Chapter 29

706 11 0
                                    

"Ate Thai anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Lessie nang makita niya sa gate si Thalia kasama si Finlay.

"Nandyan ba mommy mo? Kakausapin ko sana." Napakunot ng noo si Lessie at nakipagtitigan sa kaniya, naalala niya ang kaganapan kanikanina lamang at ang mom niya ay nakakulong sa kwarto nito at hindi na siya lumalabas.

"Mom is not feeling well..." mahinahong niyang sagot. Nabuntong hininga si Thalia at mabilis na lumapit kay Lessie bago hinawakan ng kamay niya ng mahigpit.

"Lessie please let me talk to her. I want to fix everything." Hindi nakasagot si Lessie, wala itong kaalam-alam sa mga nangyayari.

Habang hawak ni Thalia ang kamay ni Lessie saktong bumukas ng malaking pintuan at bumungad doon ang magulang ni Aziel.

Masama ang mga tingin nito sa kaniya.

"Anong ginagawa mo dito?!" Sigaw ng ama ni Aziel. Napabitaw si Thalai sa kamay ni Lessie at pekeng napangiti.

"I was here to get what I deserve," matalim ang matang sagot niya. Nagkatinginan ang mga ito.

"Wala kaming utang sa iyo Thalia, so get out!" Sigaw ng ginang ngunit pagak lang na natawa si Thalia.

"Kung utang na pera wala pero baka nakakalimutan mong utang mo buhay ni Aziel at utang mo ang buhay ko!" Sigaw niya habang napapakuyom ang kaniyang kamao.

"What do you mean?" Tanong nila. Inilabas naman ni Finlay ang isang file.

"There's evidence that you're the one who did the incident in Aziel car," biglang sambit ni Finlay bago ibinato sa kanila ang papeles.

Nanlaki ang mga mata nito habang binabasa nila iyon.

                                    —

2 years ago

Kasalukuyang nagmamaneho si Aziel habang hawak naman niya sa kaniyang isang kamay ang kamay ni Thalia.

"Do you think tama ito?" Tanong niya ngunit napabuntong-hininga lamang si Aziel.

"Mom will make us separate, hindi ko alam ang dahilan nila bakit sila ganito but I won't let that happen." Napayuko nalamang si Thalia, pinangarap talaga niyang makasama si Aziel ngunit hindi sa ganitong paraan.

"Aziel pwede naman natin silang kausapin hindi ba? Makakatakbo tayo pero hindi habang buhay na ganito," sambit niya ngunit tumalim ang tingin ni Aziel sa daan.

"Nyx I tried! I even try to beg them not to sue you or push you away but they didn't even want listen to me! I have no choice!" Natigilan si Thalia kasunod ng pagtulo ng kaniyang luha.

"Then... we should break up..." bulong niya habang nakayuko. Bilang naipreno ni Aziel ang kotse niya bago marahas na napatingin kay Thalia.

"You want to break up with me?" Pagkukumpirma niya, napahigpit ang hawak ni Thalia kamay niya.

"We have no choice Aziel. Dad will panick if he found out, ayaw kong iwan si dad kakamatay lang ni mama." Nagkatitigan silang dalawa, binitawan naman ni Aziel ang  kamay Thalia at marahas na napasabunot sa kaniyang sarili.

"N-Nyx not like this please... I can sacrifice everything para hindi lang tayo maghiwalay tapos ikaw ngayon s-susuko? We can tell your dad where we are." Napakagat ng labi si Thalia habang patuloy parin na tumutulo ang luha sa kaniyang mata.

Ilang minuto silang natahimik sa loob ng kotse.

"I'm s-sorry kasi nasabi ko i-iyon, a-ayaw ko din m-makipaghiwalay... a-ayaw kong iwa ka." Napatingin sa kaniya muli si Aziel at mabilis siyang niyakap, nang dumanpi ang katawan ng binata sa kaniya pareho silang napahikbi ng mg oras na iyon.

MIDNIGHT LOVE #7 : Lingering Beyond - COMPLETEDWhere stories live. Discover now