Kabanata 2 - The Reunion

218 10 1
                                    

WARNING: Expect a grammatical error ahead and a wrong typo. This is un edited  update.
               ___________

ISANG kulay ligth brown na long gown na spagethy strap style na may mga plits ang pinaka laylayan ng suot niya. May hiwa din iyon banda sa dibdib na V-shaped style na umabot pa waistline at may red belt din ito na bumagay sa taglay na ganda ng suot niya.
    Hindi kalakihan ang dibdib na mayroonn siya pero masasabi niyang perpeko ang pagkakahubog niyon at bumagay sa balingkinitan niyang katawan. Bumagay din ang kulay ng gown sa tan color niya. Habang ang kaniyang mahabang buhok ay maayos na naka pusod na sa parlor pa talaga niya ipinaayos.
    Pinaghandaan niya pa rin ang gabi ng reunion na ito. Masaya silang nagkumustahan ng mga dati niyang kaklase noong Fourth year. Kabilang na ang walong pinaka naging barkada na niya na sina Fritz       na ngayon ay isang matagumpay na businessman na. Si Allen naman tuluyan naman nang naging bilyonaryo pero walang pinagbago dahil Playboy pa rin. Si Mathew na Gobernor na pala. Si Loreline naman ay Doctor. Si Aliyah na Lawyer, Si Eula ay Teacher.
     Habang siya naman ay walang matinong trabaho na tinatagalan kasi paiba-iba siya ng gusto. Mabilis din siyang magsawa sa isang klase ng trabaho kaya kung ano-ano na lang pinapasok niya. Boring kung baga sa kaniya ang palaging paulit-ulit lang na senaryo sa trabaho.
    Tapos siya ng Mascommunication pero ni minsan hindi niya ginamit ang tinapos na pinag-aralan. Nakakatawa iyon basta feel niya iyon kunin na kurso dati at sa awa naman ng Diyos nakatapos naman siya.
    Mabuti na lamang at may sarilli siyang book shop na napagkukunan niya ng mga expenses kung minsan kapag wala siyang trabaho. Hindi naman na nagtaka sa kaniya ang mga kaibigan sapagkat alam naman ng mga ito ang ugali niyang iyon.
    Kasalukuyan siya ngayon na nagtatrabaho as call center agent naman at Six month na siya roon. Sa tulad niyang indefendent ay sapat na ang kinikita niya dahil tanging sarili lang naman niya ang binubuhay niya. At never siyang inobliga ng kaniyang mga magulang pagdating sa pera.
    Siya ang nagpapadala sa mga ito ng kusa na mas madalas na ayaw pa nga na kunin pero wala naman na magawa ang mga ito kapag naipasok na niya sa account ng mga magulang niya sa bangko.  
    Bago mag-alas tres ng madaling araw ay unti-unti ng nag-aalisan ang mga tao maging ang kaniyang mga kaibigan. May sarili naman siyang kotse na dala kaya walang problema ang pagbalik niya ng Manila.
    Iyon nga lang hindi niya alam kung kakayanin niya pang magmaneho pabalik ng Manila Pakiramdam niya ay nahihilo siya. Naparami yata ang inom niya ng mga isini-serve na alak ng hindi niya namamalayan. At ngayon niya lang naramdaman ang epekto. Idagdag pa na wala siyang maayos na tulog kaya ganoon din.
    Tinahak niya ang papunta sa parking lot ng eskuwelahan kung saan naroon ang kaniyang dalang sasakyan. Hindi niya maisuksok ng maayos ang susing hawak para mabuksan ang driver seat sapagkat dumudoble ang paningin niya at nanlalabo pa iyon. Tila anumang sandali ay babagsak na siya dahil nagdidilim ang kaniyang paningin.
    Makailang pagwagwag ng ulo ang ginawa niya umaasang maalis ang pagkahilo, pero tila mas lalo pa iyong lumala sa ginawa niya. Nang biglang may umagaw ng susing hawak niya sa kaniyang mga kamay.
    "Hey!" aniya sa gumawa no'n. Agad ding nag-landing ang kaniyang paningin sa mapangahas na iyon.
    At sa naniningkit na mata ay pilit inaninag kung sino ang lalaking nasa kaniyang harapan ngayon na binubuksan na ang pintuan ng kaniyang sasakyan.
    Oh, shit!" mahina niyang anas. lasing na yata talaga siya sapagkat pamilyar sa kaniya ang wangis nito. Pero imposible ang kaniyang nakikita dahil wala dito iyon. At marahil kamukha lamang.
    Tumitindi ang pagkahilo niya, isama pa ang tila hinahalukay na sikmura sanghi para umahon papunta sa kaniyang bibig ang mga pinagkakain niya kanina. Napahawak siya bigla sa braso ng lalaki. At dahil hindi na niya napigilan ang nararamdaman na tila maduduwal ay tuluyan niya iyon pinakawalan.
    "Oh, Shit!" mura naman nito. Hindi dahil sa ginawang pagsuka sa kaniya ni Arsie sa kaniyang balikat, kung hindi dahil sa ginawa nitong pagsubsob ng mukha nito sa mismong balikat niya na sinukahan nito.
    Mabilis niya itong inalalayan papasok sa sasakyan at maayos na iniupo roon. Gamit ang panyong dala ay pinunasan niya ang parte ng mukha nito na nabasa sanhi ng suka nito mismo. Tsaka pa lang niya naharap ang sarili. Mabuti na lamang at may suot siyang jacket. Kaya ayos lang na alisin niya iyon sapagkat sinukahan nga ng dalaga.
    Napailing siya ng muling lingunin si Arsie na ngayon ay nakayukyok na ang ulo pasandal. Nakapikit na rin ito. Ikinabit niya ang seatbelt dito at bahagyang ini-slide ang pinakasandalan para maayos nitong mailapat ang katawan. Naamoy pa niya ang pabangong gamit nito na humalo na nga sa amoy alak at suka nito.
    Lihim niyang kinagalitan ang sarili sapagkat sa kabila ng kakaibang amoy na nito ngayon ay tila may kung anong bagay ang binuhay nito sa kaniyang parte. Lalo at hindi niya rin napigilan ang matigilan at mapalunok nang tuluyan mapagmasdan ang kabuuan ni Arsie sa suot nito.
    Maliit lamang ang dibdib ng dalaga pero hindi naitago no'n ang taglay na alindog niyon sa bahagyang nakasilip na parte ng magkabilang dibdib nito. At ang makinis na hita nitong nakalitaw rin sapagkat mahaba ang slit ng gown nito na umabot hanggang malapit na sa singit.
    Gustuhin man niyang takpan ang magagandang tanawin na iyon na tukso sa kaniyang paningin ay wala naman siyang maipantakip. Dahil ang jacket na nais niya sanang ipasuot rito ay puno na ng pinagsukahan nito.
   Three days pa lang mula ng nakabalik siya galing Dubai. At nalaman niya sa kaniyang malapit na pinsang lalaki na ka batch ni Arsie na magkakaroon ng grand reunion ang eskuwelahan para sa kanila.
    Inalam niya Kay Tita Ester na Mama ni Arsie kung makadadalo ang dalaga. Ngunit ang sabi nito ay hindi nito alam pero pinadalan nga rin daw ito ng invitation sapagkat inalam sa kanila ang address nito. Sinabi pa ng mga ito na kung malaman na umatend si Arsie sa reunion ay papasyalin ito sa kanila.
    Nang tumawag ang kaniyang pinsan at ipinaalam na dumalo nga si Arsie ay wala siyang sinayang na sandali. Tatanawin niyang isang malaking utang na loob sa pinsan ang ginagawa nitong pagre-report sa kaniya ng sabihin na mukhang naparami na ng inom si Arsie at any moment ay malapit ng matapos ang party.
    Hinintay na lamang niya ang dalaga na magplanong umuwi at totoo nga ang sinabi sa kaniya ni Migs na nalasing ang dalaga. Kaya nga agad niya itong nilapitan sa sasakyan na nito mismo.   
    Malapit kapwa ang pamilya nila sa isa't isa. Kaya nga naging malapit din siya sa magkapatid na Arsie at Emelia. Ang ate nitong si Emelia ang kaidaran niya at kasama nga niya ito sa Dubai sapagkat roon sila nagkaroon kapwa ng trabaho.
    Bata pa noon si Arsie ng makitaan niya ito ng pagtingin sa kaniya. Nasa edad onse or dose marahil na hantaran nitong sinabi sa kaniya. At dahil nga Neneng pa hindi niya iyon siniseryoso sapagkat iniisip niya iyon na puppy love lang sa edad nito. At kuya pa nga ang tawag sa kaniya. Sampung taon kasi ang agwat ng edad niya kay Arsie.
    Maging ang Ate nito na si Emelia ay alam iyon at nangingiti na nga lang din ito. Hayaan na lamang daw niya. Naging daan din iyon para sakyan niya ang nararamdaman nito  na idinadaan naman niya sa biro. Nakakatawa man isipin ngunit ng mga panahong iyon ay hindi isang little sister ang tingin niya kay Arsie  kung hindi mas higit pa roon.
    Naptunayan niya ang nararamdaman na iyon sa dalaga sa paglipas ng mga taon. Ipinangako niya sa sarili na kapag nasa tamang edad na ito ay tsaka niya ito liligawan. Ngunit isang pangyayari ang bumago ng lahat ng kaniyang mga desisyon na naging malaking epekto para kay Arsie.
    Hindi nga ba kaya umabot pa sa puntong isinuko ni Arsie sa kaniya ang sarili nito sa edad na sixteen. May sampung taon na ang nakalipas. Ang pagpapaubaya ng sarili nito sa kaniya na tanging nagpabago rin ng lahat dito. Kaya nga mas pinili nito na mamuhay ng mag-isa sa Maynila.
    Muli niyang nilingon si Arsie na mahimbing pa rin ang pagkakatulog. "Im sorry for everything baby. Pero narito na ako ulit and thank god your still single.                     
     Itinutok na ni Barry ang atensiyon sa pagmamaneho at sa kaniyang tinutuluyan niya muna ito ididiretso. Isa pa nakapangako rin siya kina Tita at Tito na parent ni Arsie na kailangan madala niya si Arsie sa mga ito bago bumalik ng Maynila.

          **** Rhaime22 ****

Authors note: Thank you for reading. Please support may story using vote this chapter.  ang im sorry for the slow update.
      

I FALL ALL OVER  AGAIN ( Published Under PIP Publishing) Where stories live. Discover now