Chapter Three: Hardheaded vs Hardheaded

Start from the beginning
                                    

"Huwag po kayong mag-alala, Nana Tonya, kaya kong i-tolerate ang katigasan ng ulo niya. Subukan lang niyang magloko, talagang makakatikim siya sa akin."

Natawa ng malakas ang matanda. "Gusto kitang bata ka!"

Bitbit ko ang almusal ni Riley nang maabutan ko ang dalawang katulong na nagtatalo sa tapat ng kuwarto ng binata.

"Ikaw na!" sabi ng isang katulong.

"Ikaw na lang!" turo ng isa.

"Ayoko, baka masigawan na naman ako ni Sir."

"Ako na'ng gigising sa kanya," prisinta ko.

Nagulat ang dalawa sa pagsulpot ko. "Kayo pala. Ma'am Samantha!" 'Lenny' yata ang pangalan nito. Lumapit siya at akmang kukunin ang dala kong tray.

"No! Kaya ko na ito. Pakibukas na lang ang pinto."

Agad namang sumunod ito. "Sigurado po ba kayo, Ma'am? Bigla na lang pong nagbabagong-anyo si Sir Riley kapag naiistorbo sa pagtulog."

"Nagbabagong-anyo rin ako kapag nasisigawan."

Napahagikgik sila sa sinabi ko. Akala siguro nila ay nagbibiro ako.

"Goodluck po," pahabol ni Lenny nang tuluyan akong makapasok sa loob.

Nadatnan ko si Riley na natutulog pa rin sa ibabaw ng kama. Inilapag ko muna ang bitbit na tray bedside table bago ko siya nilapitan.

"Hey, sleepyhead! Wake up!"

Pumihit si Riley paharap sa akin, pero nanatili pa ring tulog. Guwapo sana, panira lang ang mahaba at malagong balbas.

Muli ko siyang ginising. "Baby... honey... sweetie... darling... huy!" Lahat na yata ng klase ng endearment ay nasabi ko na pero himbing na himbing pa rin siya.

Buhusan ko kaya siya ng malamig na tubig? Nang bigla na lang ngumiti si Riley. Nananaginip siguro ang loko!

But to my surprise, umaangat ang kamay niya at marahas akong hinila sa braso. Bumagsak ako sa ibabaw ng katawan niya at bago pa ako makakilos, mabilis na pumulupot na ang mga braso niya sa katawan ko. He reversed our positions instantly. Ilang pulgada lang ang layo ng mga mukha namin.

Hindi agad ako nakakilos sa sobrang pagkabigla. Then Riley opened his eyes. Mukhang doon lang siya tuluyang nagising nang maramdaman ang katawan ko sa ilalim niya. Mabilis na kumunot ang kanyang noo.

"Who the hell are you?"

Doon lang ako nagkalakas ng loob na itulak siya palayo at mabilis na bumangon.

"I said, who are you?" gulat na gulat na tanong niya.

"I couldn't find my voice. My heart was beating so fast that I could hardly breathe.

"Hindi ka ba magsasalita? N-Nana Tonya!"

"I-it's me..."

Tila natigilan si Riley nang marinig ang boses ko.

"Samantha? Akala ko..."

Invisible Girl  (Reprint under LIB) Where stories live. Discover now