Kabanata 6 - Tawag

184 9 2
                                    

I dedicated this chapter sa mga waiting ng update. Here is it....

MATAPOS nilang mag-agahan kasama ang kaniyang magulang ay inihatid siya ng Mommy niya mismo sa kaniyang silid.
    "Palaging ko'ng ipinapalinis ang silid mo na ito kahit wala ka, anak. Para kako incase na bigla kang dumating ay komportable ka pa rin dito kahit matagal na panahon mo rin hindi natulugan ito," wika ng kaniyang Mommy. 
    Nang tuluyan silang makapasok roon ay muli siyang niyakap ng ina at pagkatapos ay hinawakan ang kaniyang mga kamay at hinuli nito ang kaniyang paningin.
    "Umaasa ako na magiging maayos ang lahat sa inyo ng Kuya Barry mo habang nandirito siya. Siguro naman sapat na ang maraming taon na nagdaan para magbago ang kung ano man na mayroon ang Kuya Barry mo riyan sa puso mo," saad ng ina.
    "Mom, past is past. Kung ano man po ang pagtingin ko sa kaniya noon ay puppy love lamang po iyon. Tama po kayo ni Daddy" Sinabayan pa niya ng bahagyang pagtawa iyon. "Marami na pong nagbago sa akin ngayon at tinatawanan ko na lang kapag naaalala ko kung paano ako nagpaka bitter noon sa kaniya at higit sa lahat, kung paano ako halos gustuhin magwala na parang baliw sa harap ninyo lahat noon. Mabuti na lang at hindi ko nagawa kasi naging maagap ka sa akin. Pero sa kabilang banda nakabuti naman iyon para sa akin. tama, Mommy?"
    "Oo naman Baby. You're smart and indefendent now. And we're so proud of you. Anyway, maiwan na kita rito at baka kulang pa ang tulog mo. Magpahinga ka pa at sa mga darating na araw dapat ma-enjoy mo ang pag-i-stay mo rito for a while. "
    "Thank you 'Mom."
      Pagkalabas ng ina ay iginala niya  ang paningin sa kaniyang silid at noon lang niya tuluyan nadama ang pagkasabik sa sariling silid. Wala naman ipinagbago iyon. Ang kaniyang cabinet na gawa sa kahoy na napanatili ang kintab dahil sa varnish nito. Ang maliit na mesita kung saan may katamtamang laki ng lampshade na nakapatong roon. Ang pinakaibaba noon ay isang mini drawer, kung saan doon niya inilalagay ang mga pocket book na binibili noon sa bookstore.
    Nakatutuwa na napanatili ang kaayusan ng kaniyang silid kahit maraming taon na ang dumaan na hindi ito natutulugan. Ang kaniyang kama na hindi ganoong kalapad. Sapat para sa dalawang tao. Kung minsan ay nagtatabi sila ng kanyang Ate Emellia sa silid niya o minsan siya sa silid nito.
    Malapit silang magkapatid, palibhasa ay dalawa lamang nga sila. Malambing rin ito sa kaniya at sobrang maalalahanin. Alam nga nito na crush niya ang binata noon kasi ikinikwento niya rito mismo. Pero siyempre bata pa nga siya noon ay tinatawanan lang iyon ng Ate niya at palaging sinasabi na ayos lamang daw iyon sapagkat walang masama sa pagkakaroon ng crush.
    Ngunit sinong mag-aakala na sa kabila ng pagiging open niya sa kaniyang Ate Emellia noon ng nararamdaman niya kay Barry ay may pagtingin din pala ito sa binata. Tahimik nga lamang ang Ate Emelia niya at never nagbangit sa kaniya. Kaya ang mabalitaan na ikakasal ito kay Barry ay halos hindi niya matanggap. Nangako sa kaniya si Barry at iyon ang pinanghawakan niya noon.
    Tuwang-tuwa pa siya noon ng malaman na nakabalik na ito mula sa Dubai makalipas ang dalawang taon na pagtatrabaho nito roon. Sa dalawang taon na iyon ay wala siyang personal na balita kay Barry. Tanging ang Ate Emellia lamang niya ang nagsasabi sa kaniya na ayos lamang daw naman ito roon. Iyon pala ay may unawaan na ang dalawa. 
    Hindi niya tuloy naiwasan ang magbalik tanaw may sampung taon na ang nakalipas sa kung paano niya iyon natuklasan. At naging simula ng lahat ng kaniyang pagbabago at mga desisyon sa buhay.
 

ISANG hapon pagkagaling ni Arsie sa Doña Fatima Memorial School kung saan siya pumapasok ay isang magarang kotse ang nakaparada sa loob ng kanilang bakuran. Marahil may bisita sila.
    Hindi pa man siya ganap na nakapapasok sa loob ay nakita na niya ang bisita na nasa kanilang sala kasama ang kaniyang Mommy at Daddy. Naroon din ang kaniyang Ate Emellia at nasa tabi nito ang kanilang bisita na walang iba kung hindi ang kaniyang tinatawag na Kuya Barry.
    Seryoso ang mga ito sa pag-uusap. Bigla siyang na-excite nang makita ito. Parang gusto niya itong dambahin ng yakap agad-agad dahil sa pagkasabik sa kaniyang tinatawag na Kuya. Ayaw na niya sana itong tawagin na Kuya sapagkat siya mismo ang naiilang na dahil nga sa may iba siyang pagtingin dito. Pero bilang respeto sa kagustuhan ng kaniyang mga magulang nais ng mga ito na maging magalang siya sa binata lalo't higit ang tanda nito sa kaniya.
   Ang Ate Emellia niya ang nakakita sa kaniya kaya agad siya nitong Tinawag para lumapit sa kanila.
    "Arsie, nariyan ka na pala? Halika rito. May bisita tayo."Nakangiting wika ni Emellia sa kapatid.
    Agad nagtagpo ang paningin nila ng binatang si Barry at may matipid itong ngiti sa kaniya.
    Sa katabi ng Mommy niya siya pumuwesto ng upo para nang sa gayon ay nasa harapan lamang niya ang binata at malaya niya itong nakikita.
    "Hi, Kuya. Nakabalik ka na pala?" masayang aniya rito.
    "Noong isang araw lang. Kumusta ang baby ng pamilya?" saad ni Barry na may himig biro sa pagtatanong nito sa pagbangit ng Baby sa kaniya.
     Agad napasimangot si Arsie dahil sa narinig. "I'm not baby anymore. Sixteen na kaya ako ngayon kaya dalaga na ako."
    "Baby, your still young pa rin," saad ng kaniyang Mommy. "Ang ganap ng dalaga ay ang Ate Emellia mo kaya nga mag-aasawa na siya."
  Bigla ang pagpintig ng puso ni Arsie dahil sa narinig. Sa sinabing iyon ng kaniyang ina ay bigla ang bulusok ng hinala sa kaniyang isipan. Otomatikong lumipat ang kaniyang paningin sa dalawang taong magkatabi ngayon sa kaniyang harapan.
    "Yes, bunso. Tama ang sinabi ni Mommy. I'm getting married," wika ni Emellia.
    "K-Kanino?" mahinang tanong niya. At pilit na iwinaksi ang kaniyang hinala sa dalawa.
    Me and your Ate Emellia is getting married as soon as possible," segunda naman ni Barry.
    Tila nabato balani si Arsie sa mga narinig sa mga ito. Hindi agad siya nakahuma. At alam niya na mababanaag sa reaksiyon ng kaniyang mukha ang pagkagulat sa mga narinig na unti-unting napalitan ng sakit deep inside na nagmumula sa kaniyang puso.
     "No, That's not true. Sabihin niyo sa akin na ginu-goodtime niyo lang akong dalawa," aniya na agad namuo ang butil ng luha sa kaniyang magkabilang mata.
    "Totoo, Arsie. At hindi namin gagawin biro ang ganitong kaseryosong bagay sa harapan mo," saad na ni Emellia.
    "Kaya ba ganoon na lang katitipid ang sagot mo sa akin, Ate, kapag nagtatanong ako ng tungkol kay Kuya Barry sa iyo? Kung kumusta na ba siya roon sa Dubai? Iyon pala kayo ang may relasiyon. Bakit Ate? Alam mo naman kung gaano ako naging ka-open sa iyo ng mga nararamdaman ko sa kaniya na hindi ito basta crush lang." Tuluyan bumagsak ang luha niya at nawalan siya ng pakialam na naroon din ang kanilang magulang.
    "Arsie! shut up!" saad ng kaniyang ama sa mataas na tinig. "Napaka bata mo pa para seryosohin ang mga ganyang bagay. Ipinagsawalang bahala namin ng Mommy mo ang pagiging open ng feeling mo kay Ibarra noon. Dahil naniniwala kami na parte iyan ng kabataan mo. A puppy love. Pero hindi ako makapaniwala na mas palalalimin mo pa pala iyan. Nakuha na nga mag-abroad ng Kuya Barry mo, nariyan pa rin iyan!"
    "Ano ka ba, Felipe?!" sansala ng ina sa ama. " Kalmahin mo nga ang iyong sarili at hindi iyan makabubuti sa sitwasiyon ngayon."
    "Halika anak, mabuti pang magpalit ka na muna ng pamalit na pamahay na damit," ani ng kaniyang ina sa kaniya. Inakay siya nito papunta sa kaniyang sariling silid.
    Bago siya tuluyan sumama sa ina ay isang pagsusumamong tingin ang nais niya sanang makita ng kaniyang Kuya Barry sa kaniya. Ngunit bigo siya sapagkat hindi naman ito nag-abalang tingnan siya.
    Nang makarating sila sa kaniyang sariling silid ay pina-upo siya ng kaniyang Mommy sa gilid ng kama at saka masinsinang kinausap.
    "Bunso, Masiyado ka pang bata para magseryoso sa ganiyang bagay. Mas marami ka pang dapat na unahin. Wala kaming ibang hinangad sa iyo ng Daddy mo kung hindi ang makatapos ka muna at may marating sa buhay. Higit sa lahat hindi tama na patuloy mong gustuhin ang kuya Barry mo dahil hindi na puwedi. Magiging asawa na siya ng Ate mo. At nakatakda silang ikasal dalawang linggo mula ngayon."     
     Yumakap siya ng mahigpit sa ina at doon muling ibinuhos ang sama ng loob. Nais niyang iiyak ang kabiguan sa kaniyang unang pag-ibig. Pero sa kabilang banda ay may katiting pa siyang pag-asa hangat hindi pa naikakasal ang mga ito.
    Kailangan makagawa siya ng paraan para magbago ang isip ng kaniyang Kuya Barry na magpakasal sa kaniyang Ate Emellia. Sa kaniya nangako ang binata noon na pinanghawakan niya ng todo.
    "Darating ang araw na mauunawaan mo din ang lahat at for sure marahil tangap mo na."

     Bumalik ang kaniyang isipan sa kasalukuyan ng marinig pagtunog ng kaniyang Cellphone. Kinuha niya iyon mula sa loob ng kaniyang dalang hand bag na naglalaman ng kaniyang mga personal kit. Agad niya iyong sinagot ng makita kung sino ang tumatawag.
    "Therese, bakit napatawag ka?"
   Nagulat siya sa narinig na sinabi nito at hindi siya makapaniwala.
    "Sinong naghatid diyan?"
    Agad siyang napamura ng malutong dahil sa sinabi ni Therese. At hindi niya palalagpasin ang nangyaring ito.
    Agad na rin nagpaalam sa kaniya si Therese dahil iyon lang naman ang itinawag nito sa kaniya.
    'Humanda ka sa akin kapag nagkita tayo ulit. Hindi ko mapapalagpas ito,' Gigil na aniya sa isipan.

          ***Rhaime22***

Author's note: Thank you for reading and voting this chapter. XOXO .
   

I FALL ALL OVER  AGAIN ( Published Under PIP Publishing) Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz