habang inuunat ang mga braso.

"Ang mga kalabaw!" Naisaad nito ng mapansin na nakatingin kami sa kanya lahat. Gusto ko sanang matawa dahil sa itsura niya at ang nang lalaki nitong mga mata dahil sa gulat at ang naisambit nito.

"An-o. Anong ginagawa nila dito" nahihiyang tanong sakin ni ell at napatingin kay sethrix na nakatingin din sa kanya na nag pipigil ng tawa na ganun din si spencer. si señorito naman ay seryoso lang ang mukha nito na parang may ibang mundo.

Hindi naman ako naka sagod sa kanya dahil sa hindi ko rin naman din alam.

"Ako para bisitahin ang kapatid ni yen, ewan ko sa dalawang to. baka kayo ang binibisita nila" nakangising sagod ni spencer sa tanong ni ell. pareho naman napakunot ang nuo namin ni ell dahil wala kaming naintindihan.

"Ahmm bibili na lang ako ng pagkain sa labas" pag iiba ko ng usapan dahil parang iba na ang nararamdaman ko ng medyo naintindihan ko na ang sinabi ni spencer. hindi naman sa pilingera ako pero yun ang pumapasok sa utak ko.

"Hindi. ako na lang ang bibili" nahihiyang saad ni ell at agad nang lumabas na hindi man lang hinintay ang pag sang-ayon ko.

"Wait!" sigaw ni sethrix at agad hinabol si ell na dali-daling lumabas ng marinig ang boses ni sethrix.

Pareho naman kaming napatingin sa isat-isa ng kami na lang ang naiwan sa loob ng kwartong to.

"Ahmm matutulog na muna ako" kamot ulong saad ni spencer at agad lumapit sa sofa at agad humiga dito. habang nakataas pa ang isang paa sa sandigan ng sofa. Parang bahay niya lang kung makahiga at para siyang teenager kung makaasta, sabagay hindi naman halata sa mga mukha nila na may edad na ang mga ito at asawa na lang ang kulang.

I'm The Maid Of Cassanova RuthlessWhere stories live. Discover now