Chapter 14

761 17 0
                                    

Thalia POV

Tawang-tawa akong napahinto sa tapat ng Ice cream stall, sa sobrang lutang kasi niya hindi niya napansin na humingi ako ng wasabi paste tapos hindi pa niya napansin na nilagyan ko iyong pagkain niya, siya lang ata nakilala kong  lalaking lutang.

"Miss bili kana," sabi sa akin ng tendero ng isang ice cream, ito iyong ice cream na parang nakikita ko na gustong-gusto ng mga bata, sa totoo kang gustong-gusto ko talaga ito i-try kahit sinasabi nila madumi daw pero hindi naman ako naniniwala doon paano naging madumi naghahanap buhay ng maayos ang tendero.

"Sige po, magkano po?" Tanong ko habang hinuhugot ang pitaka ko sa aking bag.

"May limang piso, sampu meron ding labinglimang piso," sabi niya. Wait ganoon kamura? Napatingin ako sa aking pitaka wala manlang akong ka barya barya naku paano ito?

Napangiti ako nang may makuha akong limang daan dahil iyon lang talaga ang meron ako. Inabot ko iyon sa tindero.
"Naku miss wala akong ipangbabarya diyan," sabi niya. Ayaw tanggapin ang binibigay ko pero umiling lang naman ako sa kaniya.

"No po kunin niyo na bigyan nyo nalang po ako ng dalawang tag fifteen," sabi ko. Natigilan naman siya. Hindi makapagsalita pero pilit kong inabot sa kaniya iyong pera kaya wala siyang nagawa kung hindi gawan nalang ako.

"Gusto ko po iyong isa chocolate flavor tapos iyong isa cheese," sabi ko. Masaya naman siyang sumunod. Matapos non natapos na din siya sa pagtakal kaya nakangiti kong kinuha iyon. Nagpasalamat pa kami sa isat-isa bago ako naglakad saktong naaninag ko ang katawan ni Aziel na palapit sa direksyon ko. Kumaway ako gamit ang kamay ko na may hawak na ice cream, nagbabakasakali na nakalimutan na niya 'yong pinaggagawa ko kanina.

Nang makalapit siya pansin ko parin ang sama ng tingin niya sa akin, hindi ko maiwasan na magkibit balikat bago inilahad ang ice cream na binili ko sa harapan niya dahilan upang mapahinto siya sa dapat pagsalita.

"Ano iyan pangpalubag loob?" Tanong niya habang masama parin ang tingin. Hindi ko naman pinansin ang sinabi niya saka nalang ako nag-enjoy sa ice cream na hawak-hawak ko. Nang hindi siya makatanggap ng sagot mula sa akin wala siyang nagawa kung hindi tanggapin iyong binibigay ko.

Nagsimula ulit kaming naglakad ngunit habang naglalakad kaming dalawa bigla siyang nagtanong sabi niya "What flavor is this?" Sabag dila niya dito kumurba ang ngiti sa aking labi

"Breast milk-" hindi pa ako natatapos sa aking sinasabi ng bigla nalang siyang dumura, hindi ko mapigilan ang aking halakhak nang ginawa niya iyon, hindi lang pala siya lutang uto-uto din.

Masamang tingin ang binigay niya sa akin nang maiangat na niya ang kaniyang mukha. Kaya nagsalita ako "Anong klaseng tingin yan? I'm just kidding, kahit tignna mo may cheese d'yan," sabi ko. Doon naman siya napatingin sa ice cream na nasa cone bago niya kinain ulit iyon hindi ko alam ang nasa isip niya pero madilim ang nakapalibot sa kaniya, mukhang nagalit to talaga siya.

"Hey wait let me sit first," sabi ko. Ang sakit na din ng paa ko sa boots na suot ko, may takong din kasi siya kaya wala sasariling tinanggal ko iyon, wala naman akong pakealam kung tignan ako ng mga tao hindi naman nila nararamdam nararamdama ko hindi ba.

Napaangat ang aking tingin nang matapos ko nang tanggalin boots. Napakaliwalas kasi, nasa batanggas parin kami siguro mamaya-maya uuwi na din kami hindi ko ba kasi alam nakain ng kasama ko at pinilit pa niya ng napakalayong lugar sa trabaho niya, sabagay kung may sayad ka nga naman sa utak walang makakapigil doon.

Naalis ang tingin ko sa kalangitan nang bigla akong nakaramdam ng kung ano sa tabi ko, naging alarma ako. Nanlaki ang aking nata nang makita ko si Aziel hawak-hawak na ang boots ko ngunit natigilan din siya dahil sa biglaang tingin ko, sinamaan ko siya ng mata para patigilin sa kung ano mang balak niya, ang akala ko gagawin niya ang gsuto ko o matatakot siya sa dating ng tingin ko pero akala ko lang pala iyon.

Gumihit ang mapaglarong ngiti sa kaniyang labi bago daliang lumayo sa akin, buhat-buhat ang boots ko.

"Hoy! Anong gagawin mo dyan?! Kung gusto mo ng ganyan bumili ka ng sayo!" Sigaw ko pero tumawa lang naman siya sa hindi kalayuan bago tumalikod at mabilis na tumakbo. Nanlalaki ang matang kumaripas ako ng takbo pero napapahinto ako dahil sa init ng semento na naaapakan ko. Bwesit talaga siya, maabutan ko kang siya iaalay ko siya sa kung sino mang halimaw sa kagubataang ng hindi ko na siya makipa kahit kaylan!

Tumingin ako sa paligid, pansin ko naman ang tingin ng mga tao sa akin dahil nakayapak talaga ako ngunit nang makita ko ang entrance ng parking lot pumasok ako doon pero nagulat nalang ako nang bigla akong hinarang ng guard.

"Miss bawal pulibi dito," tawa ng dalawang guard. Sumama ang aking tingin, wala sa sariling sinapak ko ang mismong nagsalita na iyon.

"Violation iyang ginawa mo miss paano kung mag demanda kami?" Sabi ng kasamahan niya. Nanatiling  masama ang aking tingin.

"Gawin niyo, wala akong pake!" Nilabas ko ang aking pitaka bago ko sa kanila hinagis iyong Cheque na naglalaman ng sampung libo

"Oh ayan entrance ko nakakahiya naman sa inyo," sabi ko. Napansin ko silang natigilan pero hindi ko nalang sila pinansin. Naglakad ako papuntang parking lot, hinanap iyong kotse ng lalaking bwesit sa buhay ko.

Nang mismong nakita ang kotse niya agad kong kinatok 'yong bintana, tapat ng driver seat. Agad naman niyang binuksan ang pinto, akma na sana siyang tatawa nang bigla kong hinablot ang kaniyang buhok dahilan upang mapadaing siya.

"Bakit mo ako pinatakbo ng nakayapak ha!" Sigaw ko habang binabayulente ko ang buhok niya. Naramdaman ko naman na pinipigilan niya ang pulsuhan ko.

"Pinakain mo ako ng wasabi bayad lang iyon!" Sigaw niya pabalik dahilan upang mas lalong mag-init ang ulo ko. Wala akong pakealam kung mapunit anit niya.

Maya-maya lang ay pareho kaming natigilan nang bigla niyang napalakas ang hila niya sa kamay ko dahilan upang magtapat ang aming mukha. Hindi pa ako nakakapag-react ngunit ramdam ko na ang kaniyang hininga sa sobrang lapit ng mukha niya.

Pareho kaming natauan nang may marinig kami sa bandang gilid ng sasakyan niya.

"Mommy are they kissing?"

MIDNIGHT LOVE #7 : Lingering Beyond - COMPLETEDWhere stories live. Discover now