Kabanata 16

20.3K 1K 277
                                    

Kabanata 16

Topic

Lumabas ako ng main door namin hawak ang malaking bayong. Gumuhit kaagad ang malawak na ngiti sa labi ko nang makita si Nero na nasa labas na rin ng gate nila at swabeng nakasandal doon. Nakatingin siya sa gawi ko na para bang hinihintay niya talaga ang pag labas ko.

Malamang, Isha. May usapan kayo.

“Magandang umaga!” bati ko nang makalabas mula sa gate namin.

Umangat ang sulok ng labi niya at umayos ng pagkakatayo. Naglakad siya palapit sa akin, gwapong gwapo sa suot na pantalon at puting plain t-shirt. Bagong ligo rin at preskong presko ang amoy.

Nagbaba ako ng tingin sa katawan niya.

Pansin ko na hindi siya mahilig sa mga t-shirt na makulay at may print. Plain lagi, kung hindi puti ay itim naman. Ang linis niya tuloy lagi tingnan lalo pa at maputi siya. Naaarawan man, hindi pa rin umiitim at namumula lang. Halatang mestizo talaga.

Nang maglapit ay hindi ko inasahan ang sunod niyang ginawa. Yumuko siya at pinatakan ako ng halik sa aking pisngi. Namilog ang mga mata ko, ang puso ay halos magtatalon na sa simpleng galaw niya na ‘yon.

Nagtama ang mga mata namin matapos niyang umayos ng tayo. Kumurap kurap ako at mariing kinagat ang aking labi. Ngumisi niya.

“Morning...” bati niya sa akin sa malalim na boses.

Tumingin ako sa paligid. Wala namang mga tao kung hindi mga batang naglalaro lang. Abala sila kaya siguradong hindi nila nakita ang ginawa ni Nero.

Ngumuso ako nang muli siyang tingnan. “Buti na lang walang nakakita sa atin.”

Tumaas ang kilay niya. “So what it someone sees us?”

“Nakakahiya! Baka sabihin may relasyon tayo.”

Nagdilim ang mga mata niya, tila hindi nagustuhan ang sinabi ko. Kinain niya ang maliit na distansya sa pagitan namin nang hindi inaalis ang mariing titig sa akin.

“That’s the truth anyway. Ikinakahiya mo ako?”

“Hala, hindi! Ikaw pa ba ang ikakahiya ko? Baka kasi kung ano ang isipin ng mga matatanda kapag nalaman nilang tayo na. Baka sabihin... maharot ako.”

Medyo totoo naman kaya lang... kay Nero ko lang naman ipinapakita. Siya lang naman ang hinaharot ko.

Sa probinsya pa naman, hindi maiiwasan ang pag-isipan nang hindi maganda ang isang babae kapag nakipagrelasyon ito lalo pa sa kagaya kong bagong salta lang dito.

“Mas maharot ako...” sabi ni Nero na pumukaw sa atensyon ko. Titig na titig siya sa akin, wala na ang iritasyon na kanina ay naghahari sa mga mata niya. “Dahil ginusto kong mapasaakin ka.”

Sinamaan ko siya ng tingin, pigil na pigil ang ngiti at kilig na gustong kumawala sa akin. Lumalim ang ngisi sa labi niya habang pinagmamasdan ako.

“Tatalikod muna ako, Nero. Kinikilig ako.”

Mabilis akong pumihit patalikod nang marinig ko ang bahaw na halakhak niya. Dinala ko ang mga kamay sa magkabilang pisngi, pinisil ito at mariing pumikit habang dinadama ang init.

Tila ba may kuryenteng gumapang sa mga ugat ko nang maramdaman ko ang kamay niya na pumulupot sa aking bewang mula sw likuran.

“Masanay ka na,” bulong niya sa likod ko. “Pakikiligin kita... kahit mag-asawa na tayo.”

Nagmulat ako namimilog ang mga mata na hinarap siya.

“Mag-asawa? Pag aasawa na kaagad ang iniisip mo, Nero!”

Tinaasan niya ako ng kilay, nagmukhang lalong suplado. “I don’t play games, Isha.”

Nanulis ang nguso ko. “Hindi ko naman sinabing naglalaro ka lang sa relasyon. Kahapon nga lang naging tayo, e. Tapos pag-aasawa na kaagad ang nasa isip mo.”

Pero ang totoo, gusto ko rin naman ang ideya na magiging mag-asawa kami pagdating ng tamang panahon. Kung magtatagal kami. Hindi ko sasabihin sa kaniya na gusto ko ang iniisip niyang ‘yon dahil baka isipin niyang ligayang ligaya na naman ako.

“How long do you want us to be in a relationship before you think of marrying me then?” napapaos na tanong niya. “Hmm?”

Hindi ako nakasagot, nag-iisip rin kung ilang taon pa nga dapat ang relasyon namin bago ko maisip ang pagpapakasal.

“I won’t mind waiting for a few years.” dagdag niya.

“Hindi naman years. Mga six months?”

Natawa siya bago idinantay ang kamay sa aking balikat. “Noted, baby. Six months till I marry you.”

Kahapon lang naging kami. Kahapon rin namin pinag-usapan ang tungkol sa pagkakaroon ng anak at ngayon, tungkol naman sa pag-aasawa at pagpapakasal ang tema namin.

“Bukas, Nero, ano naman ang tema natin?” tanong ko habang naglalakad na kami patungo sa paradahan ng mga tricycle.

Mamamalengke ako para sa tindahan at nagsabi siyang sasamahan niya ako bago sya dumiretso sa bukid mamaya.

Dumausdos pababa ang kamay niya sa bewang ko. Sa bawat haplos niya, para akong kinikiliti palagi.

Bahagya niyang inilapit ang labi sa akin, ang mga mata namin ay parehas nasa mismong daanan.

“How to make a baby, Isha,” bulong niya, ang himig ng pang-aasar ay yumayakap sa boses niya. “That’s going to be our topic tomorrow.”

Palihim akong humagikhik.

Sana bukas na kaagad.

Monasterio Series #6: Trapped in Her Arms Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon