Kabanata 3- Head ache

233 8 1
                                    

WARNING: Typo grammatical error ahead.
         __________________

GOOD morning!" saad ni Barry sa dalaga ng mapansin niyang tila magigising na ito. Patunay ang nakikita niyang paggalaw ng mga talukap ng mata nito na nakapikit pa rin.
    Kanina niya pa pinagmamasdan ang magandang mukha ng dalaga habang natutulog. Nakaupo siya sa gilid ng kama. Kung may makakikita sa kaniya iisipin na para siyang tanga.
    Sobra-sobra niyang na-miss ang babaeng ito. Hindi biro ang sampung taon na lumipas na nakuntento lang siya sa pagtingin sa mga larawan nito. Kakaibang dulot na saya ang kaniyang nadarama ngayon sapagkat, hindi basta larawan na lang ang kaniyang pinagmamasdan, kung hindi ang personal na ito na mismo.   
       Kahit mabigat pa ang talukap ng kaniyang mga mata ay napilitan si Arsie na dahan-dahan imulat iyon sapagkat, tila may kakaiba sa kaniyang paligid. O marahil dala lamang iyon ng kaniyang panaginip.
    Sa kaniyang pagmulat ay isang mukha ang kaniyang nabungaran na  seryosong nakatunghay sa kaniya. Nananaginip pa ba siya? Sapagkat sa kaniyang panaginip ay ang wangis na ito ang kaniyang nakita.
    "Good morning!" saad ng baritonong boses na iyon.
    Napabalikwas siya ng bangon at tuluyang iminulat ang mata. Ngunit kasabay ng biglang pagbangon niyang iyon ay siyang pagpitik ng kirot sa kaniyang bandang sentido. Agad siyang napahawak sa kaniyang ulo at mariin na napapikit.
    "Marahil masakit ang iyong ulo. And that's normal para sa isang may hang-over. Gawin mo ba namang juice ang mga alak roon ay talagang ganyan ang resulta niyan," saad ni Barry sa dalaga.
    Ganon kasi ang sinabi ni Migz sa kaniya. Tila ginagawa na nitong tubig ang alak.
    "Siyete!" mahinang wika ni Arsie na ang ibig sabihin ay sh*t.
    So, hindi pala dala lang ng kalasingan niya kagabi nang makita niya ito malapit sa kaniyang sasakyan. Si Barry nga ito. Pero sandali lang. Nasaan nga ba siya?
    Agad niyang iginala ang kaniyang paningin sa kabuuan ng kaniyang kinaroroonan na silid. At napagtanto niyang hindi ito ang kaniyang sariling silid.
    Tila ba nabasa naman ni Barry ang iniisip ng dalaga ayon na rin sa reaksiyon na nakikita niya rito.
    "This is my room at nasa bahay kita ngayon."
    Otomatiko na nag-landing ang paningin ni Arsie kay Barry.
    "Ano!?" Hindi makapaniwala niyang tanong. "Bakit mo ako rito dinala? Huwag mong sabihin sa akin na nasa Laguna pa rin ako?"
    "Ito kasi ang una kong naisip kaya iyon na lang ang sinunod ko. At oo narito ka pa rin."
    Hindi maaari kailangan bumalik na siya ng Manila bago mabalitaan ng Mommy niya na nandirito siya.
    Masakit man ang ulo ay mabilis niyang tinanggal ang kumot na nakatakip pa rin sa kaniya. Naudlot ang kaniyang pagtayo para lang matigilan ng mapansin naman niya ang kaniyang kasalukuyang suot.
    Hindi na siya naka gown kung hindi naka white polo shirt na siya na long sleave na abot hanggang kalahati ng kaniyang hita. at nakatitiyak siyang tanging panty lang ang kaniyang pangbaba at wala siyang suot na bra.
    "Pinalitan kita ng damit kaninang madaling araw nang pagdating natin dito. Kailangan kong gawin iyon sapagkat hindi ka lang naman isang beses sumuka sa sasakyan mo. Sorry, I have no choice kaya ako na ang gumawa. Wala naman kasi akong kasamang katulong dito para utusan na bihisan ka."
    "Oh my god!" bulalas ni Arsie na hindi makapaniwala. "Sabihin mo sa akin na nakapikit ka noong binibihisan mo ako. Sabihin mo!" pahisterikal na tanong niya sa binata.
    "Ofcourse not. Natural nakadilat ako ng ginawa ko iyon. Ano ako tanga? Para pahirapan ko ang sarili ko."
    Sa gulat ni Barry ay biglang tumili ang dalaga nang ubod ng lakas. Kaya bigla niyang tinakpan ang bibig nito. Napalakas yata ang puwersa niya sa ginawa niyang iyon. Sapagkat muling napahiga ang dalaga sa kama kaya halos nakadagan na ang kalahati ng katawan niya kay Arsie. At halos magkatapatan na ang kanilang mga mukha.
    Nanglaki naman ang mata ng dalaga dahil sa ginawang iyon ni Barry. Ramdam niya ang bahagyang bigat nito. Kaya pilit niyang iginalaw ang ulo at katawan para makawala rito. Ngunit bigo siya.
    "Bakit ba bigla-bigla ka na lang tumitili riyan? Baka isipin ng mga kapitbahay ko na kung ano nang milagro ang ginagawa ko rito?"
    Ipinaling-paling ni Arsie ang ulo pakaliwa at pakanan para matanggal ang pagkakatakip sa bibig niya ng kamay ng binata. At nang magtagumpay ay may gigil na sa boses niya nang magsalita.
    "Pinagsamantalahan ng mga mata mo ang kawalang malay ko. How dare you! Dapat hinayaan mo na lang na suot ko iyon. Umamin ka, ano pang ginawa mo sa akin ha? Eh, ano naman kasi kung mangamoy pinagsukahan na ako. Suka ko naman iyon," may inis na lintanya niya sa binata. 
    Gustong matawa ni Barry sa sinabing iyon ng dalaga pero nagpigil siya. Bagkus ay naisip niya na mas tudyuin pa ito. Parang trip niyang asarin ito ngayon. Dahil lalo itong mas maganda kapag naiinis pala. Isa pa, hindi naman na ito bata pa tulad ng dati na kailangan may limitasyon kapag inaasar niya.
    "Hindi ko naman kayang ang katabi ko sa pagtulog ay may kakaibang amoy. Nakakahiya naman iyon para sa akin na ang bango."
    Tila naman nagtayuan ang lahat ng balahibo ni Arsie sa katawan dahil sa lapit ng pagitan ng kanilang mukha. Ang mabangong hininga rin nito na halos maamoy na niya ay may kakaibang kilig na hatid sa kaniya.    
    Ang lakas ng loob niyang magsalita rito samantalang siya itong kagigising lang. Bigla siyang na-alarma sa amoy ng hininga niya Pero wala siyang pakialam. Mas ayos nga iyon na mabahuan ito para umalis sa pagkakadagan sa kaniya. Hindi niya kinakaya ang hatid na kakaibang kuryente sa kaniyang katawan dahil sa pagkakalapat ng katawan nito sa kaniyang ibabaw. Parang any moment ay sisilaban na siya.
    "So, at tinabihan mo pa talaga ako?" Hindi ulit makapaniwala na tanong niya.
    "Yeah. King size naman ang kama ko at maluwag pa nga ito para sa dalawang tao. Tsaka isa pa, wala ka naman dapat pang itago sa akin hindi ba? Dahil minsan ko nang nakita ang kabou-an ng katawan mo nang walang kahit na anong saplot. Natikman ko pa nga ang mga iyan. Iyon nga lang malaki na talaga ang pagkakaiba ng katawan mo ngayon kaysa dati. And I like your body now unlike before" saad ni Barry na tila kampante lang habang nakatingin sa mukha ni Arsie na ngayon ay namumula na.
    Agad naman nag-init ang mukha ni Arsie at sigurado siyang namula ang mukha niya sa tinuran na iyon ni Barry. At aaminin niyang nahalayan siya sa sinabi nito.
    Kung may pangyayari sa buhay niya noong siya ay nagdadalaga pa lang. Ang pangyayaring iyon ang ayaw niyang balikan at pilit ibinabaon na lamang sa limot.
    Pero ang herodes na ito at nakuha pa iyong ipaalala sa kaniya. Kung makapagsalita akala mo hindi asawa ang Ate niya. Kung hindi ba naman siya planong asarin talaga. Pero sorry na lang ito at marami nang nagbago sa kaniya.
    Tutal ay plano siya nitong asarin lang yata kaya ipinaalala pa iyon sa kaniya. Puwes wala siyang planong sakyan ito sa birong hindi maganda para sa kaniya.
    Pinasingkit niya ang mata at biglang iniuntog ang sariling noo sa noo ng binata. Sinadya niyang lagyan ng puwersa iyon na ultimo siya ay nasaktan din sa ginawa niya. Tiniis niya ang sakit noon at ang nagulat na binata ay biglang umalis sa kaniyang ibabaw. At iyon ang pagkakataon na hinihintay niya para agad siyang makabangon.
  "Huwag na huwag mong mabanggit ang minsan kong katangahan sa iyo. Ang nakalipas ay nakalipas! Respeto naman para kay Ate," gigil na aniya kay Barry.
    Nakita niya ang isang nakapinid na pintuan. At tiyak siyang banyo iyon kaya mabilis siyang tumakbo roon para pumasok.
    Pagkasarang-pagkasara niya ng pinto ay napahawak siya sa noong nasaktan. Kanina niya pa iyon gustong himasin dahil talagang masakit ang naging infact noon sa kaniya.
    Kung hindi ba naman siya lokaret din. Ano tingin niya sa kaniyang noo bato?
    Lumapit siya sa salamin upang siyasatin ang kaniyang noo. Anak ng tipaklong. Namumula iyon at bahagyang umumbok. Karma agad napala niya.
    Napapitlag siya ng marinig niya ang katok mula sa labas ng banyo at nagsalita si Barry.
    "Arsie!"
    "Bakit?" inis na sagot niya na nakabusangot pa rin ang mukha.
    "Asikasuhin mo na ang sarili mo para maihatid na kita pauwi. Iyong pamalit mong damit dito ko na lang sa kama ilalagay.  
    "Ako na lang. Huwag mo na akong ihatid. Kaya ko ng umuwi. Hindi na ako lasing!" aniya sa binata.
    Kaya naman na niya talaga tiyak magmaneho. Iyon nga lang masakit pa rin ang ulo niya sanghi ng hang-over.
    "No. Ihahatid kita dahil wala ang kotse mo. Hinhintayin na lang kita sa garahe."
    Ano'ng sinasabi nito na wala ang kaniyang kotse. Saan na napunta? 
    Mabilis ang kilos niyang inasikaso ang sarili. Isang mabilisang pagligo ang ginawa niya.
    Nang matapos ay nakita niya ang isang skinny maong pants at white Tshirt. May under wear na rin iyon na kasama na kulay red. Nakalapag iyon sa kama. Pati plat sandals.
    Marahil ay sa Ate niya ang mga ito. At infairness kasya sa kaniya ang mga iyon.
    Hindi na siya nag-abalang magsuklay ng buhok at gamit ang mga daliri sa kamay ay iyon ginawa niyang panuklay at lumabas n ng silid ng binata.
    Medyo napreskuhan siya ng makaligo at nabawasan ang sakit ng ulo. "Pero ang kaniyang noo ay namumula pa rin.
    Hinihimas ni Barry ang noo na inuntog ni Arsie. 'Lokaret na babae iyon plano pa yatang bukulan ako,' aniya sa isipan. Pero mas nag-alala siya sa noo ni Arsie.
    Sobrang saya niya ngayon na muli na silang nagkita ng Dalaga. Ipinangako niya na ito na ang simula ng lahat para sa kanilang dalawa. At gagawin niya ang lahat makuha lang ulit ang tiwala nito sa kaniya at magawa naman ang pangako para kay Emelia na Ate nito.  
       
          ***Rhaime22***

AUTHOR'S NOTE: Feel free to give a message or something feedback for my update. Dont forget to vote after you read. Thank you. XOXO.

I FALL ALL OVER  AGAIN ( Published Under PIP Publishing) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon