"I see," ani Reon na tila nag-iisip. "Mga nasa magkano ang manukan at palayan nila?"

"Hindi ko natanong dahil hindi naman nila binebenta."

"Bilhin mo."

"Malabo yata sir dahil namana niya iyon sa mga magulang niya."

"Alamin mo ang supplier nila at kausapin mong huwag nang bumili sa kanila."

"Sir?" nagulat na tanong ni Mario. "Pero iyon lang ang kabuhayan ng mag-tita."

"Kaya nga!" ani Reon. "Gawin mo."

"Pero sir, kawawa naman ang mag-tita," ani Mario na naguguluhan sa ikinikilos ng boss. "Hindi ba't working student mo siya? Bakit natin gagawin iyon?"

Napatingin si Reon kay Mario at hindi niya nagustuhan ang tanong nito.

"Pasensya na pero maliit na negosyante lang sila, sir."

"Makakalabas ka na!"

"Pero—"

"I said get out!" utos niya na tumaas ang boses kaya tumayo si Mario at lumabas ng kanyang opisina.

Napahilamos siya ng mukha. Hindi siya makapag-isip nang matino kaya tumayo siya at kumuha ng malamig na tubig at muling pinagmasdan ang tanawing nasa harapan para kumalma ang isipan. Dito siya sa pinakatuktok nagpagawa ng opisina para makita niya ang matataas na gusali. It reminds him kung gaano katayog ang pangarap niya noon kahit na lumagapak siya. Lahat ng tauhan niya rito sa opisina ay mga pinagkatiwalaan niya dahil sila na lang ang naiwan at sumama sa kanya para muling bumangon. Sila ang mga taong hindi siya tinalikuran kahit na puro siya utang.

"Dammit!" pagmumura niya. Hindi siya ganoong klase ng tao. Never naman siya naging desperado para makuha ang isang babae dahil sila ang kusang lumalapit sa kanya. Isa pa, may point si Mario, maliit na negosyante lang sina Zia dahil kung malaki, hindi ito papasok bilang working student niya. Mali ang binabalak niyang gipitin ito para lumapit sa kanya.







-------------------








Palabas na siya ng gate nang makasalubong niya ang pamilyar na mukha.

"Hi," bati ni Mario.

"H—Hello," alanganing sagot niya.

"Sumama ka sa akin," ani Mario na sinabayan siya sa paglalakad.

"Ho?"

"Gusto kang makausap ni boss."

"K—Kasi . . . " aniya na biglang kinabahan. "May gagawin pa pala ako sa—"

"Maiksi ang pasensya niya kaya kung ayaw mo ng eskandalo, sumama ka sa akin nang tahimik, Ma'am," mahinang sabi ni Mario pero nasa boses ang pagbabanta. "Sumunod ka sa akin."

Kabadong sumunod siya rito palabas ng gate. Nauna ng ilang hakbang si Mario sa kanya.

"Pwede bang Zia na lang ho ang itawag mo sa akin at huwag nang Ma'am?"

"Ma'am o madam ang itatawag namin sa 'yo."

"Zia na lang."

Tumigil si Mario sa black BMW at binuksan ang pinto sa backseat.

"Sakay na, Ma'am," aniya kaya napabuntonghininga ang dalaga at pumasok. Muntik na siyang lumabas muli nang makatabi niya si Reon pero isinara na ni Mario ang pinto at tumabi kay Marvin na magmamaneho.

"Tinatawagan kita pero out of coverage ang cellphone mo," ani Reon na nakatingin sa labas ng sasakyan.

"P—Pasensya na, ang bilis kasi ma-lowbat ng cellphone ko," hinging paumanhin niya. "Sira na yata ang battery." Magdamag naman niyang chinarge pero kalahating araw lang, lowbat na. Palibhasa matagal na ito sa kanya at wala naman siyang ibang kausap kundi tita lang niya kaya pinagtiyagaan na niya.

Un-tie (R-18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon