Kabanata 13

21.2K 1K 239
                                    

Kabanata 13

Lunch

“Nagseselos siya... Nagseselos siya, Isha! Ibig sabihin may gusto rin siya sa’yo!”

Hindi ko magawang suwayin ang sarili simula nang sabihin niyang nagseselos siya kay Jeff kanina sa bukid.

Hindi ko inaasahan dahil kung ako ang tatanungin, mukha siyang walang pakialam sa akin. Mukha siyang walang gusto sa akin. Kaya naman nang marinig ‘yon mismo mula sa kaniya ay literal na tumalon ang puso ko sa kilig.

Nakauwi na ako’t lahat pero heto pa rin ako at tila parang kiti-kita sa kama na pabaling baling. Halos sumigaw pa ako sa mismong unan para lang ilabas ang kilig na nararamdaman ko.

“Isha, kumain na tayo! Nagluto ako ng adobong manok.” dinig kong sabi ni auntie mula sa labas.

Nagluto na naman si auntie? Hindi ba siya napapagod?

“Lalabas na po!” malawak ang ngiting sabi ko, nababaliw na.

Bumangon ako sa kama at hinawi ang kurtina. Pasimple akong sumilip sa bahay nina Nero pero wala siya doon. Maaaring naliligo siya dahil ‘yon ang sinasabi niyang gagawin niya pagkauwi namin.

“Isha, halika na!” tawag muli ni auntie.

Umalis na ako sa bintana at lumabas na ng kwarto. Naabutan ko si auntie na inaayos ang mga plato sa mesa. Nilingon niya ako.

“O, bakit nakangiti ka riyan?”

Umiling ako, mas lalo pang lumawak ang ngiti sa labi.

“Wala naman po, auntie. Kanina ko pa po kasi naaamoy ang adobo. Mabango po.”

Mukha siyang hindi naniniwala sa akin dahil sa ginawa niyang pag ngiwi.  Imbes na sumagot pa ay naupo na lang ako sa mesa at nagsimula nang kumain. Hindi pa naman ako gutom pero kakain pa rin ako. Pakiramdam ko kasi ay mapupuyat ako ngayong magdamag kakaisip kay Nero.

Nagprisinta akong maghugas ng plato. Nang matapos ay kaagad na akong bumalik sa kama at naupo roon. Wala sa sarili kong kinuha ang cell phone at nakitang may text doon mula sa isang numero na hindi naka save sa cell phone ko.

Hindi ko sana papansinin ngunit nang mabasa ang mensahe na kalakip no’n ay tila ako bulateng inasinan.

Unknown number:

Already sleeping?

Naupo ako, ang ngiti ay mabilis na gumuhit sa aking labi.

Ako:

Gising pa. Kakatapos ko lang kumain. Ikaw?

Ni save ko kaagad ang number niya sa cell phone ko. Kanina ay ibinigay niya sa akin ang cell phone niya at ipinalagay ang numero ko doon. Namangha pa ako dahil latest na iPhone ang gamit niya.

Mayaman nga ata talaga siya.

Nero:

Just got out of the shower. What are you doing now?

Ako:

Ito iniisip ka—

Kaagad kong binura ang tinipang mensahe nang mapansin na maisyado iyong mahalay. Baka sabihin niya ay gustong gusto ko siya.

Kahit totoo naman.

Ako:

Wala naman. Nakaupo lang.

Mabilis rin ang naging sagot niya, mukhang wala ring ginagawa. Gusto ko pa sana makipag text sa kaniya kaya lang ay baka isipin niyang aligaga ako masiyado.

Nero:

Sleep now. Let’s see each other again tomorrow.

Impit ang naging ngiti ko, hindi magawang pigilan ang kilig na gustong kumawala. Gano’n pa man ay hindi ko ‘yon pinahalata sa kaniya.

Monasterio Series #6: Trapped in Her Arms Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon