CHAPTER 6

4K 104 3
                                    

Yennie: POV

ISANG lingo na ang nakaka lipas ng makaiwas ako panan dalian sa masamang kaisapan ni señorito maximo.

Sa isang lingo ay nakahinga ako nang maluwag dahil sa hindi ko siya nakita O nakausap, dahil nung araw na iyon ay may biglang tumawag sa kanya dahil sa may business meeting sa Europe.

At sa ngayon naman ay bumalik ang kaba ko at parang may bumara sa dibdib ko dahilan ng kahit pag hinga ay nahihirapan, dahil babalik na si señorito maximo.

"Ija ayos ka lang ba?" nabalik naman ako sa ulirat ng mag salita si nanay sita sa tabi ko. napatingin naman ako sa kanya na abalang hinihiwa ang sangkap para sa gagawing hapunan ni señorito.

"Opo nanay sita" sagod ko at bumalik na sa pag huhugas ng mga pingan.

"Sigurado kaba? parang hindi ka kasi mapakali e?" may pag aalalang tanong ni nanay sita. ngumiti naman akong tumingin sa kanya, na ngayon ay huminto na pala sa ginagawa niya.

"Ayos lang po talaga ako nanay" nakangiti kong sagod.

"Dahil ba to kay señorito?" biglang tanong nito sakin dahilan ng pag kaba ko at bumalik sa ginagawa at hindi tumingin kay nanay sita. para hindi niya mahalata na dahil nga dun.

"Hindi ho nanay. nag aalala lang po ako sa kapatid ko" pag sisinungaling kong sagod, kahit na ang totoo ay nag aalala rin ako para sa sarili ko na kung uuwi si señorito ay hindi ko alam ang gagawin ko.

"magpa katatag ka lang ija, sigurado naman akong nasa maayos ang kapatid mo ngayon at hindi yun papabayaan ng kaibigan mo. at kung sakali man na meron nangyari ay tatawagan ka naman agad ng kaibigan mo" mahabang lintaya ni nanay sita sakin at hinaplos ang buhok ko. kaya naman tumingin ako sa kanyang nakangiti at tumango.

"Opo nanay. Salamat po" nakangiti kong saad.

"Ohh siya tapusin mo nayan at maya-maya ay darating na si señorito" nakangiting saad sakin ni nanay sita at bumalik na ulit sa ginagawa niya.

Ginawa ko naman ang sinabi ni nanay sita at kinalimutan na muna ang pag iisip kung paano ako makakaiwas kay señorito pag dumating na siya.

*Beeeeppppp*

Napa hinto naman ako sa pag babanlaw ng pinggan ng makarinig ako ng busina ng sasakyan sa labas.

"Nako mukhang si señorito na iyun"

" ija puwede bang ikaw na lang ang mag bukas ng gate sa labas" pag saad ni nanay sita dahilan ng kabog ng dibdib ko.

"A,e si-ge po" may halong kabang sagod ko at hindi alam ang gagawin, kung tatapusin ko ba muna ang ginagawa O pupunta na sa labas? dahil sa hindi tumitigil sa pag busina ang sasakyan sa labas at halata mong mukhang naiinip na ang nag aantay dun.

Sa huli ay dali-dali akong pumunta sa labas at tama nga si nanay sita dahil si señorito na nga ang dumating.

Dahil nakakunot pa ang nuo nitong naka silip sa bintana ng kotse niya habang nakatingin sakin na binubuksan ang gate.

Nang nabuksan kona ang gate ay agad naman pinapasok ni señorito ang sasakyan niya kaya naman sinerado kona ito agad.

Agad naman akong lumapit kay señorito na nakayuko para tulungan siya sa pag kuha ng gamit sa likot ng sasakyan niya.

"Bakit ang tagal mong pag buksan kami ng gate?" Tanong nito sakin ng makalapit ako sa kanya, at halata sa boses nito ang pag kairita.

"Pasensiya na po señorito tinapos ko pa po ang pag huhugas ng mga pinggan" hindi makatingin pagpapa liwanag ko sa kanya.

"Tkss" yun na lang ang narinig ko sa kanya bago binigay sakin ang hindi kalakihang bag, na sa tingin ko ang laman ay ang mga damit niya.

"Babe ang laki pala ng mansiyon mo?" bigla naman akong napatingin sa nag salita sa likot ko at dun ko nakita ang babaeng ang iksi ng suot, pero hindi maitatangi na ang ganda niya.

I'm The Maid Of Cassanova RuthlessWhere stories live. Discover now