Kabanata 13 - Pag-amin

340 11 5
                                    

AGAD  tinahak ni Arsie ang daan pauwi sa kanilang bahay. Uuwi na siya iyon ang mabisang gawin para makaiwas ng tuluyan kay Barry.
    Lakad takbo ang ginawa niya, makalayo lang nang tuluyan dito. Tahimik na ang paligid tanda ng tulog na ang halos lahat ng mga tao sa bawat bahay na madaraanan niya. Mabuti na lamang bilog ang buwan at sapat ang hatid na liwanag no'n.
    Napalingon siya bigla ng marinig ang pagtawag ni Barry sa kaniya na sinundan pala siya. Kaya mas lalo niyang binilisan ang paglakad. Ngunit hindi sapat ang kaniyang ginawang bilis sapagkat naabutan siya ni Barry.
    "Arsie, Ano ba?!" sabay hawak nito sa kaniyang kanang kamay upang pigilan nga siya.
    "Bitiwan mo ako!" aniya. Sabay hila sa kaniyang kamay. At diretso lang sa paglakad. Sige naman ang sunod at habol ni Barry sa kaniya.
    Nakuha niyang makarating sa kanilang bahay na nakasunod pa rin si Barry sa kaniya. Hindi naman kasi ganoong kalayo ang bulwagan sa kanilang tahanan. Pweding-pweding lakarin.
    Hanggang sa mabuksan ang kanilang gate ay hindi pa rin niya pinapansin si Barry. Walang mahalaga sa kaniya ngayon kung hindi ang makapasok na sa kaniyang silid at doon ay magkulong.
    "Ano ba Arsie, kausapin mo nga ako!" wika nito sa kaniya.
    "Wala tayong dapat pag-usapan!"
        Nang tuluyan sila parehong makapasok ni Arsie sa loob ng bahay ay mabilis na hinarang ni Barry ang sarili sa daraanan nito.
    "Paraanin mo ako, ano ba?! wika niya kay Barry.     
    "Padaraanin lang kita kapag sinabi mo sa akin kung bakit bigla kang nagkaganyan?"
    "For god sake, Barry!" Galit na niyang pasigaw rito. "Hindi pa ba malinaw sa iyo ha? You kiss me and I kiss you back! Isang pagkakamali iyon. Hindi ko dapat hinayaan pero nangyari. Asawa ka na ni Ate pero bakit ganito pa rin ang nararamdaman ko sa iyo. Sana hindi na lang tayo nagkita kasi!" Tuluyan bumagsak ang luha niya dahil sa inis na nadarama. 
    Pinaghahampas niya ito sa dibdib habang umiiyak. Hindi na niya napigilan ang lumuha dahil sa pinaghalo-halo nang emosiyon na nadarama. Inis at pagka-guilty para sa ate niya.
    Hinuli naman ni Barry ang mga kamay ni Arsie na patuloy ang paghampas nito sa kaniya.
    "Arsie, alam ko na mahal mo pa rin ako sa kabila ng alam mong asawa ko na ang ate mo. Aminin mo man sa hindi. Alam kong ni minsan hindi ako nawala sa puso mo kahit ten years na ang lumipas," wika nitong kababakasan ng katiyakan sa maawtoridad nitong boses.
    Natigilan si Arsie. Nasukol siya ni Barry doon. Ang pagsusumiksik sa kaniyang isipan na hindi na ito mahalaga sa kaniya ay isang kasinungalingan na itinatago niya lamang sa sulok ng kaniyamg puso't isipan.
    Ang dahilan kung bakit ginawa niya ang lahat ng paraan para makaiwas rito sa loob ng sampung taon. Ni ang kahit na anong balitang may kinalaman rito ay ayaw niyang makararating sa kaniya.
    Napakarami niyang isinakripisyo. Lalong-lalo na sa sarili niyang pamilya. Ni ultimo ang kahit na anong detalye sa pagpapakasal nito sa ate niya ay hindi niya pinag-interesan malaman. Tinuruan niya ang kaniyang sarili na maging walang pakiaalam sa mga ito.
    Tapos heto siya ngayon umiiyak sa harap ni Barry. Nabaliwala ang lahat ng ginawa niyang pagsasakripisyo nang mahabang panahon dahil lang sa muling pagkikita nila ni Barry. Kaya napilitan na siyang umamin. Nang sa gayon ay mabawasan ang dala-dala niyang pagka-guilty.
    "Oo, tama ka, dahil mahal pa rin kita!" Sigaw niyang muli rito. "Patuloy kitang lihim pa rin na  minamahal sa kabila ng lahat. Isang kabaliwan ang patuloy kang mahalin Barry sa loob ng sampung taon na lumipas pero wala akong magawa kung hindi alagaan na lamang ang pagmamahal na iyon dito." Sabay turo ni Arsie sa sariling puso. Patuloy pa rin ang kaniyang pagluha na halos mag-unahan sa pagbagsak sa kaniyang pisngi.
    "Arsie," mahinang anas ni Barry.
    Ang mga mata ni Barry ngayon ay napalitan ng kinang dahil sa narinig na pag-amin mula sa dalaga. Kaya kinabig niya ito para yakapin.
    Hindi naman tumutol si Arsie ng yakapin siya ni Barry. Tila wala na siyang lakas magpumiglas pa. Ang tanging nais lang niya ngayon ay umiyak nang umiyak sa balikat nito.
    Ganitong-ganito din sila dati. Parang tila nauulit lang ang eksena. Ang tanging kaibahan nga lanng noon sa ngayon ay ang sitwasyon na mayroon na sila.
    Hinaplos ni Barry ang buhok ni Arsie habang nakayakap siya rito. Hinayaan niya munang umiyak ito. Nahihirapan din siya sa nakikitang kalagayan ni Arsie ngayon.
    Kaya nga ipinangako niya sa kaniyang sarili na panahon na para itama ang lahat para sa kanilang dalawa. Iyon naman talaga ang dahilan ng pagbabalik Pilipinas niya.
    "Everything is gonna be okay soon, baby, soon,' ani Barry sa kaniyang isipan lamang.
    "I still love you Barry and I hate this feeling. That's why I hate my self too," mahinang saad ni Arsie sa pagitan ng pag-iyak.
     Bahagyang inilayo ni Barry ang katawan sa dalaga at hinuli ang paningin nito. Pinahid ng hinlalaki niyang daliri ang mga luha ng dalagang patuloy sa pagbaksak.
    "Mahal kita Arsie mula noon hangang ngayon. Wala namang nagbago sa nararamdaman ko rin sa iyo sa kabila ng lahat."
    Gusto niyang magdiwang sa narinig na iyon mula kay Barry pero bakit ngayon lang nito iyon naisip sabihin sa kaniya. Kung kailan ang dami ng nagbago.   
    Nadarama ni Arsie ang katotohanan sa winika ni Barry. Dahil kahit noon pa naman ay alam niyang siya talaga ang mahal nito at hindi ang Ate Emellia niya. Napailing na lang ang dalaga.
    "Pero iba na ang sitwasyon natin ngayon. Hindi na tayo puwedi parehas man tayo ng nararamdaman pa hanggang ngayon, hindi ba?"
    Sinapo ng dalawang palad ni Barry ang magkabilang pisngi ni Arsie. "Tsaka na natin isipin ang mga iyan, baby. Hayaan mong ipadama ko sa iyo ang pagmamahal na matagal mo ng hinahangad mula sa akin. Siguro naman panahon na para tayo naman ang lumigaya, hindi ba? Dahil iyon naman tlaga ang dapat," madamdamin nitong aniya sa dalaga.
    Kumabog ang dibdib ni Arsie sa sinabi ni Barry. Pero sa kabilang banda ay nasabi niya sa kaniyang sarili na panahon na nga siguro para siya naman ang lumigaya.
    Tama marahil ang sinabi nito na sila naman ngayon ang dapat lumigaya. Kahit ngayon lang.
    Nang ilapat ni Barry ang mga labi sa kaniya ay walang pag-aatubili niyang sinalubong iyon. Tinumbasan niya ang halik na iginagawad nito sa kaniya.
    Sa pagpikit ng kaniyang mga mata, kasabay niyon ang piping paghingi ng tawad sa kaniyang Ate Emellia.
    'I'm sorry Ate Emellia pero gusto ko lang din naman ang lumigaya sa piling ni Barry kahit ngayon lang.'
    Kinalimutan niya nang tuluyan ang lahat ng inhibisyon na pag-aalinlangan sa mangyayari ngayong gabi. Ang tanging mahalaga sa kaniya ngayon ay madama ang init ng pagmamahal ni Barry.
    Sa pagitan ng bawat halik nila sa isa't isa ay dama nila ang pagkasabik. Ang bawat halik ay mainit nila parehong tinitugon.
    Ang mga kamay ni Barry na malayang naglakbay patungo sa dibdib ng dalaga na natatakpan pa ng saplot. Minasa-masahe iyon. Gumapang na rin ang mga labi nito patungo sa makinis na leeg ni Arsie at kung minsan ay sa bandang tainga nito.
    Sa mga haplos at halik na iyon ni Barry ay tila mas nag-init na si Arsie. Sabik sa mga susunod pang ipadarama nito. Kaya mas humigpit pa ang pagkakayakap niya rito.       
    Dahil sa sensasyon na nararamdaman ay hindi namalayan ni Arsie kung paano siyang nagawang madala ni Barry sa mahabang soffa sa kanilang sala at doo'y maihiga.
    Tumayo si Barry sa kaniyang harapan upang hubarin ang lahat ng sariling saplot sa katawan nito. Sa malamlam na kulay kahel  na liwang na nagmumula sa kanilang iilang bukas na ilaw sa kanilang sala ay malaya niyang nakita ang perpektong hubog ng katawan nito.
    Maging ang nakahindik na nitong pagkalalaki ay hindi pahuhuli sa tikas. Lihim siyang napalunok dahil doon at nasabik na madama iyon sa kaniyang pagkababae
    Matapos nitong makapag-hubad ng sariling saplot ay siya naman ang isinunod nito na tanggalan ng kasuotan. Tila siya batang paslit na inaalisan nito ng kasuotan isa-isa.
    Nang tagumpay na nitong naalis iyon. Nakita ni Arsie ang labis na paghanga sa mga mata ni Barry ng pasadahan nito ng tingin ang kaniyang kabouan.
    Muling sinungaban ang kaniyang labi at doo'y nag-umpisang galugarin ng dila nito ang  loob ng kaniyang bibig. At sa tuwing nasusukol nito ang kaniyang dila ay bahagyang sinisipsip iyon ni Barry.
    Gumapang ang labi nito pabaybay sa kaniyang leeg pababa sa kaniyang dibdib. Dinunggol-dunggol muna ng dila nito ang kaniyang maliit na umbok sa tuktok ng kaniyang dibdib. Tila siya sadyang pinasasabik.
    Biglang napa-arko ang kaniyang likod ng madama ang banayad na paghaplos ni Barry sa pisngi ng kaniyang pagkababae. Hanggang sa ang munting perlas na iyon na ang kinakalabit nito. Sanghi para tumirik ang kaniyang mata sa sarap na dulot no'n.
    Dahil doon ay dama niyang namamasa na ang kaniyang pagkababae ng labis-labis. Isang mahinang ungol ang kumawala sa kaniyang bibig ng pasukin ni Barry ang makipot na pintuan na naroroon gamit lamang ang mga daliri nito. At nararamdaman niyang hindi lamang isa, kung hindi dalawang daliri nito ang ngayon naglalabas-masok na roon.
    "You're so wet, baby. And I really like it," mahinang anas nito sa kaniyang tainga nang ilapit nito ang bibig roon.
    Ang hininga ni Barry at ang mga butil ng halik na iginagawad nito malapit sa kaniyang tainga ay tila isang apoy na nagpapaliyab sa kaniyang katawan.  
    "Are you ready, baby? Papasukin na kita. Sabihin mo lang na huwag ko ng ituloy a ay gagawin ko," anas ni Barry.  Dahil kapag pinahintulutan mo na mapasok kita, ito na rin ang simula para sa ating dalawa. Hindi ako papayag na mawala ka pa. Not now, not anymore."
    Binalot man ng pagtataka si Arsie sa tinuran ni Barry ay ipinagsawalang bahala na niya. Dahil ang mahalaga sa kaniya talaga sa ngayon ay ang lumigaya sa bisig ni Barry ngayong gabi lamang.
   "J-Just do it, Barry. Namnamin natin ang pareho ang ligaya ngayong magkasama tayo. Angkinin mo na ako," anas niya rito.
    Dahil sa sinabing iyon n Arsie ay itinutok na ni Barry ang naghuhumindig na pagkalalaki sa lagusan ng dalaga. Bahagya niyang itinulak iyon na madali lang pumasok, sapagkat basang-basa na ito.
    Siya ang nakauna kay Arsie na pumasok doon ter years ago. At alam niyang siya lang muli ang makapapasok dito sa pangalawang pagkakataon. Alam na alam niya iyon malayo man ang mga pagitan nila. Dahil sa loob ng sampung taon ay hindi naman siya nawalan ng balita rito.
    Marahil si Arsie ay pinutol ang anumang balita na may kinalaman sa kaniya ngunit siya ay hindi rito.
    Sa bawat pag-ulos ni Barry sa ibabaw ni Arsie ay kaakibat non ang walang kapantay na ligaya para sa kanlang dalawa. Mga mahihinang ungol na pareho nilang hindi napipigilan na mamutawi sa kanilang mga bibig. 
    Pabilis nang pabilis ang ginagawang pagbayo ni Barry sa pagkababae ni Arsie. kaunti na lamang at pareho na nilang mararating ang rurok ng kakaibang sarap dulot ng kanilang pag-iisa ng mga katawan.

               *** Rhaime22 ***


Author's note: Thank you for reading.
        

I FALL ALL OVER  AGAIN ( Published Under PIP Publishing) Where stories live. Discover now