Kabanata 29

18.9K 1K 165
                                    

Kabanata 29

Hold On

Kumuyom ang mga kamao ko, pigil ang hininga habang pinapakiramdaman si Nero na mahigpit na nakayakap sa akin.

Hindi ko maintindihan kung bakit ganito ang inaasal niya. He’s supposed to be mad at me! Push me away until I’m already out of his sight! Iyon dapat ang nangyayari! Hindi ‘yun narito siya sa harap ko at tila ba nagmamakaawa pa na huwag akong umalis. 

“Nero-”

“Please... stay with me-”

Bago niya pa man natapos ang sinasabi ay marahas na akong hinaklit palayo sa kaniya dahilan para pabagsak akong maupo sa sahig.

“Mama!” sigaw ni Nero habang salubong ang kilay na nakatitig kay Ma’am Adrianna. Nasisiguro kong siya ang humila sa akin palayo sa anak niya.

Naiintindihan ko.

Nero was about to go near me when Ma’am Adrianna stopped him. Itinulak niya si Nero. Tila wala itong lakas dahil madali itong napaatras.

Naramdaman ko ang hawak sa aking braso na tila ba iniaangat ako. Lumingon ako sa likuran at nakita si Dreya na naroon, tinutulungan ako. Nagtama ang mga mata namin. Tumango siya sa akin, walang salitang namutawi sa mga labi niya.

“Dreya, don’t help her!” sigaw ni Ania.

Umiling si Dreya nang tingnan ito. “Hindi kailangan idaan sa pisikalan ang sitwasyon, Ania. Puwedeng mag-usap nang maayos-”

“That girl fooled my brother! Wala na sa lugar ang pagiging mabait mo-”

“You don’t have any rights to raise your voice at my wife, Ania.” sita ni Dashiel sa kalmadong boses.

Natahimik si Ania. Tumungo ako, lalong bumigat ang paghinga. Dahil sa akin, nagkakagulo sila. Una pa lang, hindi ko na dapat hinayaan pa ang sarili ko na makilala sila. Sana nakuntento na lang ako sa isang tabi.

Hindi naman talaga kasama sa plano ang makilala ang pamilya ni Nero. Kaya nga noong unang beses kong makita sina Ma’am Adrianna nung kaarawan niya ay maagap kaming umalis ni Yaya Shirley mula sa bahay nila.

“Are you out of your mind, Reon Alexis?! Nagmamakaawa ka sa babaeng kunektado sa taong halos pumatay na sa’yo noon?! Taong naging dahilan kung bakit buong buhay mo, nakakulong ka sa probinsyang ito! The main reason why you were not with your family throughout your whole existence-”

“Whatever Sigrid did to me before, Isha was out of it-”

“But she still lied to you!!!” buong lakas na sigaw ni Ma’am Adrianna dahilan para mag-angat ako ng tingin sa kaniya, ang luha ay wala nang tigil sa pag alpas mula sa mga mata niya. Sir Zion was standing behind her while holding her arm. “She is here for revenge, anak! Huwag mong kakalimutan na paghihiganti ang una niyang dahilan kung bakit siya narito. Pinaniwala ka niyang mahal ka niya-”

“Mahal niya ako, Mama!” sigaw pabalik ni Nero. “I don’t care if she came here for revenge. Mas importante sa akin ang katotohanan na hindi pagpapanggap ang nararamdaman niya para sa akin!”

Astang lalapit na ulit si Nero sa akin nang muli siyang pigilan ni Ma’am Adrianna at itulak. Halos malukot na ang damit niya sa higpit ng pagkakahawak ng ina sa kaniya.

“Anak, ano ba!!!” humagulgol na sigaw ni Ma’am Adrianna, nagmamakaawa. “Buong buhay ko nagtiis ako na malayo sa’yo para lang maprotektahan ka. Ilang okasyon ang dumaan na dapat ay kasama ka namin pero hindi nangyayari dahil nag-aalala kaming may mangyaring masama sa’yo. Sa dami ng babaeng puwede mong mahalin, bakit sa kalaban pa, Reon?” Yumuko siya, histerikal ang bawat hikbi. “Kahit sino, anak, tatanggapin ko. Huwag lang siya.”

Monasterio Series #6: Trapped in Her Arms Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon