Buti na lang at nandito ang anak ko para pasayahin ako kahit na ang wasak ang puso ko... I'm very thankful that He gave us her to me...

Namulat ako sa realidad nang magring ang phone ko... Kinuha ko agad ito at baka magising pa si Chloe..

"Hello?" Sagot ko sa tawag na unregistered number

"Is this Jelo Smith?" Tanong ng isang matandang lalaki

"Yes, speaking"

"Jelo, this is Rodolfo, Zoona's Tito. If you don't mind, Can I ask you something?"

Napatayo ako at lumabas ng bahay para kausapin si Tito Rude...

----
-----

Zoona's POV

Nasa Shutay Company ako ngayon at pinag-uusapan ang contract ko dito sa Pilipinas. It's so good to be home again!

"How are you na Zoona? You're so gorgeous" tanong ni Tito Rude.

"Okay naman tito. Mejo nagbago na ang lahat sakin, dahil nga sa career ko" nakangiti ko namang sabi sa kanya.

"How's Jelo?" Natigilan ako sa tanong niya.

Hindi pa kami nagkikita simula nang dumating kami dito.

Ngumiti ako "hindi ko po alam tito. Hindi pa kami nagkikita"

Yes, hindi na ako bitter. Ulit, nakamoved-on na ako. I assure you that. I'm so happy with my life now...

"Gusto mo ba siyang makita?"

"If gusto niya po, eh di okay. I don't mind naman po tito" buong tapang kong sabi

"Well, yan ang gusto mo" kumunot naman ang noo ko at may tinawagan siya sa telepono.

"Lanie, papasukin mo na ang bagong model" ani niya sa intercom

What? Who? May bago siyang talent? I didn't know...

Biglang bumukas ang pinto at agad akong tumingin sa taong papasok. Natigilan ako at nagulat syempre.

"Hi Mr. Smith, how's life?" Bati naman ni Tito Rude.

Yep, si Jelo ang new model. Nabasa ko sa contract na may makakasama ako sa mga photoshoot pero dinedma ko na lang yun dahil okay lang naman sakin. I didn't know ngayon na sila kukuha. Pero bakit si Jelo pa?

"Doing fine" poker face niyang sagot at tumingin sakin.

Umiwas ako ng tingin at huminga ng malalim. Biglang bumalik lahat ng sakit ng kahapon.. Akala ko ba nakamove on na ako?

"Uhmm. Hi Jelo, how are you?"

Tumayo ako. Jusko! Kinakabahan ako. Nakamoved-on naman ako eh, bakit ang bilis pa rin ng tibok ng puso ko?

Nakamove on ka na nga ba?

"Hi Zoona, long time no see. You're so beautiful" nakangisi naman niyang sagot niyakap niya ako. Namiss ko ang yakap na'to.

"So I guess, alam niyo na. Kayo ang magkasama sa mga photoshoots"

Kakayanin ko ba? Pero dapat wag akong paapekto.

22 years old na ako at hindi na ako higschool student para paapekto pa sa mga ganitong bagay.

"Okay po tito"

"Sure" cool naman na sagot ni Jelo habang nakatitig pa rin sakin.

Naglalakad ako papuntang parking, tapos na ang meeting namin kasama si Jelo. I can't believe it! Wag naman na sana niya akong guluhin ang buhay ko.

"Zoona" napapitlag ako nang may nagsalita, nakasandal sa kotse ko. Si Jelo.

"Oh hi Jelo" sagot ko naman nang nakarecover ako sa pagkakagulat.

Ano ba 'to! Multo ba 'to? Paano niya nalaman ang sasakyan ko? Sinusundan niya ba ako?

Bigla na lang niya akong hinila at isinandal sa sasakyan. And he kissed my lips. Namiss ko siya. Namiss ko ang mga halik niya.

I respond to his kiss hanggang sa siya rin ang pumutol nito.

"Gawd, I miss you so much babe" sabi niya habang nakasandal pa rin kami. I can smell his breath, mabango pa rin.

Hindi pwede 'to. Tapos na ang lahat sa amin at hindi na pwede pang ibalik.

"Jelo, wala na diba? Tapos na lahat. Please, wag mo nang ibalik pa" sabi ko at papasok na sana sa loob ng kotse ko pero pinigilan niya ako.

Umiiyak siya. I can hear his sobs. Bakit Jelo? Bakit pa?

"I still love you Zoona. Please" umiiyak niyang sabi.

Wag kang papaapekto Zoona. Hindi mo na siya mahal kaya wag mo siyang pansinin. Hinigit ko ang kamay ko, pumasok na sa kotse at nagsimula nang mag-drive.

Buti naman at hindi na siya sumunod pa. Sorry Jelo pero inaamin ko, nasasaktan pa rin ako.

#

The Heartless Bitch (COMPLETED)Where stories live. Discover now