Ngumiti ako. "Stag party?"

He chuckled. "No. Just some drinking session."

Tumango ako at hindi sumagot pa. Sa ilang segundo na pagtitig namin sa isa't isa, naramdaman ko ang pag-iinit ng sulok ng mga mata ko bago ipinulupot ang mga kamay sa leeg niya at isinubsob ang mukha sa gilid nito.

"Maraming salamat sa lahat. I know this will never be enough for everything you have done for my mother. If there is anything I can do to repay you, gagawin ko. Sabihin mo lang." basag ang boses ko nang sabihin 'yon.

"Sapat nang kabayaran na binalikan mo ako. Once you decided to leave me again, siguradong hahanapin kita at sisingilin."

Natawa ako at bahagyang lumayo sa kaniya. I stared into his eyes. There's a playful smirk playing across his lips.

"Mahal ka pa naman maningil."

He chuckled and gently pulled me closer to him. Pinatakan niya ako nang halik sa noo bago muling niyakap.

"Kaya hindi mo ako iiwan ulit, Isha. Hindi na puwede."

I wrapped my arms around his body and feel his warm hug — grateful that after of everything we've been through, there's still us.

"Wala rin akong balak na iwan ka, Nero. Pang habangbuhay na tayo."

Nang sandali din 'yon ay umalis na si Nero. We promised each other to do video call before I sleep. Sinabi niyang hindi siya iinom masiyado. Ayos lang naman kung sakali. Naroon naman ang kapatid niya kung sakaling malasing siya. Pero bilang kilala ko siya, alam kong hindi siya mahilig uminom.

"What happened to our businesses, Mommy? Bumagsak na po ba lahat?" tanong ko habang minamasahe ang kamay niya.

She was already lying on the bed and preparing for sleep. Nakaupo naman ako sa gilid ng kama at abala sa ginagawa.

"Our businesses experienced bankruptcy. Nagsunod sunod ang mga gastusin sa hospital at ang ama mo ay nawala na rin sa konsentrasyon. He keeps on blaming me why all of that happened. Tama naman siya. Kasalanan ko talaga lahat."

I raised my gaze on her. Sadness was creeping on her wrinkled eyes while looking into somewhere else.

Wala ba talagang naramdaman si Daddy sa kaniya kahit na kaunti? Bakit kailangan sisihin? Kaya naman kitain ang pera. Pero ang buhay ay hindi na.

"Minahal mo po ba si Daddy, Mommy?" wala sa sariling tanong ko.

Ayaw ko sanang magtanong sa kaniya tungkol sa bagay na 'yon dahil alam kong personal. Pero wala naman sigurong masama kung susubukan ko.

She sighed and finally anchored her eyes on mine.

"I do. I have learned to love him even though what happened to us was unplanned. You see, what we had before was just a one night stand. Your Dad was under the influence of alcohol and he tried to harass me. Wala akong naging laban sa kaniya. Hindi ko rin siya ginusto noon kaya laking galit ko nang magbunga ang nangyari sa amin. I hated you for I wasn't even ready to be a mother that time. Pero nang tuluyan mo na akong iwan dahil na rin sa pagtatakwil ko sa'yo, saka ko nalaman ang halaga mo bilang anak ko."

Hindi ko nagawa ang magsalita. Tears are starting to form at the corners of my eyes as I stare at her.

Pangalawang beses ko nang narinig mula sa kaniya ang tungkol sa pananamantala sa kaniya ni Daddy. Magulo pa sa akin noong unang malaman 'yon. Now that she talked about it again, medyo maliwanag na sa akin. Nga lang, ayaw ko nang pag-usapan p namin dahil mauungkat lang no'n ang sakit ng nakaraan para sa kaniya.

"M-Minahal po ba ako ni Daddy... kahit na hindi n'yo ako inaasahan?"

Kung aalalahanin kasi simula pagkabata, mabait naman siya sa akin at malambing. Ibinibigay niya rin lahat ng pangangailangan ko at hindi ko siya nabakasan ng kahit anong galit.

Matagal bago nakasagot si Mommy, tila ba hindi alam ang isasagot. Sa huli, ngumiti siya at tumango.

"Y-Yes, of course."

Nang sandali din na 'yon ay nagsabi siyang matutulog na dahil na rin sa epekto ng gamot. Humalik ako sa pisngi niya at sandali siyang niyakap bago nagpaalam sa nurse na nakabantay sa kaniya. Dalawa ang kama ni Mommy sa kwarto at para sa kaniya ang isa. May mga gamot daw kasi si Mommy na alanganin ang oras ng inom.

Pagkarating sa kwarto ay nahiga na ako. I checked my phone and it's past ten already. May mga text mula kay Nero at tinatanong kung kumusta ako dito. Hindi ko nagawang sagutin dahil abala ako kay Mommy.

Nagtipa ako ng message para sa kaniya.

Ako:

Hi! Sorry kakapasok ko lang sa kwarto dahil ngayon pa lang nakatulog si Mommy. Kumusta ang night out?

Inaasahan ko nang busy siya at hindi makakasagot kaagad. Kaya naman ipinatong ko na ang cell phone sa bed side table. Pero ilang segundo pa lang at tumunog na ito. Nang tingnan ay nakita ko ang video call mula kay Nero. Napangiti ako at sinagot kaagad ito.

I placed my phone across me. Nakita ko siya sa loob ng kotse niya, bukas ang ilaw at ang pintuan sa kaniyang gilid. The back of his head was leaning against his chair while eyeing me intently.

"Kumusta? Lasing na?"

Umangat ang gilid ng labi niya. "Hindi ako madaling malasing."

Natawa ako. "Bakit nariyan ka sa labas? Nasaan ang mga kasama mo?"

Bigla nag-iba ang direksyon ng camera. Nakita ko sina Zadriel, Dashiel at Alas na nakayo sa harapan ng isa't isa at may mga hawak na bote ng beer at tila mga nag-uusap. Zadriel and Alas are both wearing casual clothes. Si Dashiel lang ang pormal. Nakaputing long sleeve na nakarolyo pa hanggang siko at itim na slacks. Mukhang kagagaling lang ng trabaho.

Bumalik na ang direksyon ng camera kay Nero. Siya pa rin talaga ang pinakagwapo para sa akin. Sa dilim at pungay pa lang ng mga mata niya, lunod na lunod na ako.

"You are not drinking heavy." sabi ko dahil napansin ang mga hawak ng mga kasama niya kanina.

Umiling siya. "We're not here to booze and party. Just want to have some quality time with each other."

"I see. Pauwi na rin ba kayo?"

"Depende sa kanila. How are you doing there? Si Tita Sierra, kumusta?"

Napangiti ako sa pag-aalalang ipinapakita niya kay Mommy.

"She's good. Maghapon kaming nagkuwentuhan."

Humikab ako. Titig na titig si Nero sa akin.

"Inaantok ka na?" tanong niya.

"Medyo."

"I'll hang this up so you can rest. Maaga kaming darating ng pamilya ko bukas."

"Nasabi mo na?"

Tumango siya. "They are already preparing. Skyler was looking for you."

"Hmm. Nakausap ko na siya kanina nung tawagan ko si Nay Shirley. Sinabi kong magkikita ulit kami bukas."

Kanina ay sinabi kong makikita niya ang isa niya pang lola bukas. Kahit naman noong hindi pa kami ayos ni Mommy, naikukwento ko na siya sa bata. Gusto's kong kahit papaano ay magkaroon siya ng pagkakakilanlan kay Mommy.

Sandali pa kaming nag usap ni Nero bago ako tuluyang nagpaalam sa kaniya para matulog na. I had no idea how long I have been sleeping already when I felt someone placing gentle kisses on my neck while caressing my legs.

I slowly opened my heavy eyes. The kissing continues. Horror immediately filled my heart my when I clearly saw who it was.

"Daddy!"

Monasterio Series #6: Trapped in Her Arms Where stories live. Discover now