Chapter 15

797 17 0
                                    

"Mommy they're kissing?" Nagtinginan kaming dalawa, pareho pa kaming nagbigayan ng nandidiring tingin sa isat-isa sabay tayo ko.

Humarap ako sa mag-ina na nakatingin sa amin. Sa totoo lang iyong nanay niya lang dahil tinatakpan na niya ang mismong mata ng anak niya na tila ba may ginagawa kaming milagro kanina para umasta siya ng ganoon, kahit kaylan talaga napakapahamak ng small pipe na 'to.

Wala akong sinabi sa kanila ngunit binigyan ko naman sila ng ngiti, hindi ko alam kung anong klaseng nguti ang pinapakita ko ngayon, nahihiya talaga ako lagi nalang kaming nalalagay sa ganitong sitwasyon.

"Mommy stop covering my eyes," sabi ng bata. Napatingin naman ako sa kaniya. Tumango nalang ako sa babae bago nagmadaling pumasok, wala talagang silbi itong lalaking ito, hindi manlang ako tinulungan sinarado pa iyong pinto pero sabagay baka makilala siya at magkaroon ng issue madamay pa ako kung malalaman nila iyon siguro kinabukasan marami na akong death treat galing sa mga fans niya.

"Bakit hindi ka nagpakita hahaha," bungad ko nang makapasok ako, tumingin naman siya sa akin ng napakasama bago pinaandar ang sasakyan niya.

Dahil sa pananahimik niya na ganun bigla ko na din naramdaman ng sakit ng talampakan ko, ngayon ko lang naramdaman.

"Hoy saan mo dinala sandals ko?!" Sabi ko habang nakakunot ang noo.

"Tinapon ko na mabaho kasi, parang pinagbahayan ng daga." Tila ba biglang nag-init ang ilong ko at ramdam ko ang pagkulo ng aking dugo sa aking narinig.

"Baka nga mas mabango pa yan sa pwet mo!" Sagot ko. Sabay talikod sa kaniya. Nakatingin lang ako sa bintana saka ko ito ibinaba.

"What did you say?!" Pasigaw na sabi niya. Nagkibit balikat lang ako, alam kong asar talo nanaman siya. Siya ang unang nanglait sa sandals ko syempre papayag ba akong matalo.

Napaayos ako ng aking upo nang maaninag ko ang gwardya na nag-uusap, naalala ko sila, sinong hindi maalala kung sinabahan ako ng pulubi ng mga iyon pero sino pa ba sisisihin ko syempre itong impaktong nagmamaneho sa tabi ko.

"Bagalan mo saglit pag-dradrive mo." Napatingin naman siya sa akin pero hindi nadin siya nagreklamo, ginawa niya nalang niya sinasabi ko.

Nang medyo bumagal naitapat kami sa dalawa, dahil nga sa nag whistle ako nakuha ko atensyon nilang dalawa. Napatulala naman sila sa akin, doon ko kinuha ang pagkakataong ipakita ang gitnang daliri ko.

"Ok na, bilisan mo na." St iyon pinakaripas niya ang takbo. Lumingon pa ako sa likuran, nakita ko ang dalawa na nanlalaki ang mata, siguro hindi makapaniwala. Pinanganak akong hindi nagpapatalo, I don't like being insult like that just because how I look earlier.

"I saw it. Why you did that?" Sabi ng nasa tabi ko na nasa daan na rin ang kaniyang tingin.

"Syempre may mata ka talagang makikita mo iyon," sabi ko. Napansin ko namang napahigpit ang paghawak niya sa kaniyang manebela.

"I'm talking to you nicely, can you answer me nice one too?" Nanggagalaiting sabi niya. Ramdam ko doon ang paggitgit ng kaniyang ngipin, hindi ko alam kung bakit siya umasta ng ganoon ang pagkakaalam ko masama ugali niya, sa maliit na bagay lang na ginawa ko bakit nagalit siya? Parang hindi naman niya nasubukang mag bad finger sa sama ng ugali niya, hindi ba?

"It's none of your business," sabi ko bago ko siya tinalikuran. Hindi ko naman sinasadya kung didibdibin niya, sasabihin ko bahala siya sa buhay niya kung galit siya di magalit siya pakealam ko ba, siguro kilala niya iyong dalawang gwardya doon kaya siya nagagalit, tsk.

"You are aware what the meaning of that sign right?!" Sabi niya. Natulala ako bigla pero ang tingin ko nasa labas parin ng bintana.

"I'm not fucking mad from how you disrespect them but the way you use your midle finger even though you knew what the meaning of that sign is annoying!" Napabuntong hininga ako sa inasta niya, syempre alam ko kung ano ibig sabihin non, hindi naman ako bata na inosente mag-isip pero it doesn't mean na talagang iyon ang gusto kong ipahiwatig, ginagawa din iyon ng iba kahit hindi namsn iyon ang gusto nilang ibig sabihin. Bakit ba apaka-sensitive niya.

Nanahimik nalang ako sa kinakaupuan ko, hindi parin siya nililingon, ang gulo niya bakit naman siya nagagalit kung nag 'F*ck you' sign ako kahit kaylan talaga may sayad utak niya.

                                         —

"Thalia this is what Aziel need to wear, I'll go for now to talk to director, ipaubaya ko na sayo siya ok?" Bungad sa akin ni Kylie nang makapasok ako sa kompanya.

"Teka, hindi naman dito iyong shooting area hindi ba? Bakit dito ko siya aayusan?" Tanong ko. Hindi ko din feel pumasok dito, may mga nakakasalubong din akong mga kilalang artista pero mangilan-ngilan lang dahil nga sa hindi naman ako namalagi dito sa bansa.

"No, ipapaubaya ko lang sayo kasi may pupuntahan ako kaya sinabi ko na. Aziel know where the place doon na din siya aayusan, magkita nalang tayo doon ok? Paki assist mo muna alaga ko," sabi ni Kylie. Nginitian ko nalang siya, matapos noon sinamahan niya ako sa isang malaking kwarto. Nang makapasok kami doon agad din naman nagpaalam sakin ni Kylie at ako naman tumingin sa paligid, para siyang penthouse pero sala lang ang buong kwarto pero may nakita pa akong dalawang pintuan doon.

Naibalik ang aking tingin nang napansin kong lumabas sa isang pintuan ang lalaking kaylangan kong asikasuhin.

Simula pala noong binulyawan niya ako hindi niya ako pinansin hanggang sa makarating kami sa bahay ko, pero ano naman? Kawalan ba siya.

"You're here. Massage my shoulder." sabi niya dahilan upang sumama ang tingin ko. Kasalukuyan na kasi siyang nakaupo sa sofa habang ang dalawnag kamay nakapatong sa sandalan.

"For your information Mr. Knox, I'm your stylist and make up artist, doing the massage thing is not my job, you're free to go in spa as long as you want," sabi ko habang binibigyan siya ng pekeng ngiti. Nakita ko naman na marahas siyang napakamot sa kaniyang ulo.

"I swear, I will cut you into piece shitty woman." Alam kong binubulong lang niya iyon pero syempre narinig ko parin.

Hindi ko siya pinansin. Pumasok sa kwarto kung saan siya nanggaling at iyon na nga ang dressing room, sinampay ko lang sa malawak na drawer iyong damit na binigay sa skin ni Kylie kanina na susuutin daw mamaya ni Aziel, nang matapos ko iyon sakto namang naramdam ko ang presensya ni Aizel sa likod ko.

Tila ba merong kalokohan nanamang umandar sa utak ko. Dahan-dahan akong lumingon sa kaniya habang siya tahimik na pinagmamasdan ang gagawin ko, samantalang ako naman ay unti-unti ding inabot ang colar niya at marahang iniupo sa upuan tapat ng salamin.

Napangisi ako nang bigla siyang napalunok. "W-what are you doing?" Napatingin ako sa gilid ng upuan, unti-unti akong lumapit sa kaniya, ramdam ko na din ang hininga niya sa aking leeg. Nang maabot ko na ang gusto kong makuha tumayo ako ng diretso.

"Alam mo ba habang naglalakad ako papunta dito may naririnig ako kanina sa mga empleyado sabi nila sa tuwing dumadaan daw sila dito may lagi daw silang naririnig na kalabog sa napaka-late nang oras, sino kaya iyon?" Panimula ko. Napakunot naman siya na tila ba nagtataka kung anong pinagsasabi ko.

"What do you mean?" Tanong niya habang nakakunot parin.

"Hindi kaba nanunuod ng horror movie? Hindi ba madalas sa dressing room may nakikitang multo?" Sabi ko. Napangiti ako nang makita ko reaksyon niya. Noong una nanlaki ang mata niya pero binalik niya din iyon sa normal, ang alam ko pilit niyang itago ang reakyon niya.

"Wait lang sabi ni Kylie sa akin ibigay mo daw sa akin iyong suot mo noong nakaraang shoot mo." Pag-iiba ko hindi naman siya ako pinansin bago naglakad sa corner hinahanap iyong damit na sinabi ko pero kinuha ko ang pagkakataon para lumabas.

Nang makalabas ako ginawa ko na ang panagawalang hakbang, dahil sa labas ang may lock, doon ko siya ginawa. Nang matapos iyon nakarinig ako ng maraming kalabog mula sa loob non habang nagpipigil naman ako ng tawa sa kinakaupuan ko.

"YOU WOMAN! OPEN THE DOOR! I WILL KILL YOU!!!!"

MIDNIGHT LOVE #7 : Lingering Beyond - COMPLETEDWhere stories live. Discover now