Chapter 40

248 16 4
                                    

Lisa


Hinintay ko pa na lumipas ang isang linggo bago ako tuluyang nagpasyang kausapin na si Jennie. Sa tingin ko kasi kinailangan ko pang kumuha ng maraming lakas ng loob para muling harapin ito.

Ayoko rin kasi sanang humarap sa kanya na magulo pa rin ang aking isipan. Gusto ko sana iyong maayos na ako, maayos na ang takbo ng aking isipan, maayos na ang lahat-lahat sa akin, maging ang desisyon na paninindigan ko na itong nararamdaman ko para sa kanya.

Pagkatapos kasi noong gabi na kinausap ako ni mommy, talagang nahimasmasan at natauhan ako. Ayoko na tuluyang mawala sa akin si Jennie, kaya para hindi mangayri iyon ay kinailangan ko munang pag-isipan ang lahat ng mga susunod na hakbang na aking gagawin.

Habang naghihintay na dumating ang araw na ito, ay itinuon ko na muna ang aking atensyon sa school works, cheer dance training at iba pa.

Sana sa muling pag-uusap namin o muling pagharap ko sa kanya ay mapatawad na niya ako.

Sana ngayong pwede na ang lahat para sa aming dalawa ay pwede pa siya.

Sana pwede pa.

Iyon lamang ang paulit-ulit na ipinagdarasal ko habang hinihintay ang pagkakataon na ito.

Kanina pa ako pasilip-silip sa aking cellphone, nag-aabang sa kanyang reply pero hanggang ngayon wala pa rin. Hindi ko maiwasan ang hindi mapahinga ng malalim at dismayadong nagpatuloy muli sa aking paglalakad.

I texted her na magkita kami sa isang food court malapit sa St. Wood. But I guess masyado itong busy ngayong araw kaya siguro hindi niya napapansin ang text ko.

Miss na miss ko na kasi talaga siya. Gustong-gusto ko na siyang mayakap muli.

May paiwas-iwas ka pa kasing nalalaman. Ikaw rin naman pala ang unang susuko sa pagka-miss sa kanya. Tuyo ng aking isipan kaya hindi ko maiwasan ang hindi mapairap sa loob ko.

Oo na! Kasalanan ko naman talaga. Pero masisisi niyo ba ako kung ayoko lang na pumasok sa panibagong relasyon na naguguluhan sa aking mga desisyon?

Hindi nagtagal ay nakarating na rin ako sa food court kung saan ko hihintayin Si Jennie. Kahit na abutin pa ako ng anong oras dito ay maghihintay lang ako.

Maghihintay ako.

Hapon na ngayon kaya mas marami ng mga estudyante ang nakatambay ngayon rito. Mabilis na inilibot ko ang aking paningin sa buong paligid. Naghahanap ng bakanteng pwesto na pwede ko sanang maupuan nang mabilis na may mahagip ang aking paningin.

It's Jennie.

Awtomatikong gumuhit ang ngiti sa aking mga labi. Kusa na lamang ding bumilis sa pagtibok ang aking puso dahil sa magkahalong excitement na biglang naramdaman, kaba at takot na baka this time ako na naman ang i-reject niya.

Mabilis na iwinaglit ko ito sa aking isipan.

Hindi, Lisa. Think positive. Paalala ko sa aking sarili.

You have to talk to her. You have to tell her everything, right from the beginning. You have to explain everything, why you had to push her away. You need to tell her how you really feel. You need to tell her that you love her dearly, and you don't want her to lose forever.

Napapalunok ako ng mariin at maraming beses habang patuloy pa rin sa pagkabog ang aking dibdib. Noon naman nagpasya na akong lapitan si Jennie.

Napatingin ito sa direksyon ko ngunit hindi niya yata ako nakita dahil may tumawag sa kanyang pangalan. Kasabay ng paghinto ng aking mga hakbang noong makita ko si Nami na naglalakad rin papalapit sa kanya, habang mayroong hawak na blueberry cheesecake?

The Girl I Love The Most (JENLISA GirlxGirl) COMPLETEDWhere stories live. Discover now