Kabanata 11- Something in the past.

131 8 1
                                    

NGAYONG gabi na ang pasayaw na sinasabi sa kaniya ng pinsan si Eunice. Nag-text ito sa kaniya kanina. Alas-diyes daw siya nito pupuntahan para sabay na silang pumunta roon.
    Alas-nuebe na pero hindi pa rin siya kumikilos para magbihis. Bagkus ay heto siya sa kaniyang silid at nakahilata na. At pilit nagsusumiksik sa isipan ang mga katagang sinabi ni Barry sa kaniya na labis na tumatak na sa kaniyang isip at parang sirang plakang nagpaulit-ulit na iyon doon.
    "Galit ka pa rin ba hanggang ngayon sa akin dahil sa ginawa ko? Hindi mo pa rin ba ako napapatawad?"
    Dahil sa mga katagang iyon ni Barry sa kaniya ay muli nitong binuhay sa kaniyang balik-tanaw ang isang tagpo sa kanilang dalawa ten years ago.
    "Akala ko mababago na ang isipan mo kapag ibinigay ko na ang sarili ko sa iyo? Alam ko naman na ako talaga ang mahal mo at hindi naman talaga si Ate Emellia. Ano'ng nangyari sa mga pangako mo sa akin, Kuya Barry?" Umiiyak na wika ni Arsie.
    "I'm sorry, I'm really, really sorry, baby." Punong-puno ng sinseridad ang tinig ng binata.
    "Sinungaling ka! Pinaasa mo lang pala ako. Pero ang tanga-tanga ko rin pala sa part na umasa naman ako. Alam mo kung ano iyong masakit? Iyong pinaasa mo ako sa wala." Hindi niya mapigilan ang patuloy na pag-agos ng luha niya habang sinasabi ang lahat ng sama ng loob niya rito.
    Hindi naman niya pinagsisihan na ibinigay niya ang pagkababae sa binata may isang linggo na ang nakalipas. Narito ito ngayon sa kaniyang harapan para lang sabihin na hindi mababago nang nangyari sa kanilang dalawa ang katotohanang tuloy ang kasal nito sa ate niya.
    Ibubuhos na niya ang lahat ng sama ng loob dito. Lahat ng gusto niyang sabihin ay sasabihin niya na. Dahil masama talaga ang loob niya. Oo, wala naman talaga silang relasyon na matatawag na pormal. Pero ganoon pa man nadarama niya bilang isang nagmamahal ang totoong nadarama din sa kaniya ni Barry.
    Sapat ang mga nararamdaman nila upang ipadama ang pagmamahal ng bawat isa sa kaniila. Mutual undesrtanding ika nga, iyon ang mayroon sila, nang tinatawag niyang Kuya Barry. Pero bakit sa isang iglap humantong ang lahat sa ganito.
    "Ano'ng nangyari?"
    Mga katagang paulit-ulit na tanong niya sa binata. Wala siyang pakialam kung makulitan ito sa kaniya pero iyon talaga ang gusto niyang malaman upang matahimik siya. Bakit sa isang iglap sa Ate na niya ito magpapakasal? Nasaan na 'yung pangako nito sa kaniya na hihintayin siyang maging ganap na dalaga? Nasaan na?
    "Hindi ko ba deserve na malaman ang dahilan Ba-Barry." Inalis na niya ang tawag na Kuya rito dahil ang totoo, naaalangan na siyang  tawagin itong Kuya. Baka ang pagtawag niya pa ng Kuya ang isa sa nagpapa-alangan ng tunay na nararamdaman nito sa kaniya.
    Naroon pa rin ang pagkagaralgal sa tinig niya sanhi ng patuloy na pag-iyak. "Bakit mo ako sinasaktan ng ganito, Ibarra Miguel, bakit?!"
    Hinampas na ni Arsie ang malapad na dibdib ng binata gamit ang kaniyang mga palad. Hinayaan lamang ni Barry na gawin iyon sa kaniya ni Arsie.
    Hahayaan niiya ito na saktan siya ng dalaga sa pamamagitan niyon kung makakapag-palubag iyon ng damdamin at gallit nito sa kaniya. Ni hindi ito nagtangkang sanggain iyon. Hinayaan niyang mailabas ni Arsie ang sama ng loob sa kaniya.
    Ang ginagawa nitong pag-iyak sa harapan niya ay nagpapadurog ng kaniyang puso sa dalaga. Pero kailangan niya itong tikisin at ipakitang manhid siya. Kung iyon lang ang paraan para maging maayos ang lahat para dito.
    "Gusto kitang kamuhian alam mo ba iyon?" anito sa patuloy na pag-iyak. "Pero bakit ganito ang nararamdaman ko pa rin. And I Hate my self too."
    "Darating ang araw na mauunawaan mo rin ang lahat. Hindi ito para sa akin, Arsie. Kung hindi para sa ikabubuti ninyo ng ate mo. Mas higit niya akong kailangan ngayon. Kaya kahit masakit rin para sa akin dahil alam ko na ikaw ang higit na masasaktan talaga. Darating ang tamang panahon para sa atin."
    Pinahid ni Arsie ng mga palad ang sariling mga luha at tsaka may paninindigan na sa mga mata nito ng tiningnan muli ang binata.
    "Okay, magpakasal ka na kay Ate, pero ito ang tandaan mo, simula sa araw na ito. At sa mga darating pang araw ay kalilimutan ko na ang lahat ng may kinalaman sa iyo. Lahat-lahat ng may kaugnayan sa iyo," mariin niyang wika.  "Gusto mo na kalimutan na lang kita hindi ba? Puwes gagagwin ko iyan at hinding-hindi ko na hahayaan magkaroon ng kahit na anong may kaugnayan sa iyo kahit na kailan."
    Natigilan si Barry sa tatag ng pagkakawika ni Arsie nang mga salitang iyon sa kaniya. Seryoso ito sa kabila ng pagluha nito. Lihim siyang napabuga ng hangin dahil doon.
    "Mas dapat nga na ganyan ang gawin mo. Mas magiging panatag ang kalooban ko. Pero sana, ang tanging hiling ko lang sa iyo ay kasabay ng paglimot mo ng lahat ng tungkol sa akin ay mas magsumikap ka sa buhay. Para wala ka pa rin pagsisihan sa bandang huli wala man na ako sa tabi mo," madamdaming din turan ng binata sa dalaga bago ito tuluyan tumalikod para iwan na ang dalaga.
    Kusang bumalik ang isipan ni Arsie sa kasalukuyan. Hinding-hindi niya malilimutan ang lungkot sa mga mata din ni Barry ng sabihin nito ang huling mga katagang iyon sa kaniya pero kababakasan ng kaseryoshan. Iyon din ang dahilan kung bakit nagsumikap din siya sa buhay. Dahil din doon kaya kinaya niya ang lahat. Ginawa niya iyon para din sa kagustuhan ni Barry.
    Nais niyang may mapatunayan sa binata na sa kabila ng ginawa nito sa kaniya na pagpapa-asa ay hindi siya lalabas na talunan sa huli. Kusa na nga niyang natanggap sa sarili na hindi siya ang para dito na babae kung hindi ang ate niya.
    Pero sa muli nilang pagkikita ni Barry ngayon ay isang damdamin ang ginulo muli nito sa kaniya. Na buong akala niya ay naibaon na niya sa limot talaga.
    Matapos ang ginawa niyang pag-iwas kay Barry kahapon ay nakita niya na umalis din ito kahapon at hindi na nga bumalik.
    Ang Mommy at Daddy naman niya ay maagang umalis kaninang umaga. Pupunta raw ang mga ito ng Baguio kasama ng Uncle Joey niya at may kasiyahan daw silang magkakapatid roon.
    Hindi naman siya tumutol. Masaya siya sa relasiyon ng kaniyang Mom and Dad dahil kahit may mga edad na ang mga ito ay napaka-sweet pa rin sa isa't isa. Siguro iyon ang sikreto ng kaniyang magulang kaya healthy pa rin ang mga ito at going strong sa pagsasama.
    Buong maghapon din niyang hindi nakita si Barry. At isang patunay iyon na dahil doon ay may napatunayan ulit siya.
    Kapag wala si Barry sa paligid kalmado ang pakiramdam ng tibok ng puso niya. Pero kahapon nang magkaharap sila bumilis ang tibok ng puso niya. Hindi iyon nawawala hanggat alam niyang nasa paligid lang si Barry.
    At hindi niya talaga nagugustuhan ang nangyayari. Magiging marupok siya pag nagkataon higit lalong baka magkasala siya sa Ate niya.
    Dahil doon ay nagpasiya siyang babalik na agad ng Manila, once na makabalik ang Mom and Dad niya galing Baguio. Kung hindi lang ibinilin sa kaniya ng mga ito na siya na muna ang bahala rito sa bahay habang wala ang mga ito ay bukas na bukas din ay biyahe na siya pa Manila. Pero hindi naman niya iyon magagawa.
    Dahil sa mga isipin na may kinalaman Kay Barry ay napagpasyahan niya na pumunta sa pasayaw na iyon para maaituon ang isipan sa ibang bagay. Tiyak niyang malilibang siya sa panonood sa mga kabataan naroroon.
    Dahil nakaligo naman na siya kanina ay nagpasiya siya na magbihis na. Isang blue off shoulder na mini dress ang napili niyang isuot. Kasama iyon sa pinamili niya sa mall. Tinernuhan niya iyon ng white flat sandals. Powder at liptint lang ang inilagay niya sa kaniyang mukha.
    Nag-text siya sa pinsan na ready na siya at hihintayin na lamang nito ang pagpunta nito sa kaniya para sabay silang pumunta roon.

            *** Rhaime22 ***

I FALL ALL OVER  AGAIN ( Published Under PIP Publishing) Where stories live. Discover now