"Paano kung madissapoint kita?"

"That's normal. And if you did, that's okay."

"Paano kung masaktan kita?"

"I will forgive you, then."

"Paano kung hindi ko maibalik ang salitang 'I like you too' sa 'yo?"

"I will not stop."

"Paano kung wala ka na talagang chance?"

"I will still not stop pursuing you. I'm willing to take a risk even if I do not gain anything."

"Paano kung-"

"Shhh." Pinutol niya ang aking sasabihin gamit ang kaniyang daliri.

"Kahit na ilan at kung ano pang 'paano kung' mo na 'yan, hindi na magbabago ang isip ko. I like you. And I will always tell you that I like you so your heart will be rest assured."

Wala na. Tuluyan ng nalaglag ang puso ko. At hindi ko na alam ang gagawin para pulutin pa ito.

Nailamukos ko ang sariling mukha.

"Kaiden, anong gagawin ko? I think I have already fallen for you."

Nakatingin siya sa 'kin na parang sinusupil ang ngiti.

"What did you like about me?" Tanong niya na nagpatigil sa akin, parang sinabi ko na sa kaniya 'yon.

"Hindi ko alam."

"Dapat alam mo, hindi pwedeng hindi mo alam."

Sinimangutan ko siya, "Gaya-gaya ka ng line."

"Gaya-gaya ka rin kasi ng sagot."

Tumayo ako at naglakad papuntang balcony. Sumunod naman siya.

"When did you like me, Kaiden?" Tanong ko.

"Didn't I already say that in the letter?"

"Gusto kong marinig mismo galing sa 'yo."

"When I first met you. That night at the alley, it was the first time in my life that someone bravely stood in front of me. I thought you were gonna get scared but no, you even killed that guy. I tried to forget about you but I can't, I always see your face whatever I do that's why I just follow what I feel. Masamang sumuway."

Medyo natawa ako sa huli niyang sinabi.

"Why are you trying to kill him?"

"Because he owes my Mom. That guy tried to kill my Mom at her birthday party, luckily she's safe. I don't want to let that slide that's why I did that. I'm not a bad guy, I'm just being a monster whenever someone hurts my loved ones."

'Yon pala ang rason niya, now I know and I understand him.

"I'm sorry."

"Para saan?"

"For letting you kill him, I didn't expect that you're going to say yes."

"Wag mo ng isipin 'yon, ang tagal na kaya no'n."

"How about you, when did you like me?"

Ngayon ako naman ang napaisip.

"Hindi ko rin alam, basta naramdaman ko na lang. Tulad ng sabi ko sa 'yo ay never pa akong may nagustuhan, tuwing nakikita kita palagi akong natitigilan sa kapogian mo, tuwing nagkakatinginan tayo parang napuputol ang paghinga ko. At nang, sinabi mong may nagugustuhan ka bilgang sumakit ang dibdib ko, hindi ko alam pero sobrang sakit at nagseselos ako. Hinihiling ko na sana ako na lang 'yung taong gusto mo."

"Noong una akala ko normal lang 'yung mga 'yon at wala lang, pero mali ako. Palagi kong dinedeny sa sarili ko ang mga nararamdaman ko at palagi kong sinusubukang tumakbo pero nakita mo naman hindi ko kinaya. Pagkauwi ko dito sa bahay noong araw na nabasa ko 'yung sulat mo na para sa akin, doon ko napagtanto na gusto talaga kita. Sinubukan ko namang pigilan dahil baka kako mawawala rin 'yung nararamdaman mo para sa akin, pero wala.

Roses And Melody (Under Revision)Where stories live. Discover now