Kabanata 42

24K 823 104
                                    

Kabanata 42

Ask

Kahit papaano ay naging panatag ang loob ko na wala nang sama ng loob sa akin si Ma'am Cheska at Sir Daniel. Maayos kaming naghiwalay kanina sa Burnham Park. Ma'am Cheska even hugged me as if she's telling me that everything will be fine.

Hindi naman ako umaasa na magiging maayos pa ang lahat sa pagitan namin ng pamilya ni Nero. I already accepted that the bad blood between us will remain forever. Ayos lang sa akin. Hindi ko pa rin ipagkakait na malaman nila, lalo na kay Nero, ang tungkol kay Skyler.

Pero kagaya ng palagi kong sinasabi, siya dapat ang makatuklas para sarili niya.

"Mama, sino po 'yong mga kausap mo kanina?" tanong ni Skyler habang inihahanda ko na siya sa pagtulog.

Si Nay Shirley ay kanina pa nauna dahil maaga naman na talaga siyang natutulog kahit noon pa.

"Kamag-anak mo sila, Skyler."

Mula sa pagkakahiga sa tabi ko ay nilingon niya ako.

"Po? Paano po? Hindi po ba at tayo lang po nina Nay Shirley ang relatives?"

Alam ko na hindi makakabuti kung tataniman ko ang isip niya ng kasinungalingan. Kung magsisinungaling ako at bigla niyang malaman ang katotohanan, magugulo lang ang isip niya at hindi ko gusto 'yon. Isa pa, naging tapat ako sa kaniya nang sabihin kong hiwalay na kami ng Papa niya. Hindi magiging mahirap kung sakaling... makita niya ulit ito.

Mabuti na lang at hindi ko sinabing patay na.

"Kung sakali ba, anak, na makilala mo ang Papa mo, matutuwa ka ba?"

"Opo. Gusto ko po talaga siya makilala pero huwag na lang po pala. Kasi hindi po ba at iniwan niya po tayo noon?"

Kumunot ang noo ko nang marinig ang mga salitang 'yon mula sa kaniya. Tiningnan ko siya.

"Saan nanggaling iyan, Skyler? Hindi tayo iniwan ng Papa mo. Ginusto namin ang maghiwalay noon parehas. Wala rin siyang alam na ipinagbubuntis na kita dati. Hindi ba at naipaliwanag ko na sa'yo ang tungkol doon?"

Ngumuso siya. "Sabi po ni Kuya Jeremy, baka daw po ayaw sa akin ng Papa ko kaya po wala po siya sa tabi ko ngayon."

My brows snapped in a frown as soon as I heard that.

"Sinabi ng Kuya Jeremy mo 'yon?"

"Opo, Mama."

Nakaramdam ako ng kaunting iritasyon para sa kaibigan. Ganoon pa man ay sinikap kong intindihin na lang siya. Maaaring sinabi niya lang 'yon para huwag na umasa si Skyler sa isang bagay na walang kasiguraduhan noon.

"Huwag mong iisipin na ayaw sa'yo ng Papa mo dahil ang totoo, hindi niya pa alam na mayroong ikaw, Skyler. Kapag nakita ka niya, siguradong matutuwa siya."

Kahit pa hindi talaga ako sigurado sa magiging reaksyon niya oras na malaman niyang may anak kaming dalawa.

Nang makatulog si Skyler ay nagdesisyon akong lumabas muna ng inn dahil hindi ako dinadalaw ng antok. Feeling the cold wind blasting my skin, I slid my hands inside the pockets of my sweat shirt while looking at the tourist around.

Marami pa rin ang tao sa paligid, lahat ay nagkakatuwaan pa. People are taking pictures everywhere and I couldn't help but to smile while watching them.

Sa malayo ay tanaw ang nagliliwanag na fountain lights mula sa Rose Garden. Binilisan ko ang paglalakad para masilayan iyon ng mas malapitan. Ilang beses ko nang napanood ang pailaw nila pero hindi pa rin ako nagsasawa. Sayang at maaga nakatulog si Skyler. Napagod rin siguro sa pamamasyal.

Monasterio Series #6: Trapped in Her Arms Where stories live. Discover now