Chapter 17: Future Talks

24.4K 1.1K 654
                                    

Paris' PoV:

"And for the countless time around, Miss Leviere got the highest score on our last week's exam. Let's give her a round of applause."

Agad na nagpalakpakan ang mga kaklase ko. I can hear that they're congratulating me. Some of them were amazed at parang nainspire sa akin.

"Thank you, Ma'am." Pormal kong turan at tumango.

"Wow, ang galing talaga ni Miss President."

"Correct ka riyan, girl. Kaya nyang pagsabayin ang responsibilities pati na rin ang studies nya."

"Kaso, sobrang lamig nya pa sa yelo! Napakasnob!"

Gustong-gusto ko ng sumimangot pero pinanatili ko lang ang seryoso kong expression. Damn. Why are they talking na parang hindi ako nag-eexist sa harapan nila?

Aish. Hindi siguro sila aware na naririnig ko ang kanilang usapan.

"Because of that, bibigyan ko sya ng credits. Miss Leviere will be exempted sa susunod na exam na ibibigay ko." I plastered a small smile as a sign of acknowledgement on what my professor said.

Rinig kong nagsimulang magdaingan ang mga kaklase ko. Well, kilalang strikto at terror ang teacher na ito. Plus, mahirap pa syang magpa-exam.

Kung tutuusin, may itsura si Professor Venice. Maraming students ang nagkakagusto sa kanya. Maganda rin ang hubog ng kanyang katawan at talagang may maipagmamalaki rin.

Kaso kahit ako, never ko pa syang nakitang ngumiti. Palaging seryoso ang kanyang mukha. Taimtim syang nakatingin sa tao to the point na ikaw na mismo ang mapapaiwas ng tingin.

She's giving me a dangerous vibes. A seductress like Autumn. But she's on another level. I guess, Miss Venice mastered the Art of Seduction.

"I'll dismiss you now since wala na rin naman tayong gagawin. You may now leave this room." Pagkatapos noon ay dumiretso na rin syang lumabas ng classroom.

I quickly fixed my things and stood up. Wala na akong time para i-entertain ang mga kaklase kong gusto akong kausapin.

I want a civil relationship with them. Hindi ko sila masyadong kilala. Baka mamaya ay may hidden agenda ang ilan sa kanila.

I'm planning na dumaan sa SC Room dahil magdidismissal time na rin naman. Unti-unti na ring dumadami ang mga nakakasalubong kong students.

Nasa kalagitnaan ako ng paglalakad ko sa hallway nang isang babae ang biglang lumitaw sa kung saan at tumigil sa aking harapan.

Pasimpleng pinasadahan ko sya ng tingin. I guess, she's a sophomore student. Maitsura sya. Makinis ang kanyang balat at maganda rin ang kanyang mata. May pagkawavy ang kanyang buhok.

Pero hindi nya nakuha ang atensyon ko.

"M-Miss Paris, cake po para sa inyo. I baked this during our cookery class." Nauutal nitong turan. Kitang-kita ko ang pamumula ng kanyang mukha.

"Thank you." Nakita ko kung paano nagliwanag ang kanyang mukha nang sabihin ko yon. "Pero hindi ako kumakain ng chocolates."

Mabilis na nawala ang ngiti sa kanyang labi. Bumagsak ang kanyang balikat. She seems disappointed. It was written on her face.

Isang palusot lang ang sinabi kong rason. Ayoko talagang tanggapin ang ibinibigay nya sa akin. Who knows at baka mamaya ay may inilagay syang kung ano roon katulad ng isang gayuma. Mahirap na.

Since ilang sandali na rin ang nakalipas at hindi pa rin sya nagsasalita, sa tingin ko ay tapos na ang pag-uusap naming dalawa.

Ipinagpatuloy ko ang naudlot kong paglalakad.

Love-struckWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu