Chapter 01

3.6K 44 7
                                    

"Lia where are you right now?" tanong ng isang pamilyar na boses galing sa telepono.

Nabuburyong na tanong niya, "Bakit nanaman?" Kakatayo lang din kasi nito sa kaniyang kama at kasalukuyan nang nagla-lakad papuntang ibaba para tumuloy sa kanilang kusina.

Sabi niya, "I'll fletch you." napahinto sa pagla-lakad si Thalia dahil sa narinig.

"Ano? Bakit? Para saan?" tanong niya ng sunod sunod. Nakakunot na din ang kaniyang noo sa mga oras na iyon. Sinusubukang balikan ang alala kung para saan ang sinabi ng kaibigan sa kaniya.

"Diba isasama kita sa private island na sinasabi ko?!" sabi nito, halata sa boses nito ang pagka-taranta dahil hindi matandaan ni Thalia ang pinag-usapan nila, handa na din ang lahat ang kulang nalang ay ang sunduin ang dalaga.

Napanganga naman sa gulat si Thalia dahil sa narinig, "Teka lang hindi naman ako pumayag ah!" sabi niya, natataranta na din dahil marami pa siyang iniisip ng kung ano-anong bagay at walang panahon upang umalis.

Natatawa namang sumagot Finlay sa kaniyang reklamo at sabi niya, "Sige na....I don't have anyone who will go with me there. I need to talk to the owner of the island pero paano ako pupunta kung wala akong kasama." Napairap na napailing si Thalia dahil dito. Alam niyang gumagawa lang ng dahilan ang binata dahil kaya naman nitong pumunta kung saan ng walang kasama tapos ngayon tila ba'y para itong bata na nagma-makaawa sa kaniyang ina na samahan siya sa islang iyong.

"Lay kakadating ko lang kahapon dito sa bansa, may jetlagged pa ako at saka hindi ako pwedeng umalis alam mo naman na kalagayan ko diba?" sabi niya. Ang katotohanan kagagaling lang niya sa ibang bansa ng nakaraang araw umuwi siya ng biglaan dahil sa kaniyang ama ngunit ngayon nalamang ok naman na ang kalagayan ng kaniyang ama ngunit kasalukuyan parin nakahimlay sa hospital.

Napag-desisyon din niya na manatili nalang at wala ng balak umalis pa, mas nag-aalala siya sa kalagayan ng ama niya ngayon at hindi na balak iwan pa ito. Sa ngayon mas kailangan siya ng nag-iisang pamilya niya.

"Please just this one," pilit niya. Napabuntong hininga nalang si Thalia dahil doon.

"Ok. Fetch me up," pag-suko niya. Wala namang masama kung sasama siya, siguro mas makakapag-pahangin pa ang kaniyang isip kapag umalis siya lalo na't isla din ang pupuntahan nila.

"Great!! I'm already outside your house," excited niyang sabi sa kabilang linya. Nanlalaki naman ang matang sumilip sa bintana si Thalia, dumudungaw at doon niya nakita ang itim na sasakyan na nakaparada sa tapat ng kanilang gate.

"Agad?!!" sigaw niya. Sabay takbo palabas sa kanilang bahay doon niya nakita ang binata na kasalukuyang nakatayo sa kaniyang kotse nakaguhit dito ang malapad na ngiti nang masilayan si Thalia.

Ilang buwan na din silang hindi nag-kita dahil mas nauna itong dumating sa pilipinas. Nagka-kilala sila sa ibang bansa dahil sa isang fashion show at unang nag first move ang binata na makipagusap sa kaniya ng araw na iyon dahil si Thalia ang nagayos ng model na hawak ni Finlay. Si Finlay ay isang chairman sa sarili niyang kompanya bata pa ito para tawagin chairman ngunit wala na siyang magulang at sa kaniya naibigay lahat ng pamana ng magulang bago sila mamatay dahil sa aksidente at maaga din siyang naging chairman.
Hindi na umabot sa puntong naging president ito o ceo dahil daliang angat agad siya habang ang nakababatang kapatid ang ceo ng kompanya sila ang nagma-manage sa artist company sa bansa.

"Let's go."

"Anong let's go? Nakita mo bang hindi pa ako nakakaligo at saka hindi pa ako nakakagayak ng gagamitin ko?
!" Napasimangot naman si Finlay dahil dito.

"May damit na akong binili. All you can do is to go and take a bath," sabi ni Finlay ngunit nakatingin lamang ang dalaga sa akniya na tila ba'y naguguluhan ito.

MIDNIGHT LOVE #7 : Lingering Beyond - COMPLETEDWhere stories live. Discover now