Kabanata 14

21.4K 1.1K 405
                                    

Kabanata 14

Ligaw

Hawak ang aking kamay, hila-hila ako ni Nero papasok sa kusina nila. Mukha ngang walang tao dahil masiyadong tahimik sa bungad pa lang ng sala.

“Ano’ng ginagawa nina Nanay Martha sa Maynila?” tanong ko habang hila niya pa rin ako.

Pinagmasdan ko ang likod niya. Hindi ko maiwasan ang humanga. Kitang kita ang hubog no’n dahil medyo basa ‘yon sa pawis. Sa bawat galaw niya ay gumagalaw rin ang triceps niya. Halatang batak sa trabaho at hindi na kailangan pa mag-gym.

Maganda ang katawan niya. Lalo na siguro kapag walang suot na t-shirt.

“Pinuntahan si Mama. May sinadya.”

“Mama mo? As in ‘yung nagluwal sa’yo?”

Natawa siya, saktong nakarating kami sa dining area nila. Hinarap niya ako, hinawakan sa magkabilang balikat at marahang iniupo sa isang mataas na silya sa tabi ng mesa.

Kumurap kurap ako nang itinuon niya ang mga kamay sa magkabilang gilid ako at bahagyang yumuko. Halos ilang sentimetro na lang ang layo ng mga mukha namin sa isa’t isa. Kaunting lapit pa ay maduduling na ako.

“Opo.”

Iyon lang pala ang isasagot niya. Bakit kailangan pa lumapit ng ganito? Kung sa bagay. Hindi naman ako umaangal. Gusto ko nga.

Lapit ka pa ng kaunti, Nero.

“Bakit hindi ka sumama?” tanong ko.

Sandali. Nag-toothbrush ba ako? Baka mamaya ay salita ako nang salita dito, hindi pala mabango ang hininga ko.

Itinikom ko ang bibig ko.

“Ayokong sumama.”

Tanging tango na lang ang isinagot ko. Tumaas ang kilay ni Nero, may multo ng ngisi sa mga labi. Nahalata niya atang bigla akong nanahimik.

“Bakit bigla kang tumahimik?” tanong niya, tila nang-aasar.

Ngumuso ako. “Ang lapit mo masiyado. Baka mabaho ang hininga ko.”

Kinagat niya ang ibabang parte ng labi habang nakangisi, mas lalo itong namula.

“Let me smell it then...”

Halos manglaki ang mga mata ko nang ilapit niya pa lalo ang mukha sa akin. Itinagilid niya ito, tila ba hahalikan ako. Gano’n na lang ang pagpipigil ko sa hininga nang inilapit niya ang ilong sa tapat ng bibig ko.

“Breathe, baby.”

Kumuyom ang mga kamao ko, ramdam ang malakas na pagkalabog ng puso sa aking dibdib. Hindi na rin napigilan pa, dahan-dahan akong nagpakawala ng hininga dahilan para makita ko ang marahang pagpikit niya.

Nagmulat siya, nagtama ang mga mata namin. Namumungay ito habang titig na titig sa akin.

“Smells good,” napapaos na bulong niya. “You... smell good.”

Parang mawawalan na ako ng malay kapag nagtagal pa kami sa ganitong posisyon. Maging ang paraan ng paninitig niya sa akin ay tila nanghihigop ng lakas.

Sobra naman kasi itong si Nero. Parang laging nang-aakit kahit na wala naman siyang ginagawa.

Hindi pa nakuntento, dinala niya ang kamay sa tapat ng puso ko nang hindi inaalis ang mga mata sa akin.

“Kinakabahan ka...” sabi niya, marahil ay naramdaman ang mabilis na tibok ng puso ko.

“Hindi ako kinakabahan.”

Muling umangat ang sulok ng labi niya, nagmumukhang mayabang.

“Kinikilig?”

Nanulis ang nguso ko. “Nero n-naman, e.”

Monasterio Series #6: Trapped in Her Arms Where stories live. Discover now