"Salamat, ami. Kailangan ko talaga ng mga magic words mo ngayon." may malawak na ngiting sambit nito na ikinatawa ko.

Magic words kasi ang tawag niya sa mga salitang sinasabi ko para pagaanin lagi ang loob niya.

"Anytime, sev. Bestfriend tayo 'di ba? Kahit anong oras mo kailangan ng magic words ko tawag ka lang o puntahan mo 'ko. I'll always have your back." nakangiting saad ko sabay kindat sa kaniya na ikinalawak naman ng ngiti nito sa labi bago niya tapikin ang itaas ng ulo niya na ikinangiti ko.

Head pats. He always love those kaya naman masaya kong ibinibigay 'yon sa kaniya.

Itinaas ko ang kamay ko na nasa lamesa papalapit sa ulo niya at saka marahang tinapik iyon ng tatlong beses habang nakangiti sa kaniya.

He has this innocent expression that never failed to mesmerized me. Innocent doe eyes with those slightly pouting lips and puffed cheeks. Para talaga siyang baby kung minsan at gusto ko na lang hilahin at kurutin ang pisnge niya dahil sa ka-cute-tan niya.

"Are you ready to order now, ma'am and sir?"

Parehas kaming napalingon ni Seven sa boses na 'yon at naabutan ang isang waiter ng Caffè na nakatingin sa amin ng puno ng admirasiyon ang mga mata. Eh?

"One caramel macchiato for me and one iced americano for him, please. And, oh! Dalawang sliced ng strawberry cake na rin." nakangiting sagot ko na ikinatango naman nito.

"One caramel macchiato, one iced americano and two sliced of strawberry cake, noted. Kindly wait a few more minutes while we're preparing for your order ma'am and sir." magalang na sambit nito at bahagyang yumuko pa matapos maisulat ang order namin.

"Thank you." nakangiting sagot naman ni seven sa waiter bago ito umalis para ihanda na ang orders namin.

"Anong genre ng story ang babasahin mo ngayon?" kunot noong tanong nito habang pinaglalaruan ang isang table cloth na ngayon ay muka ng isang bunny.

Ginawa niya siguro iyon nung nag-uusap kami nung waiter para sa order namin kanina.

"I don't know. Pero parang gusto kong magbasa ng fantasy books ngayon tungkol sa mga prinsesa at prinsipe." kibit balikat na sagot ko na ikinatango naman nito.

"Ikaw ba? Anong genre ang gusto mong basahin ngyon?" pagbabalik ko sa tanong niya na bahagya nitong ikinangiti.

"Akala ko ay hindi mo na tatanungin." natatawang sambit nito at huminto saglit bago siya nagsalita ulit. " Parang gusto ko ng romance genre ngayon." may maliit na ngiti sa labing sambit nito na bahagyang ikinalaki ng mata ko sa gulat.

Is he referring to what I'm thinking right now?

"R-romance? I never thought that you're that type of bo— aw!”

Daing ko matapos niyang pitikin ang noo ko bigla. Nginusuan ko siya pero inungusan niya kang ako at sinamaan ng tingin.

"Hindi SPG books ang tinutukoy ko no'ng binanggit ko ang salitang romance, Ami. Iba ang iniisip mo." panenermon nito sa 'kin habang ipinapaliwanag ang sarili na bahagya ko ng ikinatawa.

"Nag-bibiro lang naman ako, eh. Pero bakit ba kase romance?" natatawang tanong ko sa kaniya. "I mean, don't get me wrong, ha? Curious lang kasi ako dahil hindi naman ikaw yung tipo ng lalaki na mahilig sa romantikong libro at hindi ka rin naman romantic na tao kasi wala ka namang girlfriend so, anong naisipan mo ngayon?" kunot ang noong tanong ko at hindi nalang pinansin ang masamang tingin niya nung sabihin kong hindi siya romantiko na lalaki.

"First of all, romantiko akong tao hindi lang halata and wala akong girlfriend kasi...” pabiting ani nito na ikinataas ng isang kikay ko habang naghihintay sa susunod niyang sasabihin.

Nakatitig lang siya sa akin na animoy inoobserbahan ako, and me being me, ayoko ng pinaghihintay ako, e.

“Kasi?” hakata ang oagkainip sa boses na tanong ko na ikinakurap niya saglit bago mapatikhim.

" Kasi hindi pa ito ang tamang oras para doon. Ikaw rdin naman walang boyfriend, ah? Judgemental nito," naka-ismid na sabi nito at sinamaan ako ng tingin na ikinakamot ko naman sa batok ko bago mag-peace sign sa kaniya. "And secondly, tama ka, hindi ako yung tipo ng lalaki na magbabasa ng romantikong libro pero mag-iiba na 'yon ngayon." may kakaibang ngisi sa mga labing sambit nito na ikina-kunot ng noo ko dahil sa pagka-curious.

"At bakit naman?" kunot ang noong tanong ko na ikinalawak lalo ng ngisi niya at nadagdagan pa iyon ng kakaibang ningning sa mga mata niya.

"Kase sa pagbabas ang romance book pwede akong matutong manligaw. Pwede akong turuan ng romance book kung paano manuyo ng babae o kung paano sila tamang itrato nit that I don't know how. Magagamit ko din 'yon on future purposes." taas noong sagot nito na ikinasikip ng puso ko.

I feel my heart drop dahil sa sinabi niya. May kakaibang kirot sa puso ko nung sinabi niya iyon. Sa isipin palang na manliligaw siya ng ibang babae ay nasasaktan na ako paano pa kaya kapag dumating na doon sa point na magkatotoo 'yun?

' Stop it, Amethyst! Bestfriend ka lang at nangako ka na susuportahan mo siya. Wala kang karapatan na pigilan siyang gawin kung anong gusto niya. Hindi mo siya pagmamay-ari at kahit kailan hinding-hindi mo siya magiging pagmamay-ari ' sermon ko sa sarili ko at bahagyang napakagat sa ibabang labi.

"Hello? Amethyst! Nandito ka pa ba?"

Napabalik ako sa ulirat dahil sa bagay na humaharapng sa paningin ko.

"H-huh?" gulong sambit ko at napunta kay Seven nag tingin na ngayon ay nakakunot na ang noo bago ibaba ang kamay na kumakaway sa muka ko kanina.

"A-ano nga ulit 'yon Seven?" medyo nauutal na tanong ko na ikinabuntong hininga nito.

"Ang sabi ko nandito na ang order na 'tin 'yung libro na lang na babasahin ang kulang. Kukuha ba tayo ng librong babasahin o hindi? Ayos ka lang ba?" kunot noong tanong nito at halata sa muka niya ang pag-aalala kaya naman kaagad na akong tumango sa kaniya bago ako tumayo sa upuan.

Ganun ba ako katagal nawala sa reyalidad kaya hindi ko man lang napansin na dumating na pala ang order namin? Hysst! Amethyst naman. Nakakahiya ka, grabe!

"Huwag kang mag-alala, ayos lang ako. May naalala lang. Kumuha na tayo ng libro, gusto ko na magbasa." aya ko sa kaniya matapos ko siyang lingunin at ngitian na ikinatango naman nito bago kami maglakad sa section ng genre ng librong babasahin namin.


Moonillegirl🌷

Secretly In Love With My Bestfriend | ✓ [COMPLETED]Where stories live. Discover now