Chapter 4: Newly-Floated Island 1

429 24 0
                                    

Bunseki's POV

Hayst!

Walang request, walang gagawin.

*yawn*

Nakakatamad.

Bigla namang bumukas ang pinto kaya dali-dali kong inayos ang aking upo at sinalubong ako ng isang lalaking hindi ko gustong makita ngayon.

"Akala ko naman, client," Nasabi ko sa kaniya.

"Even I, don't want to be here," sabi niya at umirap sa akin.

Tch.

"So, what's the deal, Vice President?"

Nga pala, he is the Student Parliament Vice President, Tornado. And yeah, he's a boy.

"Pinapaalalahanan lang kita na after two weeks na wala ka pang nakukuhang bagong miyembro, say goodbye to your own sweet home."

Ah, oo nga pala...

"Ilan ba ang kailangang miyembro sa isang club?"

"Aaaarrrgghhh!!! Hanggang ngayon, 'yan pa rin ang tanong mo? Geez. 3 members pataas ang kailangan sa isang club, and it means kailangang may mahanap ka ng at least 2 members."

Napatango ako.

Saan naman ako kukuha ng dalawa pang miyembro?

"Sige na, umalis ka na," sabi ko sa kamiya kaya naiinis siyang umalis. Padabog pa niyang sinarhan ang pinto.

Napangisi ako.

He is like a girl kung kumilos. Kung hindi lang kawal ang ama niya, iisipin kong bakla siya.

Oh, well.

After 5 minutes, may kumatok nang marahas kaya...

"Pasok!"

Pumasok naman sina...

Napatayo ako at yumuko sa kanila.

Ang pumasok kasi ay sina Professor Mint at ang King of Void, si King Sora.

"Ano pong maipaglilingkod ko?" tanong ko agad.

First time ko silang ma-meet, especially si King Sora and I respect him kaya ganito ako.

"Huwag ka nang yumuko at harapin mo ako."

Kinakabahan ako pero sinunod ko pa rin ang utos niya.

"Umupo po kayo," I said at umupo nga sila.

Umupo na rin matapos silang umupo.

Ni-libot ni King Sora ang kaniyang mga mata sa kwartong ito kaya nagtanong ko.

"Ahmmm... Uulitin ko po. Ano pong maipaglilingkod ko sa inyo?"

I catch their attention dahil sa tanong ko.

"You're a Mystery Club, aren't you?" tanong ni King Sora. Tumango naman ako.

"Tumutulong kayo, or rather, ka sa mga kaso ng school, 'di ba?" Tumango ulit ako.

"I have a request. It is not about murders or something but this is a world-wide problem."

Kumunot ang noo ko sa sinabi ni King Sora.

"Kanina lang, napakalakas ng lindol. We tracked it kung saan ang center nito at kung sa mapa natin, sa dagat matatagpuan ang sentro nito, ngunit sa online map ay sa lupa natagpuan," sabi ni Professor Mint.

"I'm sorry pero hindi kaya nagkamali kayo ng pag-track sa mapa?"

"No, kasi coordinates ang ginamit namin."

"Pwede bang makita ang mapa?" Kinuha nila sa kanilang bulsa ang mapa at inilapag sa lamesa na namamagitan sa amin.

I open my data and click the online map. When I compared this two, napangisi ako.

"It looks like, another island had floated,"

"That's my request. Alamin mo ang newly-floated island. Maaaring kingdom rin ito katulad ng mga nag-eexist nang kingdoms. Don't worry, I'll give you allowance, once na pumunta ka roon. Bukod pa sa magiging reward mo," sabi ni King Sora.

Napangiti naman ako.

"Then, I'll gladly accept your request, King Sora."

Mahoutsukai University - New Generation: The Mystery Club (bxb) [Completed]Where stories live. Discover now