Kabanata 8 - Pabor

132 7 1
                                    

PASADO alas-otso na ng gabi nang makauwi sa kanilang bahay si Arsie buhat sa mall kasama ang pinsang si Eunice. Bitbit ang mga paper bag na naglalaman ng mga pinamili ay dumiretso na siya sa kaniyang silid.
    Wala sa sala ang kaniyang Mommy at Daddy nang dumating siya. Marahil ay nasa sarili na nitong silid ang mga ito at nagpapahinga.
    Bago sila umuwi ni Eunice ay kumain naman na sila ng dinner sa fast food chain din mismo ng mall. Samantalang si Eunice ay dumiretso na nga ng uwi sa bahay naman nito at maaga raw ang pasok nito bukas.
    Isa-isa niyang inilalabas ang mga pinamili damit at maayos na itinutupi iyon. Maging ang mga pinamili niyang mga tagalog at english book ay maayos rin niyang isinalansan sa ibaba ng kaniyang kabinet.
    Nasa ganoon siyang tagpo ng makarinig siya ng katok mula sa labas kasabay nang pagtawag sa kaniyang pangalan. Tinig iyon ng kaniyang Mommy.
    "Pasok Mommy!" aniya sa ina dahil hindi naman naka-lock ang pinto niyon.
    "Narinig ko ang paghinto ng tricycle diyan sa may tapat ng gate natin at nakita ko nga na ikaw ang bumaba doon. Nabangit ni Mary-ann na nag-mall nga raw kayo ng pinsan mo," turan nito sa kaniya.
    "Bumili lang ako ng ilang mga damit sapagkat wala naman po akong dala. Ang mga narito ay hindi na po kasya sa akin kasi. Tsaka ilang libro na rin para may libangan kapag wala akong magawa," saad niya.
    Ngumiti ang kaniyang Mommy sa kaniya at gumawi ang kaniyang paningin sa dala nitong loptop. Noon lang niya napansin na nakabukas iyon at nagulat pa siya ng ilapag iyon ng ina sa kama paharap sa kaniya.
    "Narito na ang kapatid mo. kadarating lang galing mall kasama si Eunice," ani ng kaniyang Mommy sa ka-video call nito na walang iba kung hindi ang kaniyang Ate Emellia.
    Agad nagrigodom ang puso niya ng tumibok iyon ng mabilis nang makita niya ang kaniyang Ate na nakangiti sa kaniya ngayon at kumakaway pa. Halata rito ang saya ng makita siya. Ngumiti naman siya sa kaniyang Ate Emellia dahil aaminin niyang bigla siyang nasabik dito.
    "Hello, Sis. Kumusta ka na. OMG! na-miss kita bunso!" impit nitong tili. "Aww... parang gusto ko ng hilahin ang mga araw para makauwi na riyan." nakatulis ang ngusong turan nito. "Akala ko nagbibiro lamang si Barry ng sabihin sa akin na nariyan ka nga raw."
    Tila gusto niyang alisin ang pagkakangiti na nakalapat sa kaniyang mga labi dahil sa narinig. Napaka bilis naman nakapag-report niyon sa kaniyang Ate. Kaya marahil napa-video call ito.
    "Bahala na muna kayong dalawang mag-usap magkapatid. Alam ko na bibihira na makapag-usap kayo pa-video call kaya ibibigay ko na ang momment na ito sa inyong dalawa. Pupuntahan ko na muna ang Daddy niyo roon," saad ng kanilang Mommy na sa kanilang dalawa patungkol.
    "Sige, Mie. Kami muna ni bunso ngayon," saad ni Emellia.
    Tumango naman siya sa kaniyang Mommy na sinundan niya pa ng tanaw habang palabas ng pintuan ng kaniyang Silid.
    Muli niyang ibinalik ang paningin sa kaniyang Ate Emellia sa screen ng laptop.
    "Nasabi na pala ng asawa mo na nandirito ako. Napaka bilis naman niya pa lang mag-report sa iyo."
     "Oo, kanina. Tumawag kasi siya sa akin at nabanggit nga niya. Kumusta ka naman sa Manila? Hindi ka ba nahihirapan mamuhay doon nang mag-isa at malayo kina Mommy at Daddy?"
    "Fine, Ate. I'm doing great. Infact mas nahanap ko ang sarili ko sa ganoon."
    "So, parang sinasabi mo na masaya ka sa naging desisyon mo noon?" 
    Hindi siya agad nakasagot at panandaliang natigilan sa tanong na iyon ng kapatid na aaminin niyang hindi niya inaasahan. Bakit tila siya nangapa at nagkaroon ng alinlangan na sagutin iyon?
    Alam naman niya kasi sarili niya noon na hindi siya masaya sa pinili niyang desisyon. Pero para sa ikatatahimik ng lahat higit lalong si Barry ay ginawa niya iyon at hinayaan na lamang ito sa kaniyang Ate.
    Lalo na at natatandaan niya ang binitiwan na salita ni Barry noon sa kaniya bago may maganap sa kanila nang gabing iyon na sumugat ng tuluyan sa kaniyang batang puso.
    'Huwag mong sayangin ang mga luha mo para sa akin. Hindi ako ang nararapat na paglaanan mo ng ganiyang pagmamahal sapagkat nakatakda na akong ikasal sa Ate Emellia mo,'
    Kung maaari lang niyang sabihin sa Ate niya ang salitang iyon ni Barry noon na grabeng luha ang inilabas niya pagkatapos dahil ang sakit-sakit no'n sa kaniya. Pero sempre hindi pa naman siya nawawala sa katinuan para sabihin iyon sa kapatid.
    Nakikita niya ang kapatid sa screen monitor ng laptop naa nakangiting naghihintay ng sagot niya. Kaya no choice kailangan iya iyon sagutin ng hindi ito ma-o-offend.
    "Oo, masaya siyempre, lalo at nakabuti naman iyon sa akin at narating ko ang dapat kong marating. May bookshop ako na pinagkaka-abalahan na pamalit sa mga libreng oras ko, dahil ayokong nag-iisip lalo na kung nakalipas na," aniya sa kapatid.
    "Oh, that's great. Nakikita ko naman na you feel better now and nag-grow ka sa loob ng sampung taon. At dahil diyan may hihingiin akong pabor sa iyo bunso, tutal nariyan ka naman ngayon," turan ni Emellia sa kapatid.
    Napakunotnoo siya at bahagyang naningkit ang mga mata sa narinig sa kaniyag Ate Emellia.
    "Ano'ng pabor Ate?"
    "Maaari ba na habang nariyan si Barry at tutal nariyan ka rin. Puwedi ba na bantayan mo siya para sa akin?"
    Muling napakunot ang kaniyang noo at talagang nagtaka siya. "Bantayan? Tama ba 'yon narinig ko Ate, bantayan?" saad niya sa kapatid.
    "Yeah, Why?" ani naman nito.
    "Wait, bakit kailangan bantayan? Eh, ang laki na no'n asawa mo. At hello, mukha na bang tiga-bantay ang kagandahan ko ngayon?" saad niyang punong-puno ng pagtutol sa nais ng kaniyang Ate na plit niyang idinaan sa biro. 
    "Arsie, listened to me first. May dahilan ako kung bakit kailangan ko ipagawa ito sa iyo. Kaya nga sabi ko pabor. Pero kung hindi ka naman papayag, wala naman ako'ng magagawa roon kasi desisyon mo iyon. Ang sa akin lang pakinggan mo muna 'yon dahilan ko. Isa lang din ito sa reason kung bakit gusto kitang maka-usap pa video call."
    Hindi pa man niya naririnig ang dahilan ng Ate niya kung bakit nais nitong pa bantayan si Barry sa kaniya habang nandirito sa Pilipinas, parang gusto na niyang matakot sa ediya nito.
    Lalo na at para sa kaniya ay hindi maganda ang naging simula ng pagkikita nila. tapos papabantayan pa. Higit lalo na inis pa naman siya kay Barry dahil sa mga ikinikilos nito sa kaniya.
    "Ate, wala naman akong plano na magtagal dito sa Laguna. One week lang ang sinabi ko kay Mommy na pag-stay rito. Dahil nasukol na lang talaga ako. Pagbibigyan ko lang para hindi sumama ang loob. Kung tutuusin wala naman talaga akong plano na pumunta rito sa bahay. Pag-attend lang talaga sa reunion ang plano ko     doon sa School. Pero ewan ko bakit bigang sumulpot doon ang asawa mo at dinala nga ako rito sa bahay." mahaba niyang turan sa kaniyang Ate Emellia. Umaasa siyang mababago ang isip nito at hindi na ipipilit pa ang nais nitong gawin niya.
    Pero nadismaya lamang siya sa tinuran nito sa kaniya at hindi agad nakasagot.
    "Hindi ba okay ka naman na? Palagi mo iyan bukambibig sa akin kapag tinatawagan kita para kumustahin. Kaya hindi ako nag-alinlangan na hilingin sa iyo na bantayan mo Si Barry habang nariyan. Wala naman problema sa akin, Bunso kung ayaw mo. Pero dahil ngayon lang naman ako humingi ng pabor sa iyo. Nakakasama ka naman ng loob."
    Kababakasan nang lungkot ang mukha ng Ate niya. Ganoon din ang tinig nito. Ngayon lang nag-sink in sa utak niya ang nais nitong ipunto talaga. Kung hindi pa nito sinabi na okay naman na siya. May nais itong patunayan. Puwes! patutunayan niya iyon dito.
    "Sabihin mo muna sa akin ang dahilan mo Ate. Bakit nga ba kailangan siyang bantayan?" matatag na tanong niya sa kapatid. "Dont tell me wala kang tiwala sa asawa mo?"
    "Tiwala? Mayroon siyempre but aside for my personal reason. I want you to prove it to me if your really okay with Barry."
    Kung gaano katatag ang pagkakasalita niya, mas matatag ang tono ng Ate Emellia niya.
    "Ate, past is past okay. Naka move on na ako kaya mag-move on ka na rin."
    Nagbago ang aura ng mukha ng kapatid at napalitan iyon ng maaliwalas at may ngiti na sa labi nang muling magsalita.
    "Bakit ako magmo-move on? Walang ganoon sa parte ko. Kaya mas deserve mo iyang salitang iyan, Bunso.
    'Deserve ko talaga ito noh. dahil mas kilala ko ang sarili ko kaysa sa iyo,' tanging sa sariling isipan niya lamang tinuran iyon.
    "So, mukhang wala namang problema pala sa hinihiling ko sa iyo. Payag ka na ba?" mulinf saad nito.
    Dahil gusto ng Ate niyang patunayan niya iyon, puwes papayag siya. Wala na ang dating batang Arsie noon. Sapagkat binago na iyon sa nakalipas na sampung taon.
    "Payag na ako."
    "Yes! Thank you Bunso. Alam ko naman na hindi mo ako matitis talaga."
    "Pero sana bilisan mo naman ang pag-uwi mo rito at alam mo naman Ate na may sarili rin naman akong mundo sa Maynila."
    "Sure Bunso. Hindi naman magtatagal iyan ipinapagawa ko sa iyo so, dont worry. But remember na hindi ka dapat matunugan ni Barry okay. Act like a normal. Iyong tila wala lang tayong ganitong pinag-usapan.
    "Yeah," aniya na lamang para tapos na ang usapan sa topic na iyon.
    Matapos ang naging pagpayag niyang iyon ay nakapag kuwentuhan pa silang magkapatid ng ibang topic na kung anu-ano na lang. Kahit paano naman sa maikling bonding time nila na iyon ng kaniyang Ate ay masasabi niyang in good term pa rin naman sila sa kabila ng lahat ng mga naging desisyon niya noon kahit naman nasa Dubai na ito kasama ni Barry.

          *** Rhaime22 ***
   
 

I FALL ALL OVER  AGAIN ( Published Under PIP Publishing) Where stories live. Discover now