Chapter 19: Jealous Autumn

23.4K 1K 502
                                    

Paris' PoV:

"Miss President, here's the narrative report na kailangan mo. Kumpleto na 'yan."

Napatango-tango ako. "Thank you for this, Sasha. Pasensya na sa abala."

"It's fine, Miss President. Pwedeng-pwede mo akong utusan anytime. Free naman ako palagi." She tucked a strand of her hair behind her ear. She also let out a wide smile.

Isang alanganing ngiti ang ibinigay ko sa kanya. Ayokong bigyan ng malisya but the way she said those... Parang may something na kakaiba.

I heaved a deep sigh. I guess, namimisunderstood ko lang 'yun. I should stop thinking about it.

Nagsimula syang maglakad papunta sa akin. While me, itinuon kong muli ang tingin ko sa aking laptop.

"Pakilapag na lang dyan sa tabi. Thanks." Pormal kong turan. I'm referring to the hard copy of the narrative report of last School Year's Activities na syang pinapakuha ng Dean. Sya kasi ang humahawak non.

Using my peripheral vision, nakita ko kung paano natapilok si Sasha. Paharap syang napaupo sa akin.

Hindi ko maiwasang magitla. Damn. Nahigit ko bigla ang aking paghinga. Parang naiinis ako kahit na alam kong hindi nya sinasadya ang nangyari. She's being close to me. I hate this.

"Get off now, Sasha." Baka mamaya ay may biglang pumasok dito sa loob at kung ano pang maisip sa posisyon naming dalawa. Mahirap na. May pakpak pa naman ang balita.

"I'm really sorry, Miss President. Hindi ko sinasadya ang nangyari." She plastered an apologetic smile. Still, nakaupo pa rin sya sa aking kandungan. Wala syang ginagawa para makaalis.

I'm literally panicking right now pero pinanatili ko lang ang pagiging kalmado ko sa labas.

"Sasha, alis na. May gagawin pa ako." I'm trying my best not to offend her.

"Try to loosen up a bit, Miss President. Paminsan-minsan ay kailangan mo ring magrelax." The tone of her voice is kind of flirty? Sasha's also winking at me.

Akmang hahawakan nya na sana ang balikat ko nang mabilis kong tinabig ang kanyang kamay papalayo.

"You're making me uncomfortable." Diretsahan kong turan. Napuno na ako. Mas mabuti na rin 'yun lalo na't aware si Sasha sa nararamdaman ko.

Isa na lang talaga. Kapag hindi pa sya umalis, itutulak ko na sya.

I hate having close contact with people. I hate it. Naalibadbaran ako. Naiinis ako.

Sasha seems surprised with what I've said. She's taken aback. Akmang magsasalita pa sana sya nang may marahas na nagbukas ng pinto. Padabog at malakas kung kaya't sabay na napatingin kami sa direksyon non.

Parang tinakasan ako ng lakas nang makita ang hindi maipintang mukha ni Autumn. Galit na galit sya. She's gritting her teeth in so much anger. Nakakuyom din ang kanyang kamao. Parang nandidilim ang kanyang mata sa talim ng mga tinging ipinupukol nya sa amin.

Hindi ko maiwasang mapalunok. It's like my world stopped spinning. Ramdam na ramdam ko ang panlalamig ng buong katawan ko. Kakaibang kaba ang umuusbong sa aking dibdib.

"Shit." I cursed under my breath. Ito na nga ba ang sinasabi ko.

"What are you——" Autumn didn't let Sasha to finish what she's about to say. In just a blink of eye, nakita ko na lang na wala na si Sasha sa kandungan ko. Kinakaladkad na sya ni Autumn papalayo.

"Fuck you, bitch. Napakalandi mo!" She exclaimed at mas hinigpitan pa ang pagkakahawak sa buhok ni Sasha.

Napangiwi ako. Paniguradong masakit 'yun. Parang matatanggal na kasi agad buhok ni Sasha. She tried to get away from Autumn's grip but the latter didn't let her.

Love-struckTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon