Kabanata 68

16.7K 694 70
                                    

Trigger Warning: Sexual Harassment

Kabanata 68

Napuno ng ala-ala ang isip ko nang pumasok kami ni Nero sa loob ng bahay na siyang kinalakihan ko. The natural smell of the living room, the grand staircase where I used to fall during my younger years, the pink single sofa at the corner that used to be my spot whenever I watched movies on our big television... it all came down like waterfalls in my head.

Bilang sa daliri ang masasayang ala-ala. Mas marami ang mapapait. Although I spent most of my youth in Canada, I still prefer living here despite the ugly memories.

Gano'n pa man, itinago ko pa rin sa puso ko ang mga bagay na 'yon. Inalagaan. Being with my parents is what matters to me the most. Hindi na mahalaga kung hindi man nila ako itinuring na anak nila.

"You can also sleep here, Reon, if you want. There are vacant rooms here or if you want, sa mismong kwarto ka na ng fiancee mo matulog." Si Mommy habang tulak-tulak siya ng nurse papasok.

Nagkatinginan kami ni Nero habang nasa likuran kami ni Mommy. Akbay ako sa aking balikat, ngumiti kami sa isa't isa.

"Thank you, Tita Sierra. Babalik na lang po ako bukas kasama ang pamilya ko para mamanhikan. I also want you and Isha to spend some time alone." puno ng respeto na sagot ni Nero.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa mga ginawa ni Nero para sa kaniya. Naalala ko pa ang kaba sa puso ko dahil sa kakaisip ng maaaring maging reaksyon niya kapag nagkita na sila ni Mommy.

Magagalit. Babalik sa ala-ala ang nakaraan at muli akong kamumuhian. I almost forgot that he's a good man. Ilang beses niya nang pinatutunayan 'yon.

"Magpapahanda ako bukas pero hindi ko na kaya ang engrande-"

"Don't bother, Tita. Kami na po ng pamilya ko ang bahala sa mga pagkain."

Umiling si Mommy. "Maghahanda kami kahit na papaano. I want to be presentable in front of your whole family. Who knows, it might be the first and last time I will be facing them."

Nawala ang ngiti sa mga labi ko. Ramdam ko ang pagbigat ng dibdib ko dahil sa mga salita niya. Sinabi niyang tinaningan na siya ng doktor pero umaasa pa rin akong hahaba pa ang buhay niya.

"You will still get better, Tita Sierra. We can go to abroad and look for the best hospital-"

"No need, Reon. Please stop wasting your money-"

"This isn't all about money, Tita Sierra. It's all about doing everything to prolong your life so you can still be with Isha and Skyler. Gusto ko pa po magkaroon ng pagkakataon na makilala kayo. Don't deprive us that chance."

Hindi nakasagot si Mommy. She lowered her head, her eyes on the floor. Huminga siya nang malalim saka muling nag-angat ng tingin sa amin. Matipid siyang ngumiti.

"I'll try."

For now, that's the best answer we can get. Hindi ko alam kung ano ang magiging plano ni Nero para kay Mommy. Whatever it is, I am here to cooperate.

Inihatid ko si Nero sa labas ng bahay matapos namin kumain ng tanghalian. Bukas na bukas ay babalik rin siya kasama ang buong pamilya at si Skyler para mamanhikan. Tama lang naman na narito ako kasama si Mommy at hintayin na lang sila.

"You sure you don't want me to bring Skyler here tonight?" tanong niya nang makarating kami sa tabi ng kotse niya.

Sumandal ako sa gilid. He stood in front of me and leaned his hand beside me. Titig na titig siya sa akin, tila tinatanya ang reaksyon ko.

"Hindi na. Magkikita rin naman kami bukas. Bukas ko na lang rin ipapakilala si Mommy sa kaniya."

He nodded. "Lalabas kami mamaya nina Zadriel, Dashiel at Alas. Nagyayaya sila sa isang bar malapit lang dito."

Monasterio Series #6: Trapped in Her Arms Where stories live. Discover now