Chapter 47

231 12 1
                                    

Lisa


Hindi ko maiwasang hindi mapangiti ng palihim habang tinititigan si Jennie na abala sa pag-ihaw ng hotdog.


Iyon kasi ang magiging dinner namin sa biglaang camp na pinlano nito mag-isa.


Hindi ako prepared habang siya, alam na alam niya ang mga ginagawa niya. Pati nga sa mga kailangan naming gamit, handang-handa siya at kompleto talaga.


Lumapit ako rito at niyakap siya mula sa kanyang likuran. Malamig na ang paligid dahil sa malamig simoy ng hangin na nagmumula sa dalampasin.


Hindi ko rin alam kung paano at kailan niya nahanap ang lugar na ito, pero humahanga ako dahil alam kong safe kami at talagang perfect para sa aming dalawa ng place.


"Hmmm. Lumalambing ang mahal ko." Komento nito bago sandaling napaharap sa akin bago ako binigyan ng mabilis na halik sa aking labi.


Hindi iyon nagtagal nang muling ibinalik nito ang kanyang atensyon sa kanyang ginagawa.


"Mahal, thank you." Muling pagpapasalamat ko sa kanya. Hindi ito umimik kaya nagpatuloy ako at mas isiniksik pa ang aking sarili sa kanya.


"Thank you kasi pinipili mong manatili sa tabi ko araw-araw. Pinili mong panindigan ang pagmamahal mo sa akin kahit na minsan, kasuko-suko na ako. Kahit ang dami mong pwedeng dahilan para iwanan ako at hindi na lumingon pa pabalik, nanatili ka pa rin sa tabi ko. At palagi kang naghahanap ng dahilan para manatili. Kaya thank you." Buong puso napagpapasalamat ko sa kanya.


Inayos muna nito ang kanyang niluluto at inilagay lahat sa paper plate.


Napahinga ito ng malalim, pinagpag ang kanyang kamay bago ako tinignan ng diretso sa aking mga mata.


"Kanina ka pa thank you ng thank you." Tugon nito. "Of course gagawin ko ang lahat ng yun dahil mahal kita. Kahit na anong mahirap na sitwasyon pa ang dumating sa ating dalawa, palaging ikaw ang pipiliin ko. Ayaw ko na kaya ng iba 'no? Isa pa," Sandali itong natigilan bago ako hinaplos ng marahan sa aking pisngi.


"Mahal, hindi ko na nakikita pa ang sarili ko sa future ng wala ka. Get's mo ba 'yon? Kung hindi ikaw ang makakasama ko, mas mabuti pang tumanda na lang ako ng dalaga at mag-isa." Pagpapatuloy niya kaya mas lalo akong nagiging emosyonal at tuluyan na ngang napaluha.


"Isa pa, walang silbi ang pagtibok nito," Sabay turo nito sa kanyang dibdib kung saan ang kanyang puso, "Kung hindi ikaw ang nandiyan. Kung papalitan kita riyan, pakiramdam ko ikamamatay ko. Kasi sa'yo lang ito titibok ng ganito at mananatiling sa'yo lang ito." Dagdag pa niya.


"Kasi ang hirap-hirap kong mahalin." Parang bata na napapalabi ako sa kanyang harapan.


"Alam kong ang hirap kong mahalin. Minsan nga natatakot ako na baka bigla mo na lang akong sukuan, bigla ka na lang mauntog o mahimasmasan na hindi talaga ako ang gusto mong makasama. Bigla mo na lang akong sukuan, bigla kang mapagod, baka hindi mo kayanin na i-handle ako sa dulo." Dagdag ko pa.


Lumapit ito sa akin at niyakap ako. Iyong yakap na alam niyang tatahan ako, 'yung alam niyang magiging panatag at kakalma ako.


Kay Jennie ko lang talaga naramdaman ang ganitong kapanatagan noon pa man.


Kahit noong nobyo ko pa man si Brent, si Jennie lang ang nakakapagpakalma sa akin ng ganito. Para bang sadyang iginuhit ng mga tala ang pangalan naming dalawa, na kahit na may makilala pa man kaming iba, palagi kaming babalik sa isa't isa, palaging si Jennie lang ang lilingunin at hahanap-hanapin ko, wala ng iba.


Hinawakan ako nito sa aking kamay at hinigit palapit sa may tent kung saan pwede kaming maupo na dalawa. Nauna itong maupo bago pinagpag ang bakanteng space sa kanyang tabi. Naupo rin ako rito.


"Alam mo mahal, wala namang hindi mahirap sa isang relasyon. Sabi mo mahirap kang mahalin? So, what? Edi paghihirapan ko, pagtitiyagaan kita, I'll be patient and gentle for you in everyday." Hinawi nito ang ilang hibla ng buhok kong humaharang sa mga mata ko.


"Kaya 'wag ka ng mag-iisip ng kung ano riyan. Hindi kita susukuan. At normal lang naman ang mapagod, 'di ba? Parte 'yun ng relasyon, lahat tayo napapagod. Tao lang tayo, pero ang importante, walang mang-iiwan at walang maiiiwan." Muling niyakap ko siya ng malambing.


"Thank you, talaga." Muling pasasalamat ko. "At 'wag mong kalilimutan na gano'n din ako sa'yo ha?" Dagdag ko pa. "Tatalikod man ako sa'yo sa mga oras na napapagod na ako, hindi ibig sabihin no'n suko na ako, dahil pagkatapos ng ilang minuto, muli akong babalik sa'yo at palagi kong ipagpapatuloy ang laban ng buhay kasama ka."


Napangiti ito at binigyan ako ng isang matamis na halik sa noo.


"I love you so much, my Lisa." Naluluha na rin na sabi nito. "Ayan tuloy naiiyak na rin ako. Ikaw kasi eh!" Sabay pahid nito ng luha na pumatak sa kanyang pisngi.


"I love you more my, Jennie! At ikaw ang paulit-ulit kong hiling na maging akin lang." Pagkatapos ay marahan na inilapat ko ang aking labi sa kanya na agad niya rin namang ginantihan.


I even felt her smile between our lips!


Gosh! I am so in love with this girl.


Hindi man perpekto ang relasyon, at hindi man palaging masaya lang, hangad ko na sa bawat sandali ng aking buhay ay siya ang taong makakasama ko. Ang nag-iisang tao na hahawak sa mga kamay ko sa tuwing hinahamon ako ng mundo. Ang nag-iisang tao na pangarap kong makatabi ko oras na maabot ang mga pangarap ko.


Mahal na mahal ko, si Jennie, at wala na akong balak pang bitiwan o pakawalan siya. Because I don't think na makakahanap pa ako ng ganitong pagmamahal.


Alam kong hinding-hindi ko na ito mahahanap sa iba at si Jennie lang ang bukod tanging makapagbibigay ng ganoon sa akin.


Habang siya lamang din ang nag-iisa na gusto kong paglaanan ko ng lahat sa akin, ng buong puso kong pagmamahal.

The Girl I Love The Most (JENLISA GirlxGirl) COMPLETEDDonde viven las historias. Descúbrelo ahora