urthalia🌷 is typing...
urthalia🌷: you don't wanna miss a buffet right?
Doon ay napatigil ako.
Free food...
Naman, oh!
Nagdalawang-isip pa ako kung ano ang isasagot, kahit gusto ko mang pumunta ay hindi ko maiwasang mag-alala na baka ma pano si Lola kapag iwan ko lang siyang mag-isa dito.
Napabuntong-hininga ako at tinignan uli ang mahimbing na pagtulog ni Lola.
Wala namang masama kung i-try ko lang, diba?
Hindi naman ako magtatagal. Magdadala nalang ako ng tupperware para pang BH ko tapos aalis na.
Ganyan talaga, dapat makapal ang mukha.
Binuksan ko uli ang cellphone ko at agad na ni-replyan si Thalia.
hope💙: ano dress code?
urthalia🌷: anything red
Doon ay hindi ko na napigilan ang excitement ko at dali-daling binuksan ang cabinet para makapili na rin sa kung ano ang isusuot. Sinigurado ko ring hindi ako gaanong nakakagawa ng ingay para hindi ko ma disturbo si Lola.
La? Babalik lang ako, ha?
Tapos uuwi ako ng may dalang cake, para naman makatikim ka rin.
Rinig ko ang kay raming messages ni Thalia galing sa cellphone ko ngunit hindi ko na muna iyon inabala at dali-daling nag prepare ng tupperware sa kusina.
"Haha! BH time!"
Ang pinili ko namang isuot ay isang pulang knee length puff sleeve dress. Gaya ng sinabi niya, dress code daw ay anything basta pula. Hindi na rin ako gaanong nakakasuot ng ganitong mga dress dahil hindi na ako masyadong lumalabas para gumala except lang kapag pumupuntang school.
Umupo ako sa sahig at tinignan ang phone ko.
urthalia🌷: so ur coming?
urthalia🌷: omg. are u coming?
urthalia🌷: omg pls answer
hope💙: san address
urthalia🌷: OMGGGG UR RLLY COMING
hope💙: isang ulit mo pa hindi na tlaga ako pupunta
urthalia🌷: Terry Hills, Blk. X, Lot X
hope💙: pwede ba ako mang imbita ng iba?
urthalia🌷: k, as long as kilala ko sila
hope💙: dw kilala mo sila
Baka gusto ring sumali nila Cinthia at Yanyan, pero pagkaisip ko pa lang kay Cinthia ay malabo nang makakasali ito. Sobrang strict ng parents nun, eh. Minsan ay napapaisip na lang ako na gusto ko na lang i-adopt o i-kidnap si Cinthia para mapalayo lang siya sa bahay nila.
Hindi ko naman mabe-blame yung parents ni Cinthia. Kasi one time nung nag PE class kami, bigla nalang siyang nahimatay. Dahil siguro ay nasobrahan siya sa kakatakbo at kakatalon, na-trigger yung asthma niya. Ngunit ngayon ay nagtataka pa rin ako, kasi yung nangyari, hindi na mukhang minor para sa akin.
Mas nagmumukha pa iyong heart stroke kaysa sa asthma attack.
Nakakatakot nga, eh. Kasi sa mga oras na iyon, konting galaw o konting kamalian ay maaaring may mangyaring masama sa kanya. Ngunit mabuti na lang at naka-recover na din siya agad. Nasa first year pa lang yata kami ng highschool noong nangyari 'yun.
Tres Amigas ✨💅
hope💙: HOYYY MGA TALANDI GISING KAYOOO
Seen by Yanyan💜.
YOU ARE READING
IF NOT US | ON-GOING
RomanceHow much risk would you take knowing that someone you love is someone you're not allowed to fall in love with? Cross meets Crescent. A Muslim and a Christian's Forbidden Love. --
Chapter 13: Missing
Start from the beginning
