Chapter 18

249 15 3
                                    

Nami


I just can't help but smile like an idiot here!

Sino ba naman ang hindi ma-go-good mood sa nangyari?

Ewan ko rin sa sarili ko kung anong pumasok sa aking isipan at basta ko na lamang sinundan si Jennie kanina sa CR.

Nakita ko tuloy ang hindi dapat makita.

But, f*ck!

Mabuti na lamang at ubod ng lakas na ibinigay ko ang aking self control dahil kung hindi, baka basta ko na lamang siyang nahalay kanina nang disoras.

Kung bakit ba naman kasi hindi siya nag-lo-lock ng cubicle.

Hindi na kasalanan ng mga mata ko kung aksidenteng tumama ang mga ito sa kanyang--- a-ano, kuwan...ah basta!

Pffttt!

I could feel the blood rushing to my face and the redness of it when I remembered her innocent face!

Damn!

Jennie is so cute! And--- her baby.

Iyong bagay sa ibabang parte ng kanyang katawan na hindi ko dapat nakita.

I swallowed hard and laughed softly habang para bang nababaliw na ako sa paningin ni Miyuki.

Nandito kasi kami ngayon sa isang Japanese restaurant kasama ang kanyang parents na hanggang ngayon ay abala sa kanilang kausap sa Zoom meeting.

Napapailing na lamang si Miyuki habang tahimik na tinitignan ako.

Ngunit masyadong masaya ako ngayon para pansinin siya.

Kagat labi na napalunok ako at muli na namang napatawa ng mahina dahil sa hindi talaga mabura-bura sa aking isipan ang reaksyon ni Jennie kanina.

Isa pa, kahit na nakita kong naglapat ang labi nila ng kanyang best friend ay hindi ako masyadong apektado.

Alam ko naman kasi na aksidente lamang iyon.

Yes! Nakita ko kung paano siya sinalo ni Lisa kanina ngunit dahil masyadong madulas ang sahig kaya pati ito ay na out of balance din.

Hindi nagtagal ay naramdaman ko na lamang ang pagbato ni Miyuki ng tissue napkin sa aking mukha.

"Pwede bang kumain ka na lang?" Saway nito sa akin.

Siguro kung nasa normal kong mood ako ngayon, sinakal ko na itong pinsan ko. Pero dahil masyado akong masaya kaya pagbibigyan ko siya.

"Masyadong maganda ang mood ko para mainis mo." Komento ko at nagsubo ng steak na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nauubos.

Napairap ito sa akin.

"Yeah. You seem to be in a good mood right now." Pagsang-ayon nito sa akin.

Napatango ako. "Yes!" Malawak ang ngiti sa sagot ko sa kanya bago napainom ng wine.

"At busog na ako." Dagdag ko pa bago napa haplos sa aking flat na tyan.

"Agad?" Gulat na gulat na tanong ni Miyuki. "Eh tatlong subo lang yata ang nagawa mo ah!"

"Ah huh?" Sagot ko sa kanya. "Ayaw kong tumaba, ano?" Sabay irap ko sa kanya at nagbaling ng tingin sa labas ng restaurant kung saan glass ang buong paligid at makikita mula rito sa loob ang mga dumadaan mula sa labas na mga tao.

Mabilis pa sa alas kwatro na nahagip ng aking paningin ang dumaan na si Jennie.

Hindi ako magkakamali.

The Girl I Love The Most (JENLISA GirlxGirl) COMPLETEDWhere stories live. Discover now