04

18 13 0
                                    

"Ayaw mo na may katabi?" muling tanong ko sa kaniya.

"Nagulat lang ako na rito ka naupo. Akala ko kasi talaga ay roon ka," sagot niya at tinuro pa ulit ang harapan.

Sheʼs so cute.

"Yeah, whatever. Makinig ka na," pagtatapos kong sabi.

Tahimik na kaming dalawa matapos noʼn. Palihim ko siyang sinusulyapan kapag nagkakaroon ako ng pagkakataon. Ang ganda niya talaga. Hindi siya nakakasawang tingnan o titigan.

"Hindi ka magbebreak?" tanong ko sa kaniya nang matapos ang klase.

Sinabi niya lang sa akin na wala siyang gana pero halata naman at alam ko rin kung bakit ayaw niya. Hindi ko naman siya hahayaang pagtripan na naman.

"Letʼs go." Hinawakan ko siya sa kamay at hinatak para sabay na kaming pumunta sa canteen.

Hindi ko rin hahayaang pabayaan niya ang sarili niya para lang makaiwas sa mga taong palaging nang-aasar sa kaniya. Nandito na ako sa tabi niya at hindi ko na hahayaang umiyak na naman siya dahil sa mga nararanasan niya.

Si Sol lang ang kinakausap ko at madalas kong kasama. Siya ang nagtour sa akin sa buong school at kami lang din talagang dalawa ang laging magkasama dahil wala naman daw siyang kaibigan. Pinanatili kong iba ang ugali ko ngayon kaysa sa ugaling mayroon ako sa libro. Pilit kong inaalis sa isip niya na hindi ako ang character na nabasa niya. Ako si Ryo Tuazon na totoo at nakakasama niya, hindi ang isang Josaiah na sa libro niya lang nakikita.

"We fall inlove with someone we canʼt have," sabi ko.

Muntik na siyang masagasaan kanina dahil sa pagiging lutang niya. Halatang wala siya sa sarili at nalaman ko naman ang dahilan dahil sinabi niya rin naman sa akin. Sinabi niyang inakala na ng magulang niya na nasisiraan na siya ng bait. Hindi ko naman gustong itago sa kaniya lahat ng ʼto pero kailangan. Gusto ko pang makabalik sa pamilya ko at gusto ko ring maging ligtas siya.

"You are inlove?" tanong niya.

Kumabog ang dibdib ko habang nakatitig sa kaniya. Gusto kong sabihin kung anong mga salita ang nasa isip ko pero natatakot din ako sa kahahantungan nito.

"I was," sagot ko sa kaniya.

Totoo namang minahal ko na siya noon pa lang na hindi kami nagkikita. Pero iba na ngayon. Kailangan ko nang pigilan lahat ng pakiramdam na iyon kung gusto ko pa siyang makasama ng matagal at makabalik sa pamilya ko.

"I love her since the first day I saw her," muling sabi ko. Gusto kong malaman niya na siya ang tinutukoy ko pero bawal.

"Bakit hindi pwede?" takang tanong niya.

"Hindi kami parehas ng mundong ginagalawan," sagot ko.

Ngayong parehas na kami, hindi pa rin naman pwede. Siguro ay makuntento na lang ako na nakakasama ko siya kahit papaano.

"Nasa libro din ba?" natutuwang tanong niya pa sa akin.

Nag-usap pa kami tungkol sa bagay na ʼyon. Pigil na pigil ako sa sarili kong banggitin lahat ng pwedeng makapagbigay sa kaniya ng idea na siya ang tinutukoy ko. Makakasama ko si Sol pero hindi na ako ulit pwedeng mahulog sa kaniya.

Dumating din sa puntong umilaw ang dibdib ko. Ito ang kinatatakot ko, nagsisimula na ang kinatatakot ko. Sa oras na buong katawan ko na naman ang umilaw ay mawawala na ako sa mundong ʼto. Pinipilit ko namang huwag ulit mahulog kay Sol. Sobrang pagtitiis ang ginagawa ko para lang manatili ako sa mundong ʼto.

"Binalaan kita ng ilang beses, Josaiah. Hindi ka maaaring mahulog sa kaniya," sabi ni Lola.

Nandito ako ngayon sa likod ng bakanteng room. Hindi ko alam kung paano nakarating dito si Lola. Siguro ay ginamitan niya na naman ng mahika.

Nararamdaman ko ang panghihina ng katawan ko. Ilang linggo pa lang kaming magkasama ni Sol. Hindi pwedeng mawala ako agad. Hindi pwedeng mahulog na naman ako.

"Hindi pa ako nahuhulog, Lola. Hindi pa. Pinipigilan ko ang sarili kong mahulog sa kaniya," nahihirapang sabi ko.

Lumapit siya sa akin at hinawakan ang dibdib kong umiilaw ngayon. Sobrang nakakapanghina ang bagay na ʼto. Nahihirapan akong huminga dahil dito.

"Nahuhulog ka na sa kaniya, Josaiah. Hindi iilaw ang parteng iyan ng katawan mo kung wala ka talagang nararamdaman para sa kaniya," sabi niya naman.

Nakakaramdam ako ng kaunting ginhawa dahil sa paghawak ni Lola. Pakiramdam ko ay may ginagawa siya para maalis ang sakit na nararamdaman ko ngayon.

"Sa oras na tinanggap mo na sa sarili mo kung ano talaga ang naramdaman mo para sa kaniya, alam mo na ang mangyayari," dagdag niya pa.

May naramdaman ako sa loob ng dibdib ko na parang isang pitik. Nawala ang sakit noʼn matapos kong maramdaman iyon. Wala na rin si Lola sa harapan ko at hindi na rin umiilaw ang dibdib ko.

"Paano kita mamahalin kung galing ako sa libro at anytime pwede akong mawala once na mapagtanto kong nahulog na nga ako sa ʼyo," naiusal ko na lang habang nasa isip ko si Sol.

Kapag talaga tadhana na ang naglaro, minsan patas pero madalas hindi. Pagtatagpuin ang dalawang tao pero hindi naman pala pwedeng tumagal at sa huli ay may isa pa ring mang-iiwan.

"So isang himala nga. Talaga ngang nag-exist ang kinahuhumalingan ni Solibro," sabi ni Joanne. Ang isa sa nambubully kay Sol.

Narinig niya ang sinabi ko. Nandito siya ngayon sa harapan ko. Hindi ko lang alam kung narinig niya rin ba ang usapan namin ni Lola.

"Huwag mong sasabihin kay Solemn ang mga narinig mo," blankong sabi ko sa kaniya.

Ngumisi lang siya sa akin. "Paano kung sabihin ko?" mapang-asar niyang tanong.

Walang emosyon lang akong nakatitig sa kaniya. Kayang-kaya kong alisin lahat ng mga narinig niya. Kaya kong burahin sa isip niya ang mga iyon.

"What do you want?" tanong ko sa kaniya.

Pero pinili kong hayaan siya sa gusto niya. Kung si Joanne ang magiging paraan para magtagal ako rito ay hahayaan ko siyang gawin ang gusto niya.

"Simple lang naman..." maarteng sabi niya pa. Lumapit pa siya lalo sa akin. "Be my boyfriend," usal niya habang hinahaplos ang pisngi ko gamit ang daliri niya.

"Sige. Pero huwag na huwag na ninyong gagambalain pa si Solemn. Tigilan na ninyo siya at gagawin ko lahat ng gusto mo," muling blankong sabi ko.

Tumango siya habang malawak ang ngiti sa akin. Ipinakita ko sa kaniya kung gaano ko kaayaw sa kaniya. Nilayasan ko siya roʼn at bumalik ako sa room.

To be continued. . .

MAHIKA (BOOK 3)Where stories live. Discover now