Chapter 13: Autumn, The Pervert

25.8K 1.1K 518
                                    

Paris' PoV:

"Class dismissed. You may now go to your home." Matapos sabihin 'yon ng Prof namin ay dumiretso na sya papalabas ng aming classroom. He's our Prof in Income Taxation.

Mabilis na inayos ko ang aking gamit atsaka tumayo. Gusto ko na ring umalis. Knowing my classmates, alam kong gusto nila akong makausap. Hindi nga ako nagkamali dahil nakita ko na sila na papunta sa direksyon ko.

"Hi, Miss President!" Bati nila. Isang tipid na ngiti lang ang sinagot ko sa kanila.

"Ahm... Are you busy right now? Balak sana namin kang iinvite sa house ko." Agad na lumayo ako nang mapansin kong dumukwang ang isa sa kanila papalapit sa akin.

They're invading my private space. Too close. Ayoko ng sobrang lapit lalo na sa mga taong hindi ko naman masyadong kakilala.

What about Autumn? Lagi syang lumalapit sayo ah.

Aish. That woman... Iba sya. I already said that there's something urging me na wag syang palayuin sa akin. Hindi ko na talaga alam ang nangyayari sa akin.

"I'm quite busy right now. Hindi ako pwedeng makapunta." Pormal kong turan. I nodded my head bago ko sila tuluyang lagpasan. I don't owe them an apology. I have the rights to refuse.

Nagsimula akong maglakad papunta sa parking lot. Binabati ako ng mga estudyanteng nakakasalubong ko. Naririnig ko rin ang bulung-bulungan nila tungkol sa akin.

Katulad ng dati, diretso lang akong nakatingin sa kawalan at unaaktong hindi sila nag-eexist.

Kailangan ko nang makauwi lalo na't pag-aaralan ko pa ang mga business proposal na pinapasa sa akin ni Dad. Up until now, I can feel that he's mad at me. Hindi ko pa sya uli nakikita kahit na lagi akong pumupunta ng company.

Sooner or later, alam kong iimbitahin nya ako para mameet at makilala pa lalo si Autumn. I know him. May pagkatuso sya lalo na pagdating sa business.

Keep your friends close and enemies closer.

Hindi ko hahayaan na may mangyaring masama kay Taglagas. I'll protect her no matter what.

Once na makarating ako ng aking condo unit, mabilis na nagpalit ako ng damit. I'm wearing a comfortable one.

I decided to cook something bago ako tuluyang trabahuhin ang mga kailangan ko. It sucks being a COO of a company while you're studying. Minsan ay nahihirapan akong balansehin ang oras ko lalo na kapag nakikisabay ang duties ko bilang SC President.

Lovelife? Nah. I don't have time with that. Sagabal lang 'yan sa akin.

Busy ako sa pagluluto nang marinig kong may nagdoorbell. Hindi na ako nag-abala pang sumilip para tignan kung sino man ang taong kumakatok. Mabilis na binuksan ko ang pintuan.

Pagkabukas na pagkabukas ko ng pintuan ay isang mahigpit na yakap agad ang sumalubong sa akin.

"What the hell are you doing here, woman?" Hindi makapaniwalang tanong ko sa babaeng parang koalang nakayakap sa akin. Nakalingkis ang dalawa nyang kamay sa aking batok. Her weight is on me. Dikit na dikit ang katawan naming dalawa.

SInubukan kong alisin ang pagkakalingkis nya sa akin pero mas lalo lang humihigpit ang pagkakakapit nya sa akin. Aish. Ganto ba talaga ang isang 'to?

Gustong-gusto nyang niyayakap ako. She always wanted to be close to me. She's a clingy person. And I'm not even complaining about it.

My heart wants Autumn. Parang nagkakaroon ng kasiyahan sa loob-looban ko. Parang may mga fireworks na bigla na lang sumasabog sa harapan ko. The feeling is unexplainable but so magical.

Love-struckTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon