Chapter 6: Mafia 3

69 4 0
                                    

Sheriff's POV

Unti-unti kong minulat ang aking mga mata.

Kahit pala nakamulat ako, hindi ko rin masyadong makita dahil sa dilim.

Oo, may liwanag ngunit liwanag ito sa buwan at silhouette (o anino) lang ang nakikita ko.

Bigla naman akong nakarinig ng kalabog.

Ipipihit ko sana ang aking katawan ngunit ngayon ko lang na-realize that I am tied.

"Anong nangyayari?" tanong ko.

"Gising na ang kapitan sa western land, Sheriff," sabi ng isang boses.

Hindi ko ito nakikilala.

"Alam mo, bagay sa'yo ang maging Sheriff. Para maipakulong mo ang mortal mong kaaway, *evil laugh* ang iyong ama."

Napatahimik ako.

"Oo, ang iyong ama ay ang sikat na Phantom Thief sa buong mundo, at Joker ang kaniyang pangalan."

Nanatili akong tahimik sa sinabi niya.

"Now, I have a deal. Papakawalan kita kung sasabihin mo sa akin kung nasaan ang iyong ama."

I clicked on something at nagsalita ako.

"Patay na ang aking ama!"

Narinig kong tumawa ulit ang lalaking nasa dilim.

"Oo nga, patay na ang iyong ama dahil AKO LANG NAMAN ANG PUMATAY SA KANIYA!!!"

Gustuhin ko mang sugurin siya ngayon, ngunit...

"Pero nagkamali ako. Dapat sinaksak ko siya nang ilang ulit para alam kong patay na siya."

Kalma, Sheriff. Kalma...

"Hindi ko alam na galing sa daigdig ng mga patay ay babangon siya at mabubuhay! Dapat AKO ANG SIKAT! DAPAT AKO! AKO! AKO! AKO!!!"

I clicked on something again.

"Sorry, but I know already who you are," sabi ko.

Binunggo ko nang kanan kong paa ang kaliwa and when it clicks, the knife shows.

Nakadikit ito sa sapatos ko.

Itinaas ko ang aking kaliwang paa upang maputol ang tali.

I clicked the back of my recorder and it also shows the knife.

Oo, ini-record ko ang pag-uusap namin.

Naputol namang agad ang tali. And yes, masyadong matalas ang aking mga mini-kutsilyo for this purpose.

Automatic namang bumalik ang aking knives matapos kong gamitin.

Ngumisi ako.

"You are Mofa, the beloved assistant of Joker."

Narinig ko naman ang kaniyang pangngisi at nagsalita.

"Ako nga. The greatest magician of all! Mofa,"

"Magician? 'Di ko tatawagin ang sarili ko niyan, dahil sa mundong ito, lahat magician. Lahat may kakayahan. Iba't iba man ang elementong ginagamit nila, pare-pareho silang magician."

Narinig kong bigla ang mga kalabog.

Winawasak niya siguro ang kaniyang makita.

"Sino ka ba? Anak ka lang naman ng sikat na magnanakaw."

"Oh, ako ba? I am Joker, the second."

At natahimik siya.

"Oo, ako ang Joker na hinahanap mo. Isang taon nang malaman ko na pinatay ang aking ama, nalaman ko rin ang kaniyang pinakatatagong lihim.

"At simula noon, ako ang pumalit sa kaniya bilang Joker ngunit ibinabalik ko ang aking mga kinuha to pursue someone and that is you!

"Ang mga jewels na peke ay ang hinahanap ko. It is the only clue I have dahil matapos ang sunog noong namatay ang aking ama, may nakita akong pekeng jewel. And when I found out na sa'yo galing ang mga jewels na ito, nakaisip ako nang paraan para hulihin ka."

Mahoutsukai University - New Generation: The Mystery Club (bxb) [Completed]Where stories live. Discover now