Chapter 32: Chemistry Laboratory Murderer 4

72 4 0
                                    

Hydra's POV

Nasa infirminary kami ngayon. Kasama ko sina Metallic, Noir, Kuro, Queen, Kalis, Sheriff at ang mga robot police.

"Ngayon, bago tayo magsimula, there is something I want to clear. Paano ninyo nalaman ang password sa laboratory?"

At sumagot silang lahat ng "Sa Periodic Table" ngunit ang isa sa kanila ay nagsalita ng "Sa teacher."

Ngumisi ako sa isip ko.

Though, napatingin silang lahat sa taong iyon, (dahil naiiba ang sagot niya) binalewala na lang nila at tumingin ulit kay Sheriff.

"Well, then... Let's start. First, as you said before, nasa Periodic Table ang clue to know the password.

"Tingnan natin 'yung Periodic Table. Sa lahat ng bibilugan, bakit kaya Carbon?"

"Dahil iyan ay clue sa password," sabi ni Kuro.

"Tama. Ang unang makikita sa Carbon ay ang atomic number niya which is 6 and it's symbol, which is C.

"And there are a lot of password with this combination pero knowing Prof Xyrus? He wants more simple kahit na Chemist Teacher siya. So say 6-C, multiple times, at mabilis.

"The answer?"

Sumagot naman si Metallic kay Sheriff ng "6666"

Kaya pinindot ni Sheriff ang 6666 sa parang calculator style na nakadikit sa pader.

And the illusion vanished at meron nang pinto.

"Now, let's go to Chemistry Laboratory."

Binuksan namin ang pinto at ang bumungad sa amin ay loob ng elevator.

Ibig sabihin this door leads to an elevator.

Matapos pumasok, pinindot ni Sheriff ang basement at nagsimula na itong umandar.

Matapos ang ilang segundo, the door opened, nang makarating kami.

All of this remains in place liban sa katawan ng biktima at burner na pinatay. Posible kasing sumabog ang kemikal na pinapainit at maging dahilan upang makatakas ang kriminal.

Pumunta naman si Sheriff sa outline ng victim's body at nagsalita.

"Ngayon, kaya ko kayo pinapunta rito ay...

"Unang una, lahat kayo, including your classmates and M-207 students are suspects.

"Dahil ito sa una, sino ang nakakaalam ng password ng Chemistry Laboratory? Ang mga tinuturuan niya.

"Robot police said that 10:45 namatay ang biktima and that time ang klase niya ay M-207."

"Eh, di, nasa M-207 ang suspect! Hindi kami!" sigaw ni Queen.

Umiling naman si Sheriff sa sinabi ni Queen.

"No. There are two possibilities. Una, kung nasa M-105 ang killer, s/he will just excuse herself/himself at dito niya pwedeng patayin ang biktima and kung nasa M-207 naman siya, s/he will just slip out sa party na ginagawa nila.

Nagulat ang taong iyon. Napangisi ako.

Tumingin bigla sa akin si Sheriff... So ako ang magtutuloy.

"Ininterview ko ang lahat sa kanila at kanilang mga Expertise sa magic and their president has the ability to know if his classmates are there or not. Kilala niya ang kaniyang mga kaklase at kung may isang nawawala, agad-agad niyang mapapansin. Therefore, kahit na meron silang party, their president will know if his classmates were gone or not," sabi ko.

Nagulat naman ang lahat (of course, liban kay Sheriff) sa ini-reveal ko.

"Kaya ba pinaisa-isa mo kami ng pagtatanong?" tanong ni Noir kay Sheriff.

I tilt my head at tumingin kay Sheriff.

"Yes, pinaisa-isa ko sa kanila." At kumindat siyang bigla.

Oh, I know that gesture.

Napangisi ako. Okay!

Mahoutsukai University - New Generation: The Mystery Club (bxb) [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon