CHAPTER 20

3.2K 103 30
                                    

Yennie POV

NAALIPUNGATAN naman ako ng maramdaman kong may huma haplos sa pisngi ko. minulat ko naman ang mga mata ko at dun tumambad sakin ang seryosong mukha ni señorito na nakatingin sakin, habang ang palad niya ay nasa pisngi ko parin.

Hindi naman ako agad naka galaw dahil sa mata niyang nakaka akit. Hindi maikakaila na ang ganda ng mata ni señorito dahil mahaba ang pilik mata na bagay sa hugis ng mata niya, kilay na nababagay din sa seryosong mukha niya, labi niyang mamula- mula at ilong niyang matangos. Kaya kahit seryoso man ang mukha nito hindi parin matatakpan na gwapo siya.

Nabalik naman ako sa reyalidad ng maramdam ko ang pag haplos nito sa pisngi ko at biglang pag kabog ng dibdib ko kaya naman ay dali-dali na akong umalis sa pag kakandong sa kanya.

"Pasensiya na po señorito" nahihiya kong saad sa kanya at umayos sa pag kakaupo.

"It's okey. Alam kong hindi ka maka tulog dahil meron ka ngayon" saad nito kaya naman napatingin ako sa kanya na ngayon ay seryoso din nakatingin sakin.

"Bakit mo po pala alam na yun ang dahilan?" Hindi ko mapigilan na pag tatanong sa kanya.

Hindi kasi ako mapakali kasi naman lalaki siya tapos alam niya ang mga ganito.

Narinig ko naman ang pag buntong hininga niya bago sinagod ang tanong ko sa kanya.

"Ganito kasi ginagawa ng dad ko kay mom nung nag kakaroon siya at hindi din maka tulog" seryoso nitong saad sakin. Bigla naman akong nagsisi dahil sa tanong ko sa kanya.

"Sorry po señorito kung naitanong ko pa" nahihiya kong saad sa kanya. Alam kong ayaw niyang pinag uusapan ang nanay niya. Pero hindi ko parin mapigilan hindi isipin kung nasaan na ang dad niya?

Hindi naman ito nag salita na kaya naman ay namayani ang katahimikan sa loob ng sasakyan. Napatingin naman ako sa labas na ngayon ay tumila na ang ulan.

"Señorito marami po bang sasakyan ang dumadaan dito?" Pag basak ko sa katahimikan sa pagitan naming dalawa. Naiilang kasi ako dahil sobrang tahimik.

Napatingin naman ako sa kanya na parang kababalik lang sa malalim na pag iisip niya. Seryoso naman itong napatingin sakin at narinig ko nanaman ang pag buntong hininga niya.

"Walang masyado" tipid niyang saad sakin. Bigla naman akong napaisip kung walang masiyadong dumadaan dito paano kami makakaalis? Hangang kailan kami mananatili dito? Baka nag aalala na sila samin?

"Don't worry maya-maya naman ay may dadaan na dito. Wag kang matakot walang mangyayari masama sayo dahil kasama mo ako" seryoso nitong dagdag na saad at pinaka titigan ang mata ko dahilan ng pag kabog nanaman ng malakas ng dibdib ko sa hindi malaman na kadahilanan. Hindi takot, kaba, O ilang pa man? Hindi ko lang maipaliwanag kung bakit ganito.

Tumango at ngumiti na lang ako sa kanya at agad nang umiwas ng tingin at napatingin na lang sa labas, ayoko ko nang salubungin ang mata niyang nakaka akit.

Nag hintay naman kami ng ilang oras pero hangang ngayon ay wala parin dumadaan? Kaya naman lumabas muna kami sa sasakyan. Napangiti naman agad ako ng makita ko ang malawak na kabundukan at hangin na masarap langhapin.

Ngayon ko lang napansin na malapit pala kami sa gilit ng bangin. Nakakalula man ay hindi parin matatakpan na may nakikita kang magandang tanawin.

Napatingin naman ako kay señorito na malayo ang tingin pero parang wala ang pag iisip sa tinitigan niya ngayon. Lumapit naman ako sa kanya ng konti ng hindi niya namamalayan dahil nandun parin ang tingin niya at mukhang may inaalala.

"Señorito may problema po ba?" Hindi ko mapigilan na maitanong sa kanya. Mukhang ang lalim ng iniisip niya at kahit na seryoso man ang mukha niya hindi parin matatakpan na may problema siya.

I'm The Maid Of Cassanova RuthlessWhere stories live. Discover now