02

18 13 1
                                    

Nakita ko ang Papa ni Sol. Agad nangunot ang noo ko nang mamukhaan ko ito. Ibig sabihin pala ay---

"Anak ko ang ama ni Solemn. Apo ko si Solemn," sabi ni Lola.

Pasulpot sulpot siya. Naupo siya sa tabi ko at tumingin na rin sa itaas kung saan nakikita namin ang mag-ama na nag-uusap.

"Alam ng anak ninyo ang tungkol sa libro?" tanong ko kay Lola.

Tumango siya. "Oo. Sinabi ko sa kaniya iyon noon pang bata siya pero hindi naman niya binigyang pansin. Para din naman sa anak niya ang lahat ng ʼto," sagot ni Lola.

Muli kong tinitigan si Sol. Maamo talaga ang mukha niya. Bakit kaya siya nagiging tampulan ng tukso gayong wala namang mali sa kaniya?

"I love it when I saw you smiling," nai-usal ko na lang habang nakatitig sa kaniya. "I love how your eyes met mine," dagdag ko pa.

Narinig ko ang pag-ubo ni Lola pero hindi ko na lang pinansin iyon. Nanatili akong nakatingin kay Sol.

"I love everything about you," muling sabi ko.

At doon ko lang napagtanto na iba na nga ang nararamdaman ko para sa kaniya. Hindi ko inakalang sa rami ng mga babaeng dumaan sa buhay ko ay kay Sol lang ako nagkaganito. Kay Sol ko lang naramdaman ang mga hindi dapat.

"Ipapaalala ko lang na may batas kang sinusunod," sabi ni Lola sa tabi ko.

Napabuntong hininga na lang ako at tumango. Alam ko naman iyon. Alam kong hindi ko pwedeng mahalin si Sol.

Matapos kong kumain ay ako na rin ang nag-asikaso rito sa bahay. Abala ang mga kapatid ko sa paglalaro at hindi ko naman na sila inuutusan pa dahil kaya ko namang gawin ang mga gawain dito.

"Binubully ka na naman nila?" tanong ko habang nakatitig kay Sol.

Panibagong araw na naman at panibagong pambubully na naman ang nakikita ko ngayon sa mundo ni Sol. Gusto kong ipagtutulak ang mga taong nangbubully sa kaniya.

"Sa susunod matuto ka ring lumaban!" inis na sabi ko dahil hinahayaan niya lang ang mga kaklase niya.

Naiinis ako sa mga ginagawa sa kaniya at naiinis din ako sa sarili ko dahil wala akong magawa para tulungan siya.

"Mas lalo ka nilang ibubully kapag nakikita nilang mahina ka," muling sabi ko pa.

Gusto kong matuto siyang lumaban sa mga taong walang ibang alam kundi ang ibully siya. Gusto kong makita na nagagawa niyang ipagtanggol ang sarili niya.

Pero lumipas ang mga araw at natapos niya na ang pagbabasa. Wala na akong nakita sa kabilang mundo dahil tingin ko ay nasa taguan na naman ang librong Ochinaide.

"Ilang taon na ang lumipas, handa ka na ba?" tanong ni Lola sa akin.

Nagtaka ako sa sinabi niya. Oo, ilang taon na ang lumipas pero hindi pa rin ako nagsasawang tumingin sa itaas at nagbabakasakaling makita ko ulit ang mukha ni Sol pero wala talaga. Mukhang nakalimutan niya na ang libro.

"Handa saan?" tanong ko.

Ngumiti sa akin si Lola at tumingala. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ulit ang mukha ni Sol. Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag ang nararamdaman ko ngayon. Nag-iba ang itsura niya sa nakalipas na ilang taon. Ang ganda niya lalo.

"Babasahin niya ulit?" Hindi naitago ang excitement sa tono ko.

Hindi sumagot si Lola at nanatili lang nakatingin sa itaas. Tinuon ko na lang din ang tingin ko kay Sol. Ang tagal ko rin siyang hindi nakita.

"Ang ganda niya!" nasabi ko na lang. "Pero ganoʼn pa rin ba ang mababasa niya?" takang tanong ko at binalingan si Lola.

Umangat ang gilid ng labi niya sa naging tanong ko. "Hindi. Maiiba ang takbo ng story na nasa libro, sa ilang taon niyang hindi nabasa ang libro ay nakalimutan niya na ang mga nangyari doon," sagot ni Lola.

Umawang ang bibig ko. Kung ganoʼn ay iba na naman pala ang nasa librong Ochinaide. Ibang senaryo na naman ang nakasulat doon.

"Ayos ka lang ba?" tanong ko habang nakatitig kay Sol.

Nakahiga ako ngayon at nakatitig sa kaniya. Hindi nakakasawang titigan ang mukha niya. Ang tagal ko siyang hindi nakita tulad nito.

"Donʼt let them judge you," dagdag na sabi ko pa.

Hanggang ngayon pala ay hindi siya tinitigilan ng mga kaklase niya. High school na sila pero ganoʼn pa rin ang mga ugali ng mga ito. Walang pagbabago kahit ilang taon na ang lumipas.

"Kuya, tawag ka ni Tatay. Tulungan mo raw siyang magbuhat nung bagong aparador!" rinig kong tawag sa akin ng kapatid ko.

Mabilis naman akong tumayo at lumabas sa kwarto ko. Hindi nila alam na nabubuhay lang kami sa ibang mundo. Ang alam nila ay normal lang ang lahat. Hindi nila nakikita kung anong nakikita namin ni Lola.

"Sira na kasi ang aparador ng Nanay mo kaya binilhan ko siya ng bago," sabi ni Tatay.

Tinulungan ko na siyang magbuhat noʼn. Hindi naman sobrang laki ng bahay namin at hindi rin naman sobrang liit. Tama lang ito para sa amin at masasabi kong maganda naman ang buhay na meron kami.

Naging abala rin ako sa mga gawain dito dahil ako ang panganay. Tumutulong ako sa mga pwede kong gawin dito sa bahay kaya hindi ko na rin masyadong napapansin si Sol.

"Maging handa ka," sabi sa akin ni Lola.

Minsan ay nagugulat na lang ako at nasa tabi ko na siya. Sana man lang ay may warning siya para naman alam ko kung kailan siya darating. Kung may sakit ako sa puso ay baka inatake na ako dahil sa pagsulpot niya.

"Saan naman, Lola?" takang tanong ko.

Namamahinga ako ngayon dahil katatapos ko lang magsibak ng kahoy. Mas gusto nila Nanay na magluto sa de-kahoy kaysa sa kalan. Mas masarap daw ang luto ng sinaing kapag ganoʼn.

"Darating na ang hindi mo inaasahan. Maghanda ka at huwag mong kalilimutan ang patakaran," muling sabi pa ni Lola.

Wala akong maintindihan sa sinasabi niya. Wala namang masamang nangyayari sa totoong apo niya. Maayos naman ang buhay ni Sol kahit na may mga ilang tao na nambubully sa kaniya.

"Palapit na ang takdang oras," muling sabi pa ni Lola.

Nakaramdam ako ng kaba sa sinabi niya. Ngayon lang ako ulit nakaramdam ng ganitong klaseng kaba sa ilang taon na lumipas.

To be continued. . .

MAHIKA (BOOK 3)Where stories live. Discover now