CHAPTER 30

2.7K 85 21
                                    

Yennie POV

HABANG nag huhugas ako ng pinggan may bigla naman yumakap mula sa likot ko at mabilisan akong hinalikan sa pisngi.

"Good morning" naka subsob ang mukha nitong pag bati sakin na kinangiti ko kahit na naiilang ako sa posisyon ngayon.

"Good morning din" nakangiti kong saad bago binanlaw ang baso at agad nilagay sa lagayan. Nakangiti naman akong humarap sa kanya nang bumitaw na ito sa pagkaka yakap sa likot ko.

"Ohh bakit naman hindi ka nag suklay?" natatawa kong tanong sa kanya habang inaayos ang kanyang buhok.

"Nag mamadali na kasi ako" nakangiti nitong saad sakin na kinakunot ng nuo ko.

"Bakit ka naman nag mamadali e maaga pa naman?" May pag tataka kong tanong sa kanya. Hinawakan niya naman ako sa bewang.

"Gusto na kasi kitang makita" nakangiti nitong saad sakin na kinangiti ko at napapailing na inaayos ang buhok niyang magulo.

"Can you help me to handle my necktie?" Malambing na pag tatanong nito sakin. Tumango naman akong nakangiti sa kanya bago simulan ayusin sa pagkaka suot niyang necktie.

"Ang ganda mo talaga" natigilan naman ako sa pag aayos bago tumingin sa kanya na seryosong nakatingin sa mga mata ko. Nakita ko naman ang pag baba ng tingin nito sa labi ko na kinakagad ko. dahil bigla akong nahiya at ramdam ko ang pag iinit nanaman ng pisngi at pag kabog ng puso ko.

"Tapos na" nakangiti kong saad sa kanya. Hindi naman ito nag salita, seryoso lang ang mukhang nakatingin sakin na kinailang ko.

"Bakit ganyan ka makatingin? May dumi ba ako sa mukha?" Nahihiya kong tanong sa kanya.

"Wala. gusto ko lang titigan ang mukha ng girlfriend ko" nakangiti nitong saad sakin sabay ayos niya sa buhok ko.

"Baka naman lumaki na tong tenga ko sa sinabi mo" pag bibiro ko sa kanya na kinatawa nito ng mahina.

"Ahemmm ang aga naman ng kiligan ngayon" napatingin naman kami sa likot niya ng may nag salita. Dun namin nakita si nanay sita nakangiting nakatingin samin habang may hawak na walis.

"Wrong tayming ka talaga po manang kahit kailan" napapailing na saad ni maximo bago humarap kay nanay sita.

"Aysus ijo ako pa ang sinisisi mo. Ang hina mo kasing kumilos kaya yan naabutan ko pa kayo" natatawang saad ni nanay sita na kinatawa ko kahit nahiya ako ako sa sinabi niya.

"Oh ikaw ba ay naka pag almusal na?" Pag tatanong ni nanay sita ng wala nang nag salita samin.

"Wala pa po" saad ni maximo bago yumakap sakin mula sa likot bago sandalin ang baba sa balikat ko. Nagulat pa ako sa ginawa niya, dahil nandito si nanay sita tapos kung maka yakap wagas.

"Huyy lumayo ka nga nandito si nanay sita, nakakahiya" mahina kong pag bulong sa kanya bago balingan ng tingin si nanay sita na nakangiti.

"Ayoko nga, gusto pa kitang yakapin" saad nito na kinairap ko na lang dahil sa kakulitan na lumalabas na ngayon.

"Wag kana mahiya yen, natural yan kasi mag kasintahan na kayo" nakangiti na saad ni nanay sita habang nag titimpla na ito ng kape.

"See wala yan kay manang, at isa pa yakap lang naman ang ginagawa ko ngayon" may pagka dismaya sa boses nitong saad sakin. Kahit na naguluhan ay hindi ko na lang ito binigyan pansin.

"Nakakatuwa naman ijo at nakikita ko na ang ganitong ugali mo" may sayang saad ni nanay sita nang maka harap samin bago inabot kay maximo ang baso na may kape. Kinuha niya naman ang bigay sa kanya ni nanay sita at ngumiti dito na may lungkot sa labi.

I'm The Maid Of Cassanova RuthlessWhere stories live. Discover now