Kabanata 10 - Un expected feeling

160 7 1
                                    

GOOD morning, Mommy," bati ni Arsie sa kaniyang ina nang datnan niya pa ito sa dining table habang nag-aagahan.
    "Good morning din, bunso. Pumwesto ka na riyan ng makapag-agahan ka na rin."
    "Si Daddy?" Hanap niya sa kaniyang ama ng hindi ito madatnan doon.
    "Sinundo ng Uncle Joey mo para magpasama sa kabilang bayan. May kukunin daw roon. Eh, kailangan ng sasakyan. Wala naman lakad ang Daddy mo kaya sumama naman na," saad ng kaniyang ina.
    Parehong nasa bahay na lang ang kaniyang Mommy at Daddy. Parehong retired na rin sa mga trabaho ang mga ito.
    Nang magkaroon ng stable job ang Ate niya sa Dubai maging siya ay sapat naman ang ipinapadala nilang pera sa magulang para matustusan ang lahat ng mga pangangailangan ng mga ito.  
    Pareho na rin nasa senior citizen ang kaniyang mga magulang at may pension na rin natatanggap. May bank account din ang mga ito kung saan mas madalas na doon niya ipinapadala ang perang ibinibigay niya sa mga ito.
       Isa sa mga hinangaan nilang magkapatid sa magulang ay ang pagiging masinop ng mga ito sa pera noong panahon mga nagtatrabaho pa ang mga ito para sa kanilang magkapatid. Hindi naman sila mayaman. Sapat lamang ika nga. Kung ano ang mayroon sila ngayon sa buhay iyon ay dahil sa pagsusumikap na rin ng mga ito na makatapos silang magkapatid pareho.
    Humatak siya ng silya kung saan katapat lamang ang kaniyang ina para makapag-umpisa na siyang kumain.
     "Bunso, kumusta na pala ang pag-uusap niyo ng Ate mo kagabi?" tanong ng Mommy niya sa kaniya maya-maya.
    "Ayos lang naman po. Kailan po pala ang dating ni Ate?"
    "Hindi niya ba nabanggit sa iyo no'n magka-usap kayo?"
    "Hindi po. Sinabi kasi niya na mag-stay daw ako rito hanggat hindi pa siya dumarating. Para alam ko lang sana kung hanggang kailan ako dito. Isa pa, hindi pa ako tumatawag sa trabaho ko para mag-file ng indefinite leave?"
    "Hindi pa sure ng Ate mo kung next mounth pa. Puwedi raw mas mapaaga pa roon or mas ma-late pa."
    "Ano? wala palang katiyakan kung kailan ang dating ni Ate." Nadismaya siya sa narinig sa ina. 
    "Parang ganoon na nga. May sinabi pa iyon na surprise na lang din daw."
     "Bakit hindi na lang kasi sinabayan ni Barry si Ate sa pag-uwi? Nang sa gayon walang dahilan para manatili ako ng matagal rito," naiinis niyang wika.
    "Anak, Seaman si Barry. Nurse ang ate mo roon. Ang Ate mo lang naman ang nasa Dubai pero si Barry mas madalas nasa barko. So hindi talaga sila magkakasabay ng uwi. May kailangan din asikasuhin ang Kuya Barry mo rito maliban sa negosiyong itatayo niya."
    "Kahit na. Sana hinintay na lang niya si Ate bago siya umuwi rito. Para naman hindi ako naiipit sa kanilang dalawa."
    "Paano'ng naiipit ka?" 
    "Ito kasing si Ate, kung hindi ba naman lokaret din Mommy, Pinapabantayan ba naman ako sa asawa."
    "Oh, ayaw mo ba noon at magkaka-bonding kayo madalas ng Kuya Barry mo habang nandirito siya. Panigurado na kahit saan ka magpunta kasama mo iyon or puwedi rin ikaw ang isasama niya."
    "Mom! Ano'ng okay roon? Asawa siya ni Ate, mamaya niyan ma-tsismis pa kami ng mga marites dito sa atin."
    Kanina pa siya may napapansin sa Mommy niya sa takbo ng usapan nila. Actually, kahit noong unang dating pa lang siya at kasama niya si Barry. Bakit parang chill lang ito? Na kahit madalas silang magkakasama ni Barry habang nandirito siya ay ayos lang dito.
    "Walang Marites na pupuna sa inyo kahit maging madalas ang pagsasama niyo. Ang takot lang ng mga iyan sa Daddy mo." Sabay tumawa na tila nagbibiro ang ina.
    "Si Mommy parang nakaloloko eh." Nakasimangot niyang turan sa ina.
    "Seriously, anak. Dont mind them okay. Kumain ka nang kumain diyan."  
    Sabay pa silang napalingon ng ina nang marinig nila ang pagbati mula sa taong biglang sumulpot sa kanilang dining area.
    "Good morning!"
    "Oh, Barry. Wala ka bang lakad ngayon?" saad ng Mommy niya.
    "Wala po. Kaya Mag-stay na po muna ako rito sa bahay, since may pinapabantayan sa akin Si Emellia." Sabay tingin nito sa kaniya na tila nakaloloko.
    Inirapan naman ito ni Arsie ng magtagpo ang kanilang paningin.
    "Tamang-tama nang may makausap naman si Bunso. Aalis ako maya-maya at may usapan kami ng mga amiga kong magkikita-kita."
    "Sure, Mommy ako ng bahala kay Bunso. Titiyakin kong hindi ito maiinip sa pananatili rito habang hinihintay namin ang pagdating ni Emellia," wika ni Barry.
    Tumaas bigla ang kilay ni Arsie nang marinig ang sinabi ni Barry.
    Kung makapagsalita naman ito akala mo ay mamaya lang nandiyan na ang Ate niya. Nag-uumpisa na naman siyang ma-badtrip sa totoo lang lalo at nakikita niya ang pagmumukha nitong paasa. Naiinis kasi siya na sa tuwing nakikita niya ito naaalala niya kung paano siyang pinaasa nito noon.
    Bahagya siyang natigilan ng ma-realise ang nararamdaman niya. Bakit nga ba may ganito pa siyang nadarama? Kahit siya ay biglang naguluhan din. Siya na rin ang nagbigay ng katwiran sa kasalukuyang nararamdaman. Marahil kaya ganito sapagkat matapos ang mahabang panahon ay magkikita pa sila at ang worse doon madalas pang magkakasama. Bigla niya tuloy sinisi ang nanahimik na reunion na iyon. Dapat talaga hindi na lang siya  dumalo.
    "Maiwan ko na kayo at ako ay maghahanda pa sa aking pag-alis," wika ng ina sa kanila ni Barry.
    Nang wala na ang ina ay ipinagpatuloy niya ang pagkain. Inignora niya ang presensiya ni Barry na nakatingin lang sa kaniya ngayon at pinapanood siiyang kumain. Umakto siyang wala ito roon.
    Nang matapos ay tumayo na siya na hindi pinapansin ang binata. Dinampot niya ang tasa ng kape na may laman pa at plano niyang sa beranda na lang siya muna sa kanilang likod bahay. Para makasagap rin ng sariwang hangin.
    Ngunit hindi pa man nag-iinit ang puwet niya ay sinundan siya ni Barry at tinabihan pa siya sa upuan. May dala din itong tasa na may laman din kape.
    "Mas masarap magkape ng may kasama," anito sa kaniya.
     Hindi niya ito pinansin.
    Muling nagsalita si Barry kahit hindi ito pinansin ni Arsie.
    "Naniniwala ka ba sa kasabihan na ang lahat ng bagay na nangyayari sa buhay ng tao ay may dahilan kung bakit kailangan pagdaanan iyon?"
    Kung siya ang tatanungin ay paninindigan niyang hindi ito pansinin or kausapin. Pero dahiil sa tanong ni Barry ay naging interesado siya bigla.
    "Nanininiwala naman ako, why not? Pero dapat may kaakibat na paliwanag ang lahat," aniya kay Barry. Sabay lingon dito. "Para nang sa gayon walang naiiwan sa ere at taong umasa sa wala." 
    "Galit ka pa rin ba hanggang ngayon sa akin dahil sa ginawa ko?" tanong ni Barry. "Hindi mo pa rin ba ako napapatawad? Na mas pinili kong ituloy ang kasal sa Ate mo sa kabila ng gabing isinuko mo sa akin ang pagkababae mo ten years ago."
    "Matagal nang nangyari iyon huwag na natin pag-usapan pa. Isa pa ang ginawa kong paglayo at pagputol sa komunikasiyon sa iyo ay nakatulong nang malaki para maka move on ako." Tumayo siya sa pagkakaupo at lumapit sa pasimano ng beranda. Paraan niya iyon para makaiwas sa iba pang magiging tanong ni Barry sa kaniya.
    Ngunit sinundan siya ng binata. Ngunit sa kaniyang pagtataka ay hindi ito sa tabi niya pumuwesto kung hindi sa kaniyang malapit sa bandang likuran lamang. At muli itong nagsalita.
    "Bakit nga pala hanggang ngayon wala ka pa rin boyfriend, Arsie?"
    Hindi niya inaasahan ang katanungang iyon mula rito. Napalunok siya at nagdalawang-isip kung sasagutin ba iyon. Malamang ang Ate niya ang nagkukwento ng tungkol sa buhay niya.
    Pero hindi niya ito bibigyan ng dahilan para pag-isipan siya ng iba.
    "Nagkaroon naman ako dati noong collage days. Hindi lang siguro kami meant to be talaga kaya nagkahiwalay kami." aniyang hindi nag-abalang lingunin ang binata. Natatakot siyng makita nito ang kaniyang mga mata at mabasa nito ang kaniyang totoong saloobin.
    "Parang katulad lang iyan ng sinabi ko sa iyo kanina, na ang lahat ay may dahilan kung bakit kailangan mangyari iyon. Marahil may ibang nakatakda talaga para sa pagmamahal mo kaya hindi kayo meant to be."
    "Parang mas gusto ko na lang ng ganito. Pakiramdam ko kapag sumubok akong magmahal ulit masasaktan lang ako."
    "Talaga ba?" tanong ni Barry na hindi kumbisido sa sinabi ng dalaga.
    Dahil doon ay napilitan na siyang humarap kay Barry para salubungin ang tingin nito sa kanya.
    "Tama na ang minsan akong naging baliw dahil sa pagmamahal na iyan. Mahal ko ang sarili ko higit lalong ang puso ko." Makahulugan niyang saad rito. "Kung sakaling magmamahal ako ulit sana sa tamang lalaki na iyon. At kaya na akong panindigan at piliin sa bandang huli."
    "Paano kung sabihin ko na isa ka sa dahilan kung bakit ako bumalik?"
    Natigilan siya bigla dahil sa sinabi ni Barry. Ano'ng pinagsasabi nito? Pinili niyang tawanan iyon para pagtakpan ang biglang bulusok ng kilig sa kaniyang katawan.
    'Oh, no. Bakit kinilig ako?' aniya sa kaniyang isipan.  Lihim din niyang pinagalitan na rin ang sarili. 'Huwag mong kalilimutan na asawa na siya ng Ate mo at baka nag-o-over think ka lang. Umayos ka Arsie,'
    Dahil sa pakiramdam na iyon ay mabilis na siyang nagpaalam dito.
    "M-Maiwan na kita ka-kasi naalala ko ka-kailangan ko pa lang tumawag sa trabaho ko."
    Syete, sa part na nautal-utal siya sa pagpapaalam kay Barry makaiwas lang rito agad-agad.
    Walang lingon-lingon na iniwan na niya si Barry at agad dumiretso sa kaniyang silid.
    May kislap sa mga matang sinundan na lang ni Barry ng tingin ang papalayong si Arsie. Alam niyang umiwas lamang ito sa kaniya. Pero isa lang ang tiyak niya na may puang pa siya sa puso ng dalaga.
    'Well, Arsie, gagawin ko ang lahat para makabawi sa iyo dahil sa pasakit na idinulot ko sa iyo Ten years ago," mahinang usal ni Barry.
    Pagkapasok sa sariling silid ni Arsie ay napasandal siya sa pinto ng kaniyang silid ng isara niya iyon.
    "Oh my God, Arsie no." Mahina niyang anas.

         *** Rhaime22 ***

I FALL ALL OVER  AGAIN ( Published Under PIP Publishing) Where stories live. Discover now