Chapter 13

224 18 2
                                    

Lisa


Kanina ko pa hindi kinikibo si Jennie. Hindi ko rin alam kung bakit hindi ko magawang kausapin ito ngayon. Marahil dahil sa nangyari kanina sa ilog.

I just can't help it.

Para akong hini-hypnotised ng nga mata niya kanina. Lalo na dahil sa suot nito na bakat na bakat ang hubog ng kanyang katawan.

Maging ako sa aking sarili ay hindi ko na rin ito maintindihan.

Bakit?

Bakit ko ito nararamdaman sa aking kaibigan? Sa isang babae at kay Jennie pa.

Isa iyon sa dahilan kung bakit hindi ko parin siya magawang kausapin ngayon. Kung bakit hanggang ngayon ay kumakain kaming kapwa tahimik at hindi man lamang nag uusap.

Nandito kami ngayon sa isang Filipino restaurant malapit sa bahay ng lolo't lola ko.

Plano ko sana na ipagluto ito ng dinner ngayon, ang kaso bigla nalang akong nawala sa mood. Ayaw ko naman na pakainin siya ng hindi masarap.

Tapos na ako sa pagkain nang maisipan kong kalikutin ang cellphone ko. Hindi ko rin magawang tignan ito sa kanyang mukha.

Ewan ko ba, pakiramdam ko kasi manghihina lang ako kapag magtatama na ang aming mga mata.

"Lis..."

"Are you done?" Biglang tanong ko sa kanya. Napatango ito.

"Okay." Tipid na saad ko at agad na tumayo na sa upuan. "Uwi na tayo." Dagdag ko pa at mabilis na tinalikuran na siya.

Bayad na rin naman kasi ang mga kinain namin kaya wala ng dahilan para magtagal pa.

Agad na dumiretso ako sa sasakyan at pumasok sa loob. Ilang segundo pa ang nakalipas bago sumunod si Jennie sa akin..

Noong makasakay na rin ito ay mabilis na binuhay ko na ang makina at pinasibad ito pauwi.

Six minutes away lang naman kasi itong restaurant mula sa bahay ng grandparents ko kaya mas lalong hindi na ako nag-abala pang kausapin siya.

Pagdating sa bahay ay hindi ko na rin ito hinintay pang makababa muna. Agad na dumiretso na ako sa entrance ng bahay para buksan ang pinto nang pigilan niya ako.

"Hey, what's going on?" Tanong nito sa akin sa nag-aalalang boses. "Can you please tell me?" Sabay hawak nito sa braso para iharap ako sa kanya, nang siya namang dahilan para maramdaman ko ang kakaibang pag daloy ng kuryente sa aking katawan mula sa paghawak niya.

Dahil doon ay mabilis kong binawi ang aking braso.

Sandaling nagkatitigan kami sa aming mga mata. Hindi nakaligtas sa akin ang ginawa nitong paglunok. Habang ang aking mga mata naman ay unti-unting napako sa labi niya.

Oo, sa mga labi niya na para bang hirap hindi titigan.

"Lisa, m-may nagawa ba akong mali?" Utal na pagtanong nito sa akin. K-Kanina lang kasi, excited ka pang pumunta rito tapos ngayon---"

Sa hindi malamang dahilan ay bigla ko na lamang na imagine, bigla ko na lamang nakita ang aking imahe na hinahalikan siya.

Kaya naman napalunok ako kasabay ang isang malutong na pagmura dahilan para matigilan siya.

Awtomatikong nag-unahan sa pagtaas ang aking dibdib kaya napakapit ako rito at mabilis na napaiwas ng tingin kay Jennie.

Halatang nagulat ko ito sa ginawa kong pagmura.

I don't know what's going on with me.

I can't look away from her lips!

Napasabunot ako sa aking buhok.

The Girl I Love The Most (JENLISA GirlxGirl) COMPLETEDWhere stories live. Discover now