Kabanata 9 - Unknown number

159 9 1
                                    

MATAPOS nilang mag-usap ng kanyang Ate Emellia ay tinapos lang niya ang naudlot na ginagawa at tsaka nagpasiya na mag-half bath para maghanda sa pagtulog.
    Nang matapos ay pumuwesto na siya sa kama. Pero dahil hindi dalawin ng antok ay kumuha siya ng isang english book na na binili niya sa NBS para basahin. Pampalipas ba ng oras at pampa-antok na rin.
    Nakakailang lipat na siya ng pahina no'n pero aminado siyang wala siyang naiintindihan sa binabasa niya. Nanibago siyang bigla. Dati naman ay hindi siya ganito. Pilit kasing pumapasok sa isipan niya ang mga ibang bilin ng Ate niya sa kaniya.
    Kaya nagpasiya siyang itigil na lamang iyon. Bakit ba ang ilap ng antok sa kaniya ngayon. Pasado alas-diyes na ayon sa kaniyang Cellphone. 
    Habang nakahiga ay nakatingin lang siya sa kisame. Pinagmamasdan iyon na tila may kung anong bagay na pinapanood roon. Pero wala naman.
    Hindi siya mahilig magbabad sa Social media tulad ng Facebook, tweeter at instagram. Kadalasan ay pasilip-silip lang ang ginagawa niya sa mga iyon. Mas gusto niyang magbasa. Bigla niyang naalala na marami nga pala silang kuha sa reunon na magkaka-ibigan.
    Hindi na siya nag-abalang magpi-picture sa cellphone niya sapagkat alam naman niya na ita-tag siya ng mga kaibigan kapag nag-post ang mga ito. Dahil ang daming kuha ng mga ito. Sa dami hindi na niya alam.
    Isa pa, sigurado siya na mayroon din sa page ng eskuwelahan nila. Dahil ang mga nakalipas na reunion na nagaganap roon ay lahat nakatala roon.
    Dahil sa isipin na iyon kaya napabukas siya ng Facebook. Titingnan niya kung mayroon na. Tulad ng dati ang daming notifications ng FB niya. Nag-scroll siya para pumili ng mga bubuksan na notification.  At nang makita niya ang mga tag ng kaibigan ay iyon ang tiningnan niya.
    Ang dami nga. Namili siya ng mga litrato na feel niyang i-save sa kaniyang phone memory. Napangiti siya ng makita ang isang kuha ng larawan kung saan kumpleto silang magkakaibigan.
    Halos lahat sila ay may ngiti sa labi sa kuha na iyon. At kung hindi siya nagkakamali. Ang kuhang iyon ay bago pa man magsimula ang kasiyahan.
    Halos lahat sila ay mga single pa. Sinong mag-aakala na halos lahat sa kanila ay mas piniling magpokus na mapaunlad ang mga sarili at mas piniling abutin ang mga pangarap ng bawat isa. May kani-kanila na silang propesoyon ngayon.
    Habang abala siya sa pagtingin-tingin ng kanilang larawan magkaka-ibigan ay biglang may numerong rumihistro sa screen ng kaniyang cellphone. Isang tawag mula sa unknown number. Hindi iyon naka save sa phonebook niya kaya unknown.
    Nagdalawang isip siya na sagutin iyon sapagkat kapag ganoon unknown ay hindi niya talaga sinasagot. Hindi rin siya basta-basta nagbibigay ng kaniyang numero sa kung sino-sino.
    Siya ang kadalasang humihingi ng numero ng mga ito kung kinakailangan. Masiyadong pribado ang numero ng kaniyang Cellpone. Kaya mas pinili niyang ignorahin iyon at hayaan na lamang kusang tumigil ang pag-ring.
    Parang ang bastos naman kasi ng dating kung i-cancell niya ang tawag kaya hinayaan na lamang niya. Nang mawala iyon ay ibinalik niya ang mga mata sa kaniyang FB account.
    Nang magsawa sa FB ay lumipat siya sa kaniyang IG Account.
    Roon niya ini-upload ang photos na napili niyang i-save kanina. Maging ang mga naka follow sa kaniya rito ay mabibilang mo lang sa iyong dalire. Hindi rin niya ugali ang mag-follow back sa mga nagpa-follow sa kaniya.
    Sabi nga ng kaibigang si Therese na ang boring ng buhay niya talaga. Sabay tatawanan siya. Kung hindi lang siya sanay na sa ugaling iyon ni Therese matagal na niya itong itinakwil na kaibigan. Pero ayaw niyang gawin dahil bestfriend na niya ito kung ituring at tila nakababatang kapatid na rin.
   Kung mayroon man na higit na nakakikilala sa kaniya ngayon lalo na sa mga nararamdaman niya ay si Therese iyon. At hindi na ang mga kaibigan niya noong high school days.
    Muling nag-ring ang cellphone niya at sigurado siyang same number iyon sa tumatawag kanina.
    'Syete, sino ba itong hinayupak na makulit na ito?' aniya sa kaniyang isipan. "Bahala ka riyan," aniya na may tinig na at ang mata ay nakatuon sa cellphone.
    Inilapag niya ng pataob ang kaniyang cellphone ng nakataob sa tabi niya at umayos na ng pagkakahiga. at pinabayaan lang tumunog iyon nang tumunog.
    Tumigil lang talaga iyon ay i-o-off na niya ang cellphone niya at magpapa-antok na lamang sa pagbabasa. Ngunit sa kaniyang pagka-dismaya ay saglit lang iyon huminto at muling tumunog. Hindi na niya tiningnan sapakat alam naman niya na iyon pa rin ang tumatawag.
    Inabot niya ang isang unan na nasa tabi niya at tsaka itinakip iyon sa kaniyang tainga habang nakatagilid siya pahiga. Ilang ulit pa iyon at dahil bwiset na bwiset na siya sa pagtunog noon ay nagpasiya siya na sagutin na iyon. Kaya bumangon siya at naupo. Nang matiyak na same number pa rin ang kaniyang unknown caller ng muli niyang sipatin ang cellphone.
    Ang planong pagsagot na pabulyaw sana rito ay hindi niya nagawa sapagkat naunahan siya nitong magsalita na ikinagulat niya. Sapagkat ang taas ng boses nito. Tila naalog yata ang tutuli niyang nakadikit sa gilid ng ear canal niya. Bahagya din niya tuloy nailayo ang cellphone sa kaniyang tainga. Sa lakas no'n dinig pa rin niya ang boses nito na binanggit pa ang pangalan niya. So, kilala pala siya nito kaya makulit.
    "What the hell is your fucking problem, Arsie?!!! Bakit hindi mo agad sinagot ang tawag ko ha?!"
    "At sino ka naman para sigawan ako ng ganiyan?!" may taas din sa boses niya. "For your information, who ever you are na hindi ako basta sumasagot ng unknow number! Pasalamat ka nga at sa kakulitan mo sinagot ko na. Tapos ang lakas ng loob mong sigawan ako at bungaran mo ako ng ganiyang salita. What the hell is your fucking problem, too!" muli niyang singhal sa kausap na talagang hindi na rin niya napigilan ang sariling maging bastos sa lalaki. Oo, tama lalaki ang kaniyang caller ayon na rin sa boses nito. 
      Hindi ito agad sumagot sa kaniya. Kaya siya itong  muling nagsalita.
    "Sino ka bang bwiset ka, ha?" Nakataas pa ang kilay niya.
    "It's me, Ibarra." Mababa na ang tinig nito.
    Isang Ibarra lang ang kilala niya at hindi siya puweding magkamali. Lalo at nagka-ediya na siya kung paano nito nalaman ang numero niya. Makaganti man lang siya kaya iinisin niya ito.
    "Wala akong kilalang Ibarra. Kaya kung hanap mo ka-phone call na mapag-ti-trip-an. Humanap ka na lang ng ibang sasakay sa iyo."
    "Tumigil ka na nga riyan sa pagpapanggap na hindi mo ako kilala. Sapat na ang Ibarra para malaman mo kung sino ang kausap mo."
    Dahil buko siya agad. Napaismid siya. "Pakialam mo ba? Sa gusto kong mag-pretend na hindi kita kilala, eh," mataray na saad niya
    "Binigay ng Ate Emellia mo ang cellphone number mo sa akin kaya natawagan kita."
    "Hindi ko itinatanong at wala akong pakialam. Bakit ba kasi napatawag ka? Sabihin mo na agad kasi inaantok na ako para lang sa kaalaman mo."
    "Gusto ko lang malaman kung kumusta ka na riyan. Hindi ka ba nanibago?"
    "Pagkatapos mo akong sapilitan dalhin dito para iuwi. Itatanong mo iyan sa akin? Pasalamat ka lang talaga at malakas ka kina Mommy at Daddy. May kasalanan ka nga pala sa akin dahil sa ginawa mo sa kotse ko. At huwag na huwag kang magtatangkang magpakita sa akin hanggat narito ako sa Laguna naiintindihan mo?"
    "Sorry, baby, but I can't promise. Ibinilin ka rin ng Ate Emellia mo sa akin na bantayan kita habang nandito ka. Tiyakin ko raw na mananatili ka rito hanggang sa pagdating niya."
    "What?!" aniya kay Barry. "Sinabi ba talaga ni Ate iyan sa iyo?"
    Bigla niyang naalala ang naging usapan nilang magkapatid kanina lang. Pinababantayan nito sa kaniya si Barry na asawa nito. Tapos malalaman niya na ganoon din sinabi nito kay Barry. Parang ang wierd lang ng dating sa kaniya. Ano 'yon? Magbabantayan kami sa isa't isa. Ang pagkakaiba nga lang ng situwasyon nila. Alam niya na pinababantayan siya ng kapatid kay Barry ayon sa sinabi nito. Pero siya hindi niya puweding sabihin dito.
    'Ano ba itong ginagawa mo ate Emellia sa amin ng asawa mo? Nilalagay mo ako sa alanganin,' tanong na wika niya sa sariling isipan.
    Napapitlag siya ng marinig ang tinig ni Barry mula sa kabilang linya.
    "So, asahan mo na lagi tayong magkasama, baby Arsie," saad nito sa kaniya. Na tila sinadyang lambingan ang pagkakabanggit sa baby Arsie.
    "Stop calling me like that. Walang baby, ang pangalan ko. Just only Arsie, okay!"
    "What's wrong with that? May Baby naman na talaga ang pagtawag ko sa iyo kahit noon pa, hindi ba baby?"
    "Noon iyon. Panahong may kilig pa ako at baliw pa sa iyo. Iba na ngayon dahil asawa ka na ng kapatid ko kaya wala ka ng karapatang tawagin pa ako ng ganyan."
    "Ayos lang naman sa ate mo na tawagin kitang baby, kasi baby ka naman talaga ng familly."
    "Puwes, sa akin hindi kaya tigilan mo! Kung wala ka ng sasabihin pa tapusin na natin itong usapan na ito."    
     "Okay, kung iyan ang gusto mo. Bye baby, goodnight and mapanaginipan mo sana ako."
    "Sasagot pa sana siya sa sinabi nito para almahan iyon pero nawala na ito sa linya.
    "Grrrrr... Bwiset ka talaga, Ibarra!" aniya pa rin kahit hindi naman na ito maririnig pa.

            *** Rhaime22 ***

I FALL ALL OVER  AGAIN ( Published Under PIP Publishing) حيث تعيش القصص. اكتشف الآن