Kabanata 7- Si Eunice

161 7 1
                                    

ATE Arsie! Pagtawag nang malakas sa pangalan niya na nagmumula sa labas kasabay ng katok sa pintuan.
    Napilitan siyang imulat ang kaniyang mata para bumangon at tunguhin ang pinto upang pagbuksan ang sino man na tumatawag sa kaniyang pangalan. Sa klase ng pagkakakatok nang sino man na iyon ay tila nais ng gibain ang kaniyang pinto.
    Ini-lock nga pala niya iyon kanina bago siya nagpasyang matulog ulit matapos ang tawag ni Therese sa kaniya. Hindi rin niya inaasahan na mapapasarap siya ng tulog.
    Pagkabukas niya ng pintuan ay ang pinsan niyang si Euenice iyon. Agad itong sabik na yumakap sa kaniya.
    "Nang sabihin ni Tita na nandirito ka nga raw agad akong nagpunta," saad nitong may halong pagkasabik ng makita siya.
    Isa ito sa mga ka-close niyang pinsan at matanda siya rito ng dalawang taon.
    "Kumusta ka na?" anito.
    "Ayos lang naman." Muli siyang bumalik sa loob at naupo sa kama. Sinundan naman siya ng pinsan at tumabi sa kaniya.
    "Cous, nabangit din pala ni Tita na mag-i-stay ka raw dito for a week. Tamang-tama kasi may gaganapin na pasayaw sa makalawa diyan sa may bulwagan sa barangay. Proyekto ng sanguniang kabataan."
    "Oh, ano'ng connect?"
    "Dumalo ka. Hindi ba mahilig ka sa sayawan," saad nito na tumatawa.
    "So, nagpunta ka rito para lang sabihin sa akin iyan. Dati pa iyon, hindi na ngayon. Ano'ng tingin mo sa akin teenager pa?" Bahagya rin itong tumawa. "Uso pa pala iyan dito sa atin?" aniya naman sa pinsan.
    "Oo naman noh! At tsaka uy, hindi lang naman iyon pang teenager, ano ka ba? Open iyon sa lahat ng gusto pumunta. Tsaka kasama mo naman ako."
    Napabunghalit na nang tawa si Arsie sa narinig.
"Grabe ka Eunice! Hindi  ako makapaniwala na sa edad mo na iyan mahilig ka pa rin sa ganyan. Ipaubaya mo na lang ang ganyan sa mga teenager uy, huwag ka nang makigulo pa."
    "Grabe ka!" Hindi naman iyon ang porpuse kasi. Ang team ni Maynard kasi ang mag-o-organize sa sound system. Ganoon ang line of buseness nila. Anyway Maynard is my fiancee."
    "Ahh. . . so, babantayan mo kaya ka pupunta sa pasayaw kasi baka magsayaw ng bagets doon kapag sweetdance na," aniya na lalo pang tumawa na may halo na rin nang pang-aasar dito..  
    "Baliw, hinde noh!"
    "Wehhh, kunwari ka pa riyan. Iyon talaga 'yon aminin mo na. Asus, parang hindi kita kilala na nuknukan ka ng selosa. Naaalala ko noong bata pa tayo kapag may crush kang lalaki sinasabi mo sa akin. Biruin mo ha, crush mo lang naman 'yon tao pero kung magselos ka kapag may kasamang ibang babae 'yon crush mo grabe ka maka-react. Ngayon pa ba na Boyfriend mo na at fiancee mo pa, eh, 'di lalo na."
    "Iba naman noon noh. Dala lang iyon ng alam mo na, part ng kabataan na lokaret kapag humahanga sa lalaki. Parang ikaw lang naman din noon na baliw-baliwan kay Kuya Barry noon."
    Nawala ang nakapaskil na ngiti sa mukha ni Arsie at napalitan iyon ng pagsimangot nang marinig ang pangalan ni Barry. Naalala na naman niya ang itinawag ni Therese sa kaniya.
    Agad naman napuna ni Eunise ang pagbabago nang reaksiyon ng mukha ni Arsie.
    "Ops, sorry I forgot, cous. Bad memory nga pala iyon sa iyo" Agad na paghingi nito ng pasensiya kay Arsie. Sa reaksiyon na nakita nito sa pinsan may kakaiba itong nabanaag doon.
    "Syunga!" saad niya sa pinsan na si Eunise. "Bakit ka nagso-sorry? That's not what you think okay. Matagal na akong naka-move on sa kabaliwan na iyon, ano ka ba?"
    "Oh, 'di mainam pala. Good for you. Kaya pumayag ka na, na dumalo sa pasayaw sa bulwagan. Malay mo naman doon mo pala makilala ang iyong destiny," ani Eunise. "Isa pa, hindi lang naman iyon pang kabataan. Open iyon sa lahat ng nais dumalo. Basta kaya magbayad ng entrance fee. Pero kapag ikaw libre na tayo siyempre."
    "Kalokohan mo."
    "Pero ano nga payag ka na?"
    "Hindi ko alam pag-iisipan ko muna siguro."
    "Ngek, pag-iisipan pa. Huwag na noh. Basta sabay tayo pupunta roon okay daraanan kita rito."
    "Bakit pumayag na ba ako? Hindi pa naman ah. Ano'ng daraanan pinagsasabi mo riyan?"
    "Ah basta pupuntahan kita rito."
    "Tumayo si Arsie buhat sa pagkaka-upo.
    "Tara nga roon sa labas at doon na tayo mag-kwentuhan. Nag-aalburuto na itong mga alaga ko sa tiyan kailangan ko ng pakainin. Ano'ng oras na ba, Cous?"
    Agad naman tumingin si Eunise sa relong suot. "Alas dos na nang hapon."
    "Kaya pala gutom na ako hapon na pala. Hindi pa kaya ako nagtatanghalian."
    "Pa miryenda na nga eh, sayo patanghalian pa lang."
    Sinundan ni Eunise ang pinsan nang lumabas na ito ng silid.
    "Bakit hindi naman kasi ako ginising ni Mommy para kumain?" aniya.
    "Wala sila Tito At Tita nang dumating ako. Umalis daw sabi ni Mary-ann. Siguro nahiya ka rin gisingin ng maid niyo na iyon."
    Napatango na lamang siya sa sinabi ni Eunise.
     Si Mary-ann ay ang maid nila  na marahil nasa katanghalian na ang edad. Naipakilala naman na sila sa isa't isa kanina noong nag-aagahan siya kasama ang Mommy at Daddy niya. 
    Dumiretso siya sa kusina  para tingnan kung ano ang makakain roon. Nakasunod pa rin ang pinsan sa kaniya.
    Siya na ang nagkusang magsandok ng kanin at ulam na nakita niya na naroon pa sa ibabaaw ng lutuan. Hindi na niya inabala pa na initin sapagkat gutom na talaga siya.
    Inilapag niya iyon sa mesa at sinimulan kumain.
    "Dapat ininit mo muna 'yon ulam mas masarap iyan kung mainit ang sabaw," saad ni Eunise. Nilagang baboy kasi iyon.
    "Asus iinit pa eh, ganoon din naman. Kain ka," alok niya pa sa pinsan.
   "Sige lang kumain ka lang diyan. Ayos lang ako."
    Magana siyang kumain habang nakatingin lang ang pinsan sa kaniya. Hindi naman siya nailang kahit pinapanood siya nito basta diretso lang siya sa pagkain.
    Inabot niya ang baso na may laman tubig at tsaka uminom mula roon. Muntik na siyang masamid sa narinig niyang tinuran ni Eunise sa kaniya lalo na ang tanong nito. Mabuti na lamang at napigilan niya na maibuga iyon. At naubo lamang siya ng bahagya.
    "Balita ko pala si Kuya Barry daw ang naghatid sa iyo rito kanina. Mabuti at okay na pala ulit kayo? Na-miss mo noh? Aminin?"
    "Ano ba iyan tanong mo? Bakit ko naman ma-mi-miss ang asawa ng Ate ko?"
    Ipinagpatuloy niya ang pagkain pero aminado siyang nawala siya bigla sa huwisyo dahil doon.
    "Asawa. . .?" ani Eunise na biglang natigilan.
    "Oo. Kaya umayos ka nang pananalita mo baka may makarinig sa iyo iba ang isipin riyan sa sinasaabi mo," saad naman ni Arsie.
    "Gaga! Wala naman ako'ng ibang ibig sabihin sa tanong ko, okay, kaya easy ka lang diyan, cous," turan ni Eunise nang makabawi.  "Ibig ko lang bang sabihin doon sa sinabi ko na normal lang na ma-miss mo si Kuya Barry lalo at matagal na kayong hindi nagkikita. Simula ng nagpasiya kang sa Maynila na tumira. Tapos nag-Dubai pa sila ni Ate Emellia. Eh, hindi ba sobra kayong naging close no'n?" 
     "Noon iyon at iba na ngayon." Sabay tayo ni Arsie at niligpit ang pinagkainan at inilagay iyon sa lababo.
    "Marami nang nagbago sa loob ng sampong taon na wala ako rito higit lalo sa pagitan namin ni Ba—, I mean ni Kuya Barry," muli niyang saad.
    Huhugasan na rin sana ni Arsie ang pinagkainan pero pinigilan siya ni Mary-ann na kapapasok lang.
    "Ako na riyan Ma'am Arsie," saad nito sa kaniya.
    "Arsie na lang po Ate Mary-ann. Ayos lang kahit sa pangalan ko na lang po ako niyo tawagin."
    "Sige kung iyan ang gusto mo," saad nito.
    "May gagawin ka ba?" tanong ni Arsie sa pinsan nang muli itong balingan.
    "Wala naman day-off ko ngayon sa trabaho kaya libre oras ko today."
    "Samahan mo ako. Punta tayo sa National book store sa SM tsaka para makapag-shopping nang ilan damit at wala ako masiyado rin dala gawa ng biglaan lang naman ang pag-stay ko rito. Tutal maaga pa naman at malapit lang naman 'yon Mall dito sa atin."
    "Ay, bet ko iyan. Medyo bibihira na rin ako mag-malling since no'n naging abala ako sa trabaho. Teka uwi na muna ako para makapagpalit lang ako ng suot."
    "Huwag na ayos naman na iyan suot mo. Ano'ng palit-palit pa?"
    Nagbilin muna siya kay Mary-ann para incase dumating ang Mommy at Daddy niya ng wala siya ay sabihin na lamang nito kung saan sila nagpunta ni Eunice.
    Wala naman nang nagawa si Eunice ng hinatak na siya ni Arsie palabas.

            *** Rhaime22 ***

I FALL ALL OVER  AGAIN ( Published Under PIP Publishing) Kde žijí příběhy. Začni objevovat