Chapter 39: Sheriff vs Dean vs Nemui 1

93 6 0
                                    

Bunseki's POV

"Nga pala, kaya ako nandito, si Ama ay may ipinabigay na request. Ang sabi niya ay para sa Special Class ito dahil lalabas kayo sa University para sa training na gagawin sa inyo. Pero since, may permission ang Mystery Club na lumabas sa University, I suggest to them na isama kayo, Mystery Club Members."

"Ama?" tanong ko.

"Ah, si King Blaze ang Ama ko, at si King Sora ang aking Papa," sabi ni Nemui.

Napatango naman ako.

"Anyway, ito ang request na sinabi ni Ama."

At ibinigay ni Nemui, o mas karapat-dapat na tawaging Prince Nemui, ang isang newspaper sa akin.

All members gathered to me kaya inilapag ko sa mesa ang newspaper.

"Joker strikes again?" pagbabasa ni Hydra.

Tumango naman si Nemui kahit na hindi siya nakikita ni Hydra. Nakatingin lang kasi si Hydra sa newspaper or rather lahat ay nakatingin sa newspaper liban sa akin at kay Prince Nemui.

"Kilala na ninyo si Joker, hindi ba? A thief from Japan na ibinabalik ang ninakaw, matapos ang isang araw."

Bigla namang sumago si Sheriff.

"Yes. He is somewhat looking for something."

Napangisi ako.

"Well, I don't know if he's looking for something. Pero still, kailangang ma-prevent ito. This is not a good publicity, lalo na dito sa city."

"Yeah, probably, the tourists will be afraid to come here when they hear this news," komento ni Dean sa sinabi ni Nemui.

Tumago si Nemui.

"But why does the newspaper said 'again'?" tanong ko.

"Dito siya nagmula. If I'm not mistaken, almost 5 years na siyang nanggugulo dito. Pero after that 5 years, bigla siyang nawala. Nabalitaan na lamang namin sa telebisyon na nasa Japan siya at may ninanakaw na kagaya dito ay ibinabalik din...

"Tapos after 3 months, nandito na ulit siya."

Lalo naman akong napangisi.

"Sheriff, Dean, at Hydra. Kayo ang bahala sa request ni King Blaze."

At parang may kidlat sa pagitan nila nang magtinginan sina Sheriff at Dean.

😏

"At since, kayo po ang nakakaalam ng problema, kung mamarapatin n'yo lang po, pwede bang sumama ka sa kanila, Prince Nemui?"

"Pwede?" tanong niya pa na nanlalaki ang mga mata. Tumango naman ako.

At lalo namang nanlisik ang mga mata ni Dean pero hindi na kay Sheriff kundi sa akin.

Tumalon naman sa tuwa si Prince Nemui.

Tumigil naman siya, matapos ng ilang minuto at nagsalita sa akin.

"Sige, gagawin ko. Salamat. Saka no need to be formal. Magkaedad lang naman tayo, eh."

Ngumiti naman ako at tumango.

"Ah, nga pala, magpaalam ka muna kay King Blaze. Hindi ko pa rin alam kung papayagan ka niyang lumabas ng University," sabi ko kay Prince Nemui.

"Oh, okay. Oo nga 'no... Siya rin, nga pala, ang nagsabi ng request. Sige, aalis na kaming apat!"

At umalis na nga sila nang maingay. Nag-aaway-away, eh kung sino ang tatabi kay Hydra.

Geez.

"Is it okay? Will they be okay?" Mukhang napansin ni Ji 'yung napansin ko...

"Yes, they will."

Mahoutsukai University - New Generation: The Mystery Club (bxb) [Completed]Where stories live. Discover now