05

16 13 0
                                    

Nang makarating sa room ay lahat sila sa akin nakatingin. Wala naman akong pinansin isa man sa kanila. Kahit si Sol na nagtanong sa akin ay hindi ko sinagot.

Lumipas pa ang ilang linggo at hindi ko talaga kinakausap si Sol. Inabala ko ang sarili ko para lang maiwasan siya.

"Ryo..." pagtawag niya sa akin.

Hindi ako lumingon. Pinilit kong huwag siyang lingunin kahit na hirap na hirap ang loob ko.

"Hmm?" tanging sabi ko lang.

"Bakit hindi mo na ako kinausap simula nung sumakit dibdib mo?" muling tanong niya.

"Kailangan ba?" masungit kong tanong sa kaniya.

Nanatili akong ganoʼn ang pakikitungo sa kaniya pero hindi ko rin talaga matiis. Ako rin ang sumuko at bumalik sa kaniya. Hindi ko kayang makita pa siyang nahihirapan dahil doble ang hirap na nararamdaman ko.

"Kung darating man ʼyung panahong mahulog ako sa ʼyo, Solemn... Please forgive me," mahinang sabi ko sa kaniya.

Nasasaktan ako at mas masasaktan ako sa oras na tuluyan na akong mahulog sa kaniya. Ayaw ko siyang iwan pero hindi ko na rin mapigilan ang sarili ko. Bawat araw na lumilipas na kasama ko siya at masaya kaming dalawa ay hindi ko na mapigilang manghina. Nararamdaman ko nang malapit na, konting-konti na lang at magpapaalam na ako sa kaniya.

Dumating na nga ang kinatatakot ko. Nakita kong magkausap si Sol at si Lola. Nakita ko rin ang hawak ni Sol at nasisiguro kong ang libro iyon.

"Mag-usap muna kayo," sabi ni Lola. "Baka pagsisihan mo kung hindi mo siya kakausapin," dagdag niya pa.

Apo niya ang nasa harapan niya ngayon pero parang wala lang sa kaniya. Hindi man lang yata siya nagpakilala bilang totoong Lola ni Sol.

"Lola!" malakas kong sabi sa kaniya. Tumingin siya sa akin gamit ang blanko niyang mga tingin.

"Panahon na, nakatakda na," sambit niya. Nakaramdam ako ng kaba.

"Lola, hindi ako nahulog," seryosong sabi ko sa kaniya. Hindi ako nahulog ulit dahil pinilit kong huwag matuluyan. Sinikap kong iwasan.

"Lola, ginawa ko ang lahat para lang manatili ako rito," matigas na sabi ko.

"Mag-usap na kayo, walang saysay ang mga ginawa mo kung hindi mo naman masasabi ang totoo," blanko pa ring sabi niya.

Matapos noʼn ay bigla na naman siyang naglaho. Walang tigil ang kaba ko habang nasa harapan ko ngayon si Solemn. Kailangan kong sabihin sa kaniya lahat bago ako tuluyang hatakin ng libro.

Sinabi ko kung gaano ko siya kamahal. Ayaw ko siyang pakawalan pero ayaw ko ring makita niya kung paano ko siya iiwanan. Hindi ko pagsisisihang minahal ko siya kahit na ang kapalit ay ilang taon kong pagkakalayo sa kaniya at sa pamilya ko.

Siya ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko at kahit anong mangyari siya lang ang mamahalin ko.

"Anong gusto mong mangyari?" tanong ni Lola.

Nakikita ko na ang sarili ko na unti-unting lumilinaw. Ito na ang hudyat na babalik na ako sa libro. Haharapin ko na kung anong parusa ang naghihintay sa akin. Kapayapaan lang naman ni Solemn ang gusto ko. Gusto kong mamuhay siya ng normal lang at walang iniisip na mambubully sa kaniya araw-araw.

Tumutulo ang luha ko habang nasa isip ko ang mga panahong magkasama kaming dalawa ni Solemn. Lahat ng iyon ay mananatili sa isip naming dalawa. Matagal muling maglalandas ang buhay namin at kapag nangyari ʼyon, ipapangako kong hindi ko na siya iiwan pa.

Hanggang sa muli, mahal ko. Hintayin nating muling maglaro ang tadhana at hayaan na tayong manalo. Ipapanalo na natin, ilalaban na natin kapag nabigyan pa ulit tayo ng pagkakataon.

"Hindi kayaga sa unang libro, sa librong ito ay hindi mo na siya muling makikita. Hihintayin mo ang nakatakdang panahon para muli kang lumabas dito," sabi ni Lola.

Panibagong lugar na naman. Mag-isa lang ako rito at wala akong magiging kasama sa oras na maglaho na naman si Lola. Lahat ng mga kailangan ko ay nandito. May mga tanim pa ng gulay at prutas para kung kailanganin ko. Masaya sana sa ganitong buhay kung kasama ko lang si Sol.

"Sa oras na makalabas ka sa librong ito ay hindi ka na muling makakabalik pa sa kahit anong libro. Mananatili ka na sa totoong mundo kasama siya dahil iyon naman ang pinili mo noong nahulog ka sa kaniya," muling sabi niya pa.

Hindi ako kumikibo at nakikinig lang ako sa mga sinasabi niya. Wala akong lakas para kumausap pa.

"Kapag nabanggit niya ang mga salitang dapat banggitin sa oras na inuulit ay saka ka pa lang magiging ganap na tao. Ngunit hindi lahat ay nagtatagal, lahat ay may hangganan."

Nagpakawala ako ng hangin mula sa bibig ko. Tumango ako kay Lola at pinakatitigan siya.

"Hanggang kailan ang mahika ng mga libro? Kailan matatapos ʼto?" tanong ko.

"Kapag muling nakagawa ng panibagong libro tungkol dito," sagot niya na ipinagtaka ko. "Hindi ako ang gagawa ng panibagong libro. Hindi sa akin nakasalalay ang pagkawala ng mahikang nakabalot sa mga ito," dagdag niya pa.

Pumasok sa isip ko si Solemn. Hindi ko alam kung kaya niya bang gumawa ng kwento. Wala siyang nabanggit sa akin. Pero sana... Sana ay maisipan niyang gumawa ng kwento tungkol sa aming dalawa nang sa ganoʼn ay matapos na ang lahat ng ito.

"Ilang taon akong maninirahan dito?" tanong ko ulit.

Maganda naman ang magiging buhay ko rito dahil kumpleto ang mga kailangan ko. Ang kalaban ko lang naman dito ay ang lungkot at pagiging mag-isa. Pero kagaya ng sabi ni Lola, pinili ko rin naman ito, parusa ko ito dahil sa pagsaway ko sa batas ng libro.

"Anim na taon," sagot niya.

Napahiga na lang ako sa kamang inuupuan ko ngayon. Bumigat ang pakiramdam ko at nag-init ang sulok ng mga mata ko. Ang tagal. Sobrang tagal kong hindi makikita si Solemn.

"Mananatili kang si Ryo Tuazon hanggang sa makalabas ka muli rito. At muling babalik sa mga alaala ng mga taong nakakilala sa ʼyo kung anong mga nangyari noon. Sa makatuwid, ang iisipin lamang nila ay matagal kang nawala at pumunta sa ibang lugar, mananatili sa isip nilang kasintahan ka ni Solemn sa oras na makabalik ka na," dagdag niya pa.

Tumango na lang ako. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Ang nasa isip ko lang ay si Solemn. Puro siya lang ang nasa isip ko ngayon.

To be continued. . .

MAHIKA (BOOK 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon