Kabanata 56

26.5K 1K 112
                                    

Kabanata 56

Nagising ang diwa ko sa magkakasunod na hagikhik mula sa kung saan. Nakatulog naman ako nang maayos sa kabila ng pagising gising ako sa bawat oras. Sa sobrang saya na nararamdaman, kahit ata tulog ang diwa ko ay nagagawa ko pa rin isipin ang pagbabalikan namin ni Nero.

I couldn't contain my happiness knowing that we're finally back to each other after of so many uncertainties we had. Masarap pa lang pagbigyan ang sarili sa kabila ng katotohanang alam mong hindi pa rin puwede. Para bang gumawa kami ng isang bagay na alam naming mali pero itinuloy pa rin namin kasi doon kami sasaya.

Tama si Nero. Kailangan ko hayaan ang sarili ko na sumaya. At tama ulit siya... sa kaniya lang ako sasaya. Sa kanilang dalawa ni Skyler.

Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ni Ma'am Adrianna oras na malaman niyang nagkabalikan na kami. Alam kong magagalit siya, lalo niya akong kamumuhian pero hindi ko na gagawin pang dahilan ang galit niya para bitawan ulit si Nero. We wasted years without each other though I admit, being apart within those years helped us to realize how deep and immeasurable our love is for each other.

Na kahit nagkahiwalay, hindi tumigil sa pagmamahalan. Bagkus, mas lalo pang lumalim.

"Mama!"

Tuluyan ko nang iminulat ang mga mata ko. Bumungad sa akin ang nakabukas na sliding window kung saan tagos ang sinaw ng pang umagang araw. Saka ko lang napagtanto na dito ako sa kwarto nina Nero at Skyler natulog dahil iyon ang gusto ni Nero.

I felt complete as I lie beside them last night. Akala ko, hanggang imahinasyon at pangarap lang. Hindi ko inasahan na matutupad.

Naagaw ng paglabas ni Skyler sa banyo ang atensyon ko. Napangiti ako nang makita siya doon na bagong ligo at nakabalot pa sa kulay puting tuwalya. Sa ulo niya ay nakasabit ang mukha ng isang panda na siyang disenyo no'n.

Nag-angat ako ng tingin kay Nero. He held my gaze for a while. He's serious at first but let out a ravishing smirk after that made my morning... or day.

Natawa ako saka umiling. Sa simpleng ngiti na 'yon ay nagagawa niya ang pakiligin ako na para bang napakalaking bagay no'n. Ganoon at talaga siguro ang pakiramdam kapag alam mong purong saya lang ang hatid ng mga ngiti niya. Walang halong pilit.

"Maagang naligo ang bata?" tanong ko sa kaniya nang may ngiti sa labi.

Tumango siya at sinundan na si Skyler na naglalakad palapit sa akin. Tuluyan na akong bumangon at ibinaba ang mga paa sa sahig. Inabot ko ang tuwalya mula sa katawan niya at marahan siyang pinunasan.

"He just wanted to brush his teeth but this happened..."

Napatingin ako kay Nero nang sabihin 'yon. He gestured his whole body and that's when I realized that his clothes are wet.

"Bakit basa ka?"

He shrugged his shoulders. Humagikhik si Skyler na ikinatingin ko sa kaniya.

"Binasa ko po si Papa, tapos nabasa rin po ako kaya pinaliguan niya na po ako."

I shook my head, a little smile was plastered on my lips.

"Ikaw talaga. Baka mamaya ay may trabaho pa ang Papa mo tapos inaabala mo."

"Wala akong gagawin sa bukid ngayon," sagot kaagad ni Nero sa akin. "Dito lang ako sa bahay."

I bore my eyes into him and let my lips stretch for a sweet smile.

"Sigurado ka? Maligo ka na lang rin kung ganoon. Baka pasukin ka ng lamig kapag pinatuyo mo pa iyang damit sa katawan mo."

Tinitigan niya ako, mariin. May mapaglarong ngisi sa labi niya, tila ba may naiisip na kung ano.

Monasterio Series #6: Trapped in Her Arms Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon