Epilogue

1.3K 10 1
                                    

Thalia POV

"Do you have any reservations Ma'am?" Tanong ng receiptionist sa akin. Tumango lamang ako sabay ngumiti.

"Yes, I have. I booked room 031," sambit ko ng room kung saan naka room kami dati ni Aziel.  Mapait akong napangiti.

Pagkatapos ng nangyari sa syudad napagpasyahan ko nalang na pumunta dito kung saan walang makakakilala sa akin, kung saan may sariling mundo ang mga tao, kung saan makakapagisa ako.

Hindi ko kinaya lahat ng kaganapan doon lalo na noong araw na nagkita ulit kami ng magulang ni Aziel.

"What are you doing here?" Pasigaw niyang tanong nang makapasok ako sa puniralya. Ilang beses nila akong pinagtabuyan, hindi na ako papayag, gusto ko makita si Aziel.

"Nandito ako para tignan ang boyfriend ko kaya kung gusto mong respetuhin pa kita sa harapan ng kabaong niya tumabi ka." Matalim na tingin kong sambit sa kaniya. Nakatingin ang mga bisita habang si Lessie napansin kong nakatayo lamang sa haralan ng kabaong habang wala siyang imik.

"How dare you! Hiwalay na kayo ni Aziel!" Akma na sana niya akong sasampalin nang maisangga ko ang kamay niya. Hinigpitan ko ang kapit doon at mabilis na ibinalibag.

"Hindi kami hiwalay! Never kami naghiwalay dahil naaksidente siya ng dahil sa inyo. Ito tatandaan mo pagkaalis ko dito dadaputin ka ng pulis sa pagtangka ng buhay ko." Wala na akong pakealam, gusto kong ilabas ng galit ko sa kaniya. Kung itong galit kona ito maibabalik lang si Aziel edi sana hindi na ako nagluluksa. Ano bang naging kasalan ko sa buhay para tanggaling ang taong ninais kong makasama habang buhay? Ano?

Hindi siya nakaimik kaya nilampasan ko siya bago ako naglakad papunta sa harapan ng kabaong.

Doon ko nakita ang taong mahal ko, para lang siyang natutulog... dati sinasabi ko gustong gusto ko siya natutulog kasi mukha siyang maamo at walang kalokohang nagagawa pero ngayon gustong gusto ko siya gumising, gusto ko siyang piliting imulat ang kaniyang mata.

Bakit ganon? Kung kaylan nakasama ko siya ulit bigla nanaman siyang kinuha sa akin, bakit?

Ramdam ko ang pamumuo ng luha sa aking mata habang pinagmamasdan siya.

"Aziel, hindi kaba gigising diyan? Ilang araw kana dyan oh, please h'wag mo akong iwan..." tuluyan nang nagsimulang tumulo ang luhang kanina ko pa pinipigilan, kahit pa ramdam ko ang paglingon sa akin ni Lessie wala na akong pakealam.

For once, ngayon lang ako hihiling, please ibalik niyo si Azeil... please...

Napahawak ako sa kabaong. "Aziel ano ba! Gumising kana hindi na ako natutuwa!" Sigaw ko. Hinihintay ko siyang mag response pero wala parin, hindi parin siya gumigising. Napalakas ang hikbi ko habang sa kaniya parin ako nakatingin.

"Knox please wake up... gagawin ko ang lahat ano bang gusto mo? Hindi na ako maaasar pag pagtritripan mo ako... hindi na kita pipiliting kumain ng gulay, please parang awa mo na gumising kana dyan..." Ang sakit-sakut. Ang bigat sa dibdib. Hidni ko matanggap at ayaw kong tanggapin!


Maya-maya pa naramdaman ko ang mahigpit na yakap mula sa tagiliran ko. "Ate Thai tama na..." mas napalakas ang aking hikbi at tuluyan ng nawalan ng lakas.

"Lessie... g-gusto ko tanungin, b-bakit siya pa?" Mahina kong bulong ngunit mas humigpit ang kaniyang yakap kaya naman napapikit ako.

"Guard paalisin nito na siya!" Rinig kong sigaw ng ginang sa likuran namin.

"Anong aalis Clarissa!" Biglang napaangat ang aking tingin nang marinig ko iyon bago ako lumingon, dalawang matanda ang lumapit sa loob. Kakapasok lang nila ngunit ang isa sa kanila napatingin sa akin. Bago ako nilapitan at pinatayo.

"Lola..." bulong ni Lessie sa tabi ko, napatingin siya kay Aziel. Napansin kong namuo ang kaniyang luha ngunit alam kong pinipilit niyang pigilan iyon.

"Mom anong ginagawa mo? That girl was the reason why Aziel died!" Sigaw niya.
Matalim ang matang na tumingin sa kaniya ang lola nila Aziel bago nilapitan ng mom nila Aziel.

Malakas na sampal ang dumapi sa mukha nito. Lahat kami nanlaki ang mata.

"Huwag mong isisis sa bata ang kasalanan mo! Sa tingin mo babhindi ko alam na tinangka mong ipapatay iyang si Thalia pero sinalo ng anak mo ang bala! Kasalanan mo lahat! Kasalanan niyo lahat ng demonyo mong asawa!" Sigaw niya. Natigilan ako sa aking narinig, ibig sabihin sila ang may gawa non? Ibig sabihin sila ng may kasalanan ng nangyari? Sila ang dahilan kung bakit namatay si Aziel...

Unti-unting bumigat ang pakiramdam ko na tila ba biglang may nabuhay na halimaw sa loob ng katawan ko.

"Walang hiya ka!" Sigaw ko at mabilis ko siyang nilapitan.

Hinablot ko ang buhok niya at kinaladkad palabas at mabilis ko siyang itinulak sa labas.

"Ipapakulong kita.." sambit ko habang masama ang matang na nakatingin sa kaniya. Natigilan silang lahat sa inasta ko ngunit huli na ang lahat nakatawag na ako ng pulis kanina palang at dinampot na siya paalis doon.

Bagsak ang aking balikat nang matapos ang lahat. "Galit din ako sa ginawa nila, ewan ko ba kung bakit hindi ako nakakaramdam ng awa noong ginawa mo kay mom iyon," sambit ni Lessie sa tabi ko. Nakakalma na ang lahat at ako hindi ako umaalis sa tabi ni Aziel, gusto ko dito lang ako... ayaw ko siyang iwan.

"Ate Thai eto pala iyong gamit ni Kuya, mga picture niyo tapos ito kinuha ko sa teacher ko." Bigla niyang inabot sa akin ang napakalaking canvas, naka-painting doon ay dalawang taong naghahabulan sa ginta ng flower flied. Ibig sabihin kami pala ang ginuhit niya.

Tuluyan nanamang namuo ang luha sa aking mata at niyakap iyon.

Ang bigat sa dibdib, hindi kona kaya. Sa tuwing inalala ko ang mga panahon na kasama ko siya napapatanong ako, bakit napakadali ng panahon...

"Ate Thai, Kuya will be sad pag nakita ka niyang ganyan, please kanina kapa umiiyak." Hindi ko siya pinakinggan mas lalong lumakas ang aking hikbi habang yakap-yakap ang canvas, kasi dito nararamdaman ko kasama ko parin siya...

                                      —

"Miss gusto mo ba ng makakausap?" Tanong ng isang lalaki. Napangat ako ng tingin sa kaniya. Nandito ako ngayon sa dalampasigan, nakaupo mag-isa habang tumitingin sa paglubog ng araw.

"No, thank you..." sambit ko, tumango siya bago naglakad paalis. Napatitig muli ako sa harapan.

Pangarap ko ito eh, ang maupo sa dalampasigan, tumitig sa paglubog ng araw kasama ang lalaking makakasama ko habang buhay ngunit yung lalaking gusto kong makasama wala na...

Iniwan na ako...

Life is so unfair... kung kaylan pinili ko siyang ipaglaban saka pa siya tuluyang nawala...

Nagsisisi ako. Sana pala naging malakas na ako noon pa, edi sana hindi ako nag-iisa dito, nagmumukmok sa isla kung saan ko siya nakitang muli.

"Mahal kamusta ka? Alam mo miss na miss na kita, namimiss ko kakulitan mo kahit na madalas akong naiinis sa iyo kasi lagi mo akong pinatritripan pero gusto ko ang side mo na iyon..." Napaikit ako nang maramdam ko ang banayad na hanging dumampi sa aking balat. Napalunok ako, tila ba biglang bumigat ang aking pakiramdan. Napahawak ako sa aking dibdib kasunod ng pagtulo ng aking luha.

Napayuko ako at tuluyan nang napahikbi.

Paano ako magsisimula ng ganito kung wala ka?

                                _END_

MIDNIGHT LOVE #7 : Lingering Beyond - COMPLETEDWhere stories live. Discover now