Chapter 09: Closer

Start from the beginning
                                        

"Jusko, lord! Chill lang!" pagbibiro ko kahit muntik na talaga akong ma stroke dahil sa gulat.

Marahan naman itong ngumiti at nag-iwas ng tingin.

SO YUN NA 'YUN LORD?

ANO BA TALAGANG SAGOT?

YES OR NO?

Tumikhim ako at naglipat nang tingin, napagdesisyunang maglakad patungo sa pinaka-harapan ng classroom. "Oh, sige. Ganito nalang." pagbasag ko sa katahimikan at nagsimulang magsulat sa blackboard. "Harris... Fienes... Audition...!" pagbasa ko sa aking sinulat at nilingon ulit siya. "Ako na ang magju-judge sa'yo."

"Wala yung gitara ko dito, ma'am." sagot nito at nagkibit-balikat.

Inirapan ko siya. "Edi kumanta ka nalang."

"Ano namang kakantahin ko, ma'am?" tanong uli nito.

Napabuntong-hininga ako. "Hala siya! Ikaw lang ang nakakaalam nun!" reklamo ko. "Piliin mo na lang kahit anong gusto mo."

"Eh, pano ba yan? Ikaw yung gusto ko?"

Doon ay nabitawan ko ang blackboard- I mean yung pentlepen. Hindi makapaniwala sa sinabi niya.

"Joke lang 'yun."

"Ayos ng joke mo, ah?" Tsk.

"Kala mo siguro totoo, noh?" biro nito at biglang humalakhak sa tawa. Hala 'tong lalakeng 'to, masyadong nagiging komportable. Hindi niya yata alam may pagka demonyita rin ako. Siguro konti pero meron pa din, noh.

Marupok ka lang talaga, Cinth. Rinig kog bulong ni Hope sa ulo ko. Isa nalang, Hope. Isa nalang talaga.

"Tama na yung biro, serious mode na." seryosong banggit ko at itinuro pa ang nakasulat sa blackboard. Hindi na ito umimik pa at nakinig na lang na parang bata. "So anong kakantahin mo?"

Ngumiti ito at huminga ng malalim. "I Won't Last A Day Without You by Carpenters- para naman kiligin ka." pagbibiro ulit nito.

Inirapan ko siya. "Imposible yan."

"Pogi masyado yung Khai, noh?" pagpaparinig niya. Doon ay nag-init uli ang aking pisngi at dali-daling tumalikod para hindi niya iyon makita. Tsk.

"Kumanta ka nalang! Konti nalang oras na'tin dito, tsk." angal ko habang nakatingin sa blackboard, nakatalikod sa kanya.

"W-wag kang tumingin, ha?" biglang ani nito. Napakunot ang noo ko, nagtataka dahil sa request niya. Hinarap ko siya at inirapan niya ako. "Oy! I said don't look!"

"Baket naman?" nagtatakang tanong ko.

Rinig ko ang pagbuntong hininga nito, bakas ng hiya sa mukha niya at tumalikod palayo sa 'kin ngunit nakaupo pa rin sa lamesa.

Abnoy yata 'tong lalakeng 'to... Nagagawa pang mahiya pagkatapos nung ginawa niya kanina. Tsk.

Tumikhim muna ito bago siya nagsimula. Nanindig ang aking balahibo dahil nagsimula pa ito sa pag hum. Ang taray ng lalakeng 'to. Kakaiba talaga pag serious mode.

"Day after day... I must face a world of strangers... Where I don't belong, I'm not that strong..." pagkanta nito, hindi ko mapigilang mapatitig sa kanyang likuran habang nakikinig sa boses nito. "It's nice to know that there's someone I can turn to... Who will always care, you're always there.."

"When there's no getting over that rainbow... When my smallest of dreams won't come true..." tuloy nito. "I can take all the madness the world has to give... But I won't last a day... without you~"

Hindi kalaliman ang boses niya ngunit maririnig mo talaga kung gaano ito ka husky. May pagka malambot din ang tinig niya na malapit-lapit sa boses ni Ed Sheeran.

"If all my friends have forgotten half their promises... They're not unkind, just hard to find..." pagtuloy nito sa kanta. Nanatili akong nakatayo sa harap ng blackboard habang naka cross-arms. "One look at you and I know that I could learn to live... Without the rest, I've found the best." hindi ko namalayan na nagbe-beat na pala ito gamit ang lamesa niya. Aba, creative.

"When there's no getting over... that rainbow..."

"May pa smile smile ka pa d'yan, Cinth, ah?"

Nagulat ako dahil sa may biglang nagsalita sa labas ng bintana na katabi ng pintuan. Hindi ko akalaing makikita ko pala dito si Philip. Kinunotan ko siya ng noo at sinenyasan siya na umalis.

"I can take all the madness... The world has to give... But I won't last a day without you~" tuloy ni Harris, parang hindi man lang narinig ang boses ni Philip.

"Wetwew." dagdag pa ni Philip at pinalakas pa iyon.

Doon ay biglang nag-init ang ulo ko at napagdesisyunang lapitan siya. "Philip, pwede ba?" buntong-hininga ko. "Tumahimik ka muna, please."

"Nag-eenjoy ka masyado, noh?" sarkastikong ani nito at ngumisi pa sa 'kin.

"Done!" maligayang ani ni Harris at nakangiting lumingon sa 'kin ngunit bigla itong nawala nang napatingin siya sa direksyon sa labas ng bintana.

"S-sige! Nice, nice! Wait lang, ha? May kakausapin muna ako!" sagot ko sa kanya at sinenyasan siyang mag-stay muna ngunit hindi naman ito sumagot. Sininghapan ko si Philip at humalakhak naman ito sa tawa.

Binuksan ko ang pinto at muli itong sinirado paglabas ko sa classroom, sinilip ko muna ang loob bago sinagot si Philip.

"Philip, trip mo talagang mang disturbo, noh?!" galit kong sagot at binatukan ito.

"Galit ka nanaman, mommy." pagnguso nito.

Napahipo ako sa ulo ko. "Aba- Isa nalang talaga, Philip, ha? Tawagin mo pa akong ganyan talagang-"

"Talagang ano?" sambat nito.

"Sasapakin talaga kita!" nanggigigil kong ani at hinawakan ang kwelyo niya.

"W-woah, chill, mommy! Pinapakilig mo naman ako. Woo!" pagbibiro nito at pinaypay pa ang sarili niya.

Saktong-sakto ay biglang bumukas ang pinto at duon ay bumungad sa min ang walang ekspresyong mukha ni Harris. Agad kong binitawan ang kwelyo ni Philip at inayos ang posisyon ko.

"You didn't have to close the door." seryosong ani nito. "Unless... it's something important, hm?" dagdag nito at tinignan si Philip galing ulo hanggang paa.

"Of course, its important dude. It's my privacy with Cinthie!" sagot naman nitong monggoloid na katabi ko. In-english pa. Binatukan ko ulit siya, "Aray!"

"You're just a friend anyway. I don't think friends need that much privacy, do they?" sambat ni Harris at diniin pa ang salitang friend. Naramdaman ko ang pagtigil ni Philip at binigyan pa ako ng gulat na tingin. Tumikhim ako at napadaan sa tawa ang sitwasyon.

"Ahaha! Haha! Oo nga! Friends lang! Haha!" sagot ko at nilingon pa si Philip para bigyan ito ng thumbs-up, ngunit nagtaka ako nang inihawi niya palayo ang aking kamay at hindi na ako tinignan pa. "H-huy! Anong problema?!"

Naglakad ito papalayo sa 'kin na hindi man lang ako tinitignan kaya doon ay nakaramdam ako ng taranta.

"Huy abnoy!" tawag ko ulit sa kanya.

Nagdadalawang-isip kung susundan ko ba yung monggoloid na 'yun o hindi. Nilingon ko pa si Harris at napansin kong hindi man lang ito nakatingin sa 'kin.

Huminga ito ng malalim, "It's alright. You can go."

"E-eh, pano ka na?"

Nilingon niya ako, "Gusto ko na munang mapag-isa." seryosong ani niya tsaka tumalikod at bumalik sa loob ng classroom.

Napabuntong-hininga ako at hinawi ang aking buhok.


Ba't ang ginaw na naman?







IF NOT US | ON-GOINGWhere stories live. Discover now